"Iha, anuman ang pinagawayan ninyong dalawa ni Margaux, please, let it pass. Intindihin mo na lang na hindi maganda ang mga pinagdaanan niya kaya ganito siya." malumanay na pakiusap ni tita Margie kay Mellie. Hinawakan nito ang kamay niya at malungkot siyang nginitian. There were hopes in her eyes. Alam niyang deep inside, gusto rin nitong magkaayos sila ni Margaux. Hindi agad makatango si Mellie. Normally, agad siyang papayag sa suhestyon nito at ipakikita ang suporta sa mga gusto nito. But now was different. Pinahamak siya ni Mellie. Paano niya sasabihin ang kalagayan ngayon dito ng hindi nito ikamamatay? Until now, she was thinking of the easy way. Kapag sinabi niyang buntis siya dahil sa ginawa ni Margaux, baka ikamatay na nito. Pero kapag sinabi niyang buntis siya at lalagay sa tahi

