“So mukhang nilagyan mo talaga ng mga applications ang bawat mahahalagang lugar sa HIU kung saan madalas puntahan ng direktor. Kaya pala medyo marami kang nalalaman,” sambit ko. “Inuutusan lang kami ng leader namin. Sino ang nagbigay sa ‘yo ng tip na ang Solidos Company ang supplier ng tubig at naglagay ng lason?” tanong niya. Agad naman akong umiling sa kaniya. “Hindi ko sinabi na ang Solidos Company ang naglagay ng lason. I just said that they are the supplier of mineral waters of HIU. Na-confirmed ko rin naman sa meeting na iyon talaga ang supplier. They are the sister company of our company. Umaga pa lang ay may humarang na sa akin sa daan nang papunta ako sa HIU. Sinabihan niya akong sabihin ko sa meeting na ang Solidos Company ang supplier ng tubig ng HIU. Napansin ko rin ang pin

