HEAVEN

864 Words
"Dumating ka na pala. Let's get inside. You need to see this." Parehong naputol ang malala-mahikang bumabalot kina Mellie at estranghero dahil sa pagdating ng isang lalaki. Agad itong lumapit at inakbayan ang lalaki saka iginiya papasok sa bar. Napakurapkurap na lang si Mellie at kinalma ang sarili. Muli, inisip niya ang pakay sa bar. Si Margaux. She needed to see her. Isang malalim na hininga ang ginawa ni Mellie bago pumasok sa bar. Hindi niya mapigilang mapangiwi nang salubungin siya ng nakabibinging music. May kadiliman din ang lugar pero nang makapag-adjust na ang mga mata ay nakita rin niyang marami ng tao sa loob ng bar nang ganoong oras. Agad siyang nilapitan ng isang waiter. Sinabi naman niya ang pakay. Agad naman siya nitong inihatid sa isang VIP. Lihim na napailing si Mellie. Mukhang kilalang-kilala si Margaux sa bar na iyon dahil kilala ito ng waiter. "Oh, here's my shistah!" bulalas na bati ni Margaux pagpasok ni Mellie. Lihim siyang napabuntong hininga nang bumungad ang maraming bote ng beer sa mesa. Hawak ni Margaux sa pagkakataong iyon ang isang bote ng brandy na halos kalahati na ang laman. Mukhang doon na ito diretsong umiinom. Kaya sa loob ng ilang minuto nilang hindi pagkikita, tamado na agad ito sa dami ng nainom. "Come here. Sit here," anito at itinulak ang lasing na katabing lalaki saka ipinagpag ang katabing espasyo para doon siya maupo. Tumalima si Mellie. Pagkaupo niya ay agad niya itong hinarap. "Margaux, please. Umuwi na tayo." malumanay niyang pakiusap. Iwinasinas nito ang kamay. Sa halip na sumagot ay kinuna nito ang isang baso na naglalaman ng brandy saka iniabot. "Uminom ka muna. Just relax, okay?" nakangisi nitong sagot. Ibinaba lang ni Mellie ang baso at hinarap pa rin ang kapatid. "Please, ako na ang nakikiusap sa'yo. Kailangan ka ni Tita. Nagpapagaling na siya sa bahay ninyo. Matagal ka na niyang hinihintay." "Okay. Pero uminom na muna na tayo." anito. Napamulagat si Mellie. Nagulat talaga siya sa sagot nito. "T-Talaga? Uuwi ka na?" "Oo. Uuwi na ako basta uminom na muna tayo. Sige na. Shot na!" anito at itinaas ang isang bote ng brandy. Iniabot ulit nito ang isang baso ng brandy. "Come on. Kaunti lang ito." Huminga nang malalim si Mellie. Kinuha na niya ang baso. Fine. Pagbibigyan niya ito. Kung iyon lang kahilingan nito para umuwi, payag na siya. Mahalaga naman sa kanya ay umuwi na ito. "Nice!" tuwang puri ni Margaux nang inumin ni Mellie ang alak. Hindi man niya iyon nakalahati ay mukhang happy naman ito. Palibhasa ay alam naman nitong hindi talaga siya umiinom. Ngiwing-ngiwi tuloy siya sa sangsang at init ng likido sa kanyang lalamunan at sikmura. "Miss na miss ka na nila. Mabuti naman napagisipan mo nang umuwi." grateful na saad ni Mellie. Kahit paano ay gumaan ang pakiramdam niya sa nalaman. Kung hindi kasi niya ito mapapahinuhod, luluhod na talaga siya. Natigilan si Margaux hanggang sa muling ngumiti. "Naisip ko rin naman 'yan matapos nating magusap kanina." simpleng sagot nito. "I'm sorry about what happen, okay?" nagpapakumbabang saad ni Mellie. Hinawakan niya ang kamay ni Margaux at tinitigan ito para ipakita ang sinseridad. "Hindi ko ginusto iyon. Lagi mong iisipin na hanggang ngayon ay pinagsisihan ko ang lahat at—" Lihim napamura si Mellie nang mag-ring ang cellphone. Hindi na sana niya iyon sasagutin nang makitang si Kim—ang secretary niya—ang caller. Normally, hindi ito tumatawag after office hours unless napakahalaga ng itatanong nito o ire-report. Napilitan tuloy siyang sagutin iyon. "I really need to take this call. Excuse me." paalam ni Mellie. Dahil choppy ang paguusap nila ni Kim, napilitan siyang lumabas ng bar. Doon niya naintindihan ang report ni Kim na mayroon itong ini-email na report regarding sa proposed financial budget para sa itatayong karagdagang cell site sa Ilocos. Urgent daw iyon kaya nangako siyang babasahin pagkauwi. Minuto ang lumipas bago siya bumalik. Tulog pa rin ang lasing na katabi ni Margaux samantalang si Margaux at nagpatuloy na uminom. Ngiting-ngiti ito nang pumasok siya sa VIP room. "Come. Let's drink again." aya nito at iniabot ang baso na puno ulit ng alak. Umiling na si Mellie. "We need to go. May mga kailangan pa akong gawing trabaho sa bahay. Let's go?" Iwinasiwas na naman ni Margaux ang kamay. "No. Ubusin mo na ito. Bayad na ito. Sayang naman." "Medyo nahihilo na ako, eh." angal niya. Totoo naman iyon dahil nagkaroon na ng sipa ang kaunting alcohol na nainom. "Last na 'to. Bottoms up! Now!" udyok nito at nagsalin ng alak sa bakanteng baso. Nang itaas nito iyon ay napilitan na rin si Mellie na sumunod para matapos na. Kilala niya si Margaux. Magpipilitan lang sila kaya pinagbigyan na niya. Halos maduwal si Mellie nang maubos ang isang baso. Nagkandaubo-ubo siya samantalang tawang-tawa naman si Margaux. Tawang tagumpay. Pakiramdam tuloy ni Mellie ay nautakan siya nito sa isang bagay na wala siyang kamalay-malay. "Are you okay?" nakangising tanong ni Margaux. "Medyo. N-Nahilo na talaga ako..." angal ni Mellie at natutop ang ulo. "Don't worry. Everything will be okay..." anas ni Margaux at ngumisi. Andsuddenly, everything became blurry. Sumipa na talaga ang alcohol sa kanyangsistema. Napaungol na lang si Mellie sa paggaang ng pakiramdam...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD