SA MGA SUMUNOD na araw nakasanayan na ni Sheila ang presensiya ni Apolinario sa hospital room niya. Ito ang personal na nagdadala ng pagkain niya tuwing umaga, tanghali at gabi. Kung wala naman ito dahil may pasyente, palagi itong nagte-text sa kaniya o kaya tumatawag para lang kamustahin kung okay siya. Sa gabi na kailangan umuwi ng nanay niya sa Marikina, ang binata rin ang kasama niya sa gabi kahit pa sinasabi niyang kaya naman niya matulog doon na walang kasama. Na-o-overwhelm siya sa sobrang pag-aalaga nito sa kaniya. Pero at the same time kinikilig siya at lalo lang nahuhulog ang loob dito. At madalas, kahit hindi ito nagsasalita ay nararamdaman niya sa bawat kilos at titig nito sa kaniya na hindi lang siya ang lumalalim ang feelings. Hindi nga lang nila napag-uusapan ang tungkol d

