HELL

793 Words
"HINDI KA na nagsalita, pare..." untag ni Vin kay Winston. Napaigtad na lang siya ng bahagya siya nitong tapikin sa balikat. Huminga na muna siya nang malalim bago nag-react. Kalmado niyang isinara ang tablet saka iyon ibinalik dito. Kaibigan ni Winston si Vin. Dati niya itong katrabaho sa B.R. Manansala Builders. Dati itong engineer. Nang makaipon ay umuwi sa Pilipinas at nagtayo ng sariling negosyo. Maliit lang ang mundo ng construction business. Kaya oras na mayroong balita sa ilang sikat na personalidad sa larangang iyon ay nalalaman agad. That's why when the news about Cara and Judah finally revealed, he read easily about it. Kilala si Judah Calvento bilang nagmamayari ng JBC Builders—isang architectural firm na kilala sa buong Asia. Si Cara Manalo naman ay kilalang mahusay na architect. Kinasal na ang dalawa. Finally. Nagkatuluyan din makalipas ang maraming taon. Honestly, he lost count about it. Masyado na ring masakit pang inintindihan kung gaano katagal ang dalawa bago nagkatuluyan at naiwanan siyang luhaan. He sighed. He didn't want to think about it again at ask himself where did he go wrong. Kilala siya ng iba na mapaglaro pagdating sa s*x. He always wants to spice up. But no one knows the real him. Walang nakakaalam kung ano ang iniisip niya at nararamdaman. Well, wala naman din siyang balak ipaalam iyon. Wala siyang ganang pagliwanag. Anuman ang mga nangyari noon ay tinuruan siyang mawalan ng gana sa lahat. "Winston, are you okay?" malumanay nitong tanong. Nararamdaman ni Winston na concern ito. Palibhasa ay alam nito ang buo nilang kwento ni Cara. Nagkibit balikat siya. "Of course." malamig niyang sagot at tumungga. Halos maubos niya ang isang bote ng beer. Napabuntong hininga si Vin. "Hindi mo pa rin siya makalimutan." komento nito at inabutan siya ng isa pang bote ng beer. Hindi kumibo si Winston. Wala siyang maisip na sabihin. Ni minsan ay hindi siya nagreklamo sa nararamdaman sa kahit na sino'ng kaibigan. Ayaw din naman niyang kaawaan. Kaya kapag tinatanong siya tungkol sa issue ay hindi na lang siya nagsasalita. Hanggang sa dumami na ang na kanyang nainom. Hindi nagtagal ay may lumapit na waiter kay Vin at binulungan ito saka mayroong iniabot na papel. "Why?" tanong ni Winston. Napansin niyang mukhang nainis si Vin. "It's Maggie. Pinapasuyo niya iyong kaibigan niyang naiwanan sa VIP room na lasing na lasing. Nagmamadali siyang umuwi dahil emergency daw. Ako na raw munang bahala." naiiling nitong saad. "Just leave her there. Magigising din siya kapag nawala na ang kalasingan." suggestion ni Winston. Umiling si Vin. "No. Nagiwan na siya ng pera at nag-out na. Hindi puwedeng magtagal ang kaibigan niya roon. I'm running a business here. Sayang ang room kung magtatagal siya roon. Marami pa namang customer." medyo inis na ang tono ni Vin. Hindi na nagsalita si Winston. Wala na siyang maisip na sabihin para pagaangin ang isip ng kaibigan. May sarili rin naman siyang isipin at hinayaan na niya si Vin sa diskarteng gagawin nito sa babae. Nang magpaalam ito saglit para tingnan iyon ay tumango na lang siya. Hanggang nagpasya siyang mag-CR. Nadaanan niya ang mga VIP rooms at hindi niya nakita roon si Vin. Mukhang naayos na nito ang nangyari sa kaibigan ni Maggie at nagpunta muna sa sariling opisina sa itaas ng bar. Sa dulo VIP room naroroon ang mga CR. Papunta na siya roon ng biglang lumabas ang babaeng nakita niya sa parking lot kanina lang. Nagulat siya nang bigla nitong yakapin. "H-Help me..." pagmakakaawa nito pero halatadong lasing na at wala sa sarili. Namumutla na. She looked mess. Wasted. Kagalang-galang lang niya itong nakita kanina sa parking lot. Very New York ang porma. Hula niya nga kanina ay galing lang ito sa trabaho. She was wearing pink fitted polo shirt, pencil cut gray skirt and black stockings and pumps. Kita tuloy ang magandang hugis ng katawan nito. Mahigpit ang pagkakatali ng buhok nito. Walang isang hibla ng buhok ang napunta sa mukha nito. Light lang ang make up nito kaya lalong lumitaw ang ganda ang sopistikada. Hindi tuloy niya masisi ang sarili kung bakit napatitig siya sa maamong mukha nito kanina. Ang ganda kasi nito ay lalong tumitingkad kapag tinititigan nang matagal. Plus, familiar ito sa kanya. But now? Wasted. Sabog na ang buhok nito at burado na ang make up. Bukas na rin ang polo nito. Nakayapak na. Napalingon tuloy siya sa kuwartong pinanggalingan nito. Dahil nakabukas ang pinto, nakita niya ang sapatos nito sa loob. Maraming alak sa mesa. May lalaking nakahubad at lasing na lasing. Hindi siya sigurado kung nagniig ang dalawa. But that was least of his concern. Ang concern niya ay nakilala niya ito ngayon sa ayos nito. Itosi Crizie. Ang babaeng victim sa role playing nila halos dalawang linggo nangnakakalipas sa Las Vegas...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD