CHAPTER 26

1742 Words

PAGKATAPOS ng lunch saka lang nagkaroon ng pagkakataon si Sheila na malapitan si Apolinario. Hindi na kasi nakadikit dito si Katarina na nagpaalam sandali kasi may tumatawag raw sa cellphone nito na kailangan nitong kausapin. Nakapuwesto ito sa isang bench, kausap ang isang matandang lalaki na nakaupo sa isang wheelchair. Huminga siya ng malalim at lumapit sa mga ito. Hindi siya nagsalita at ngumiti lang nang mapansin siya ng dalawa. Pagkatapos tahimik siyang umupo sa tabi ni Apolinario na naramdaman niyang na-tense pero hindi kumilos para lumayo sa kaniya. Ngumiti ang matandang lalaki. “Nakakatuwa na may mga katulad ninyong nag-aabalang dumalaw sa amin. Ilang taon na ako rito pero ni isa sa mga anak ko hindi ako pinapasyalan.” “Ganoon po ba? Grabe naman sila,” nakikisimpatyang komento

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD