Parang nilamutak ang sikmura ni Sheila at bumigat ang kanyang pakiramdam. Napatitig siya sa pader sa likuran ni Katarina at hindi maiwasan mag-alala sa nangyayari kina Apolinario at sa ama nito. Ilang segundo ang lumipas bago niya nagawang huminga ng malalim at ibalik ang tingin sa babae. “Salamat na sinabi mo sa akin.” Ngumiti ito. “It’s the least I can do.” Pagkatapos tumayo na ito at nagpaalam na aalis na. Nabuksan na nito ang pinto nang matigilan at lumingon uli sa kaniya. “C-can you not tell him that I visited you? Akala ko noong una kaming nagkita na okay siya at madali kontrolin pero mali pala ako. Apolinario Montes is scary when he’s angry and he is cold when he hates someone. And right now, he hates me.” Sa totoo lang, hindi hahayaan ni Sheila na manatiling galit ang binata kay

