"SIYA PA rin ang iniisip mo." untag ni Vin kay Winston. Hindi siya sumagot. Bumuntong hininga lang siya. Tama ito. Ang babaeng buntis pa rin ang iniisip niya. Alam ni Vin ang lahat. Nakita nitong luhaang lumabas ng bar ang babaeng nakausap isang linggo nang nakararaan. Nakilala rin nito na iyon ang kaibigang tinutukoy ni Maggie noon na nasa VIP room na hindi nito nagawang ilipat sa opisina dahil nagkaroon ng emergency kaya biglang nawala rin ang kaibigan noon. Ninakawan ang condo nito na sa huli ay nahuli naman agad ang mga magnanakaw dahil mayroong tumestigo. Sa ngayon ay nakakulong na ang mga iyon. Ibinilin na lang ni Vin ang tungkol kay Crizie sa mga staff pero nakita raw siya ng mga itong kahalikan ang babae kaya hindi na nakialam. They assumed that they know each other. Napabuntong h

