SA UNANG pagkakataon mula nang magkaroon ng affair sina Sheila at Apolinario, ngayong gabi lang siya hindi na-excite sa pagdating nito sa kanyang apartment. Sa loob ng ilang oras mula nang matapos sila mag meryenda ng binata hanggang makauwi siya, hindi na nawala ang kaba at takot sa dibdib niya. Maraming beses pa nga niya naisip na tawagan ito para sabihing sa susunod na lang sila mag-usap pero sa huli hindi rin niya nagawang ikansela ang usapan nila para sa gabing iyon. Ilang minuto pagkauwi niya narinig niya agad ang pamilyar na katok ng binata sa pinto ng kanyang apartment. Huminga siya ng malalim bago ito pinapasok sa loob. Seryoso na agad ang mukha nito, para bang kanina pa tumatakbo sa isip ang mga sasabihin sa kaniya. Tumikhim siya at humakbang papunta sana sa kusina. “Gusto mo ng

