“ANONG ginagawa mo rito? Hindi mo babantayan magdamag si Sheila?” gulat na tanong ni Keith nang dumating si Apolinario sa Bachelor’s Pad. Naglalakad siya sa ground floor hallway nang bumukas ang pinto ng opisina nito at makita siya. Bumuntong hininga si Apolinario at umiling. “Puwede na siya lumabas ng ospital bukas kaya dumating ang nanay niya para samahan siya ngayong gabi. Pinilit niya akong umuwi para makatulog naman daw ako ng maayos.” “Well, I also think you need a proper sleep. You look horrible. Gusto mo ng chamomile tea? Binigay ng night janitor natin kaninang umaga sa akin. Para raw sa mga may insomnia.” “Lack of sleep is not the only reason why I look like this.” Wala sa loob na minasahe niya ang batok at naglakad para pumasok sa opisina ni Keith. Nagulat si Apolinario nang

