"s**t!" inis na asik ni Mellie ng hindi sinasadyang masiko ang mga folders. Aware siya sa gabundok na documents sa mesa. Dahil sa maraming beses siyang lumiliban sa trabaho ay natatambakan na siya ng trabaho. Kaya hayun. Halos bundok na ang documents na kailangan niyang pirmahan na hindi niya naalala dahil sa mga isipin. She was restless. Laging laman ng isip niya ang Winston Wilcoxon na iyon. Magmula nang magkausap sila tatlong gabi nang nakararaan ay hindi na siya mapakali. Kahit sabihin niya sa sarili na tapos na sila ng lalaki at sapat ng closure ang paghaharap nila ay pumapasok pa rin ito lagi sa kanyang isip. And she didn't know why! Naiinis na nga si Mellie sa sarili. Para ma-divert ang atensyon ay iniisip na lang niya sina tita Margie. Kailangan niyang kumuha ng tyempo at isipin

