"MA'AM, MAYROON po kayong bisita." ani Kim pagkaangat ni Mellie sa intercom ng opisina. Napakunot ang noo ni Mellie. Wala siyang inaasahang bisita. Wala siyang appointment ng araw na iyon. Balak nga niyang umuwi nang maaga para makapagpahinga. She felt exhausted. "Who?" takang tanong ni Mellie at tinapos na ang pinipirmahan. "Nagpakilala po siyang Winston Wilcoxon. Mahalaga raw po ang paguusapan ninyo." anito. Kumabog ang dibdib ni Mellie. Bigla siyang hindi mapakali ng malaman kung sino ang bisita. Dumagsa rin ang katanungan sa isip. Paano nito nalaman ang opisina niya? Halos dalawang linggo na ang nakararaan mula ng huli sila nitong nagkita. Ano ang possible nitong pakay? Tila wala sa sariling napahawak siya sa puson. Iyon ba ang pakay nito? Nagbago ba ang isip nito? Tila mayroong tu

