HIM AND MELLIE

678 Words
"Ma'am, nasa line two po si Ma'am Margaux," Tumigas ang katawan ni Mellie nang marinig ang tawag ng secretary sa intercom. Dali-dali siyang nagpaalam at sinagot ang tawag ni Margaux. Halos mapiga na ang awditibo kakakontrol ni Mellie sa sarili. Pigilan man niya ang sarili ay gusto na niyang magalit kay Margaux. It's been two weeks! Nakalabas na si Tita Margie at nagpapahinga na lang sa mansion nito pero ngayon lang ito nagparamdam! Naiintindihan ni Mellie ang mga hugot nito pero naman! Ina na nito ang nagkasakit. Kailangan ito ni Tita Margie. Hindi man lang ba ito nagaalala sa ina? "Margaux? What happened to you? Natanggap mo ba ang mga messages ko?" nagpipigil na tanong ni Mellie. "Oh, please. Ishtop acting concern. Hindi ka naging concern kahit kailan!" she hissed. Nasa boses nito ang pait at tinitimping galit. And she sounded drunk! Alas sais pa lang ng hapon, mukhang lasing na lasing na! Natutop ni Mellie ang noo. Gusto niya itong sermunan pero alam niyang hindi iyon makakatulong. Magagalit lang si Margaux. Paulit-ulit lang siya nitong sisisihin at ibabalik sa kanya ang lahat ng dahilan kung bakit ito nagkakaganoon. Kinalma niya ang sarili. Nagpasensya pa rin siya kahit napipikon na. "Look, worried si tita Margie sa'yo. Umuwi ka na. Dalawin mo naman dahil kagagaling lang niya sa operasyon. At pakiusap lang. Huwag kang magpapakita nang ganyan ang kalagayan. Hindi makakabuti sa kanya." nai-stress niyang paliwanag. "Shut the f**k up!" na angil nito. "Margaux!" nabibiglang bulalas ni Mellie. "Puwede ba? Huwag mo akong turuan! Alam ko ang ginagawa ko! Tumawag ako para ipaalam sa'yo na nandito na ako sa Pilipinas at huwag ka nang email nang email! Uuwi ako kung kailan ko gusto! Naiintindihan mo?" gigil nitong asik. Humigpit ang hawak ni Mellie sa telepono. Gigil na gigil na rin siya. "Nasaan ka? Susunduin kita. Lasing ka na." nagtitimping saad ni Mellie. Humalakhak lang si Margaux. Mukhang biglang naaliw. Mayroong nabuong kaba sa dibdib ni Mellie. The last time she heard her laugh like that was when they were in her hotel room. Noong inaya siyang uminom. Kumabog na naman ang dibdib ni Mellie. Pakiramdam niya ay mayroong something kay Margaux. "Gusto mo talaga akong makita?" tanong nito. Hula ni Mellie ay nakangisi ito. Bumilis ang t***k ng puso ni Mellie. Halos manakit na ang ulo niya kakaisip kung ano ang tumatakbo sa isip ni Margaux pero sa huli ay napabuga na lang siya ng hangin. Alam naman niyang maloko si Margaux. Lasing ito. Kailangan niya itong maiuwi para huwag makagawa ng kalokohan. "Yes. Where are you?" determinadong tanong ni Mellie. "Heaven's Bar. See you." anito at nawala na sa linya. Napabuga ng hangin si Mellie. Agad na niyang inayos ang mesa at umalis. She headed out. Hindi nagtagal ay pumarada na siya sa Heaven's Bar. Sakto namang mayroong pumarada ring itim na BMW sa tabi ng Audi ni Mellie. Halos sabay silang lumabas ng driver noon. Napalingon ang lalaki sa kanya. Biglang kumabog ang dbdib ni Mellie nang magtama ang kanilang paningin. The man was ruggedly handsome! Mukhang hindi pa ito nagpapagupit dahil medyo mahaba na ang buhok . Hindi na kita ang tainga. Mukhang kamay lang ang ginamit na pangsuklay. Gayunman, hindi iyon nakabawas sa kaguwapuhan nito. Nakadagdag pa iyon sa charm nito at dating. Makakapal ang kilay nito na maganda ang pagkakaarko. Matangos ang ilong nito pero lalaking-lalaki ang dating. May kakapalan ang stubbles nito. Gayunman, kita pa rin ang may kakapalan at mapupula nitong labi. He was wearing a black fitted polo, jeans and boots. And the man smiled a little. Kumabog ulit ang dibdib ni Mellie nang makitaan ito nang rekognisyon. Mukhang kilala siya ng lalaki. Napakunot ang noo ni Mellie. Pinilit hagilapin sa memorya kung nakita na ito pero... Wala. Hindi niya ito kilala. But there was something in him that made her shiver. Ah, those eye. It was so expressive. Mayroon iyon bahid ng lungkot na pilit itinatago. Pero sa kabila ng lahat ng iyon ay hindi pa rin maitatangging mayroon agad epekto sa kaibuturan ni Mellie ang unang pagtatagpo nila nito...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD