CHAPTER 32

1343 Words

Na-touch naman siya. Hay, mabilis talaga lumambot ang puso ko pagdating sa lalaking ‘to. “Sige na nga,” sagot niya at nagsimulang sumubo. Ngumuya siya at lumunok. Pagkatapos nanlalaki ang mga matang napatingin sa mukha ni Apolinario. “Masarap!” Ngumiti ito, umangat ang kamay at pinunasan ng hinlalaki ang gilid ng kanyang mga labi. “Thank you. Now eat slowly, okay?” Ngayong nakatikim siya ng masarap na pagkain ay saka niya narealize na gutom na gutom siya. Pinilit niyang bagalan ang pagkain at sa bawat subo niya ay lalo siyang namamangha na masarap ito magluto. “Ganito ba talaga ang lasa ng hospital food? Bakit sabi ng marami hindi raw masarap? komento niya. “It’s because I’m giving you special treatment.” Napatingin si Sheila sa mukha ni Apolinario at may init na humaplos sa puso niya

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD