“HUH?” Kumurap si Apolinario, nanlaki ang mga mata at namutla. Hindi alam ni Sheila kung matatawa o masasaktan sa reaksiyon nito. Sa huli ngumiti siya at tumayo. “Joke lang, ano ka ba?” Tumikhim ito at dahan-dahang tumayo pero nakatitig pa rin sa mukha niya. “Okay ka na ba?” Nagulat siya sa concern na narinig niya sa boses nito. Bigla rin bumalik sa isip niya lahat ng sinabi niya kaya uminit ang mukha niya at nahihiyang tumalikod sa binata. “Hindi ko intensiyon sabihin kahit kanino ang mga nasabi ko sa’yo. Kahit si Jesilyn, hindi ‘yon alam. Sorry ha? At mag-so-sorry rin uli ako kay tatang.” “Wala kang dapat ihingi ng tawad sa akin. I told you about my past too, remember? Patas lang tayo.” Huminga siya ng malalim at tumango. “Bumalik na tayo kasi siguradong may makakapansin na pareho

