“Are you lying to us, Director Suizo? Just to keep the reputation of this university clean? Your witness was saying the opposite of what you are telling to us!” reklamo ng isang magulang. Nanatili ang mga mata ko kay Director Suizo na ngayon ay hindi na malaman kung ano ang dapat niyang sabihin. Bigla ay tumayo si Dean Ramos at lumapit sa pwesto ni Director Suizo.
“Please calm down everyone. I’m so sorry but Director Suizo seemed to got confused about the news. We will explain it to him again about this issue and we will have another meeting tomorrow regarding on what we will going to resolve this,” sambit niya.
“Why should we postpone the meeting now? We are all busy here so don’t waste our time. Give us a concrete plan on how would you resolve the damages that was done to our kids!” sagot ng isang magulang.
“In accordance to what the witness have said earlier, what are you planning to do about the Solidos Company? Since they were your supplier of mineral waters and the poison was found on that, what should you do? This is a lead to the investigation.”
Tinignan ko ang magulang na nagsabi no’n at nilingon din niya ako. “Then we should start the investigation to the Solidos Company,” sagot ni Dean Ramos.
“Do you lack in surveillance cameras here? How come that you don’t have any footage on what time they have delivered the mineral waters? Or at least who delivered those mineral waters?” reklamo muli ng isang magulang. Sari-saring opinyon na ang mga binabanggit nila at mukha namang nauubusan na ng isasagot ang Dean namin. Wala namang may ibang makaka-singit sa usapan sa ibang miyembro ng namamahala sa HIU.
“We will start the investigation by tomorrow and we will fully cooperate with it. We will also keep on updating you about the process of the investigation. Thank you so much for cooperating with us today. Dismissed.”
Nagulat naman ako na agad nang nag-paalam si Dean Ramos. Matapos niyang sabihin iyon ay napatingin ako kay Director Suizo na ang paningin ay nasa akin na naman. Sinenyasan niya ako na sumunod sa kanila saka sila pumasok sa backstage kasama ang iba pang mga miyembro na namamahala sa HIU. Ang mga magulang naman ay tumututol na tapusin na agad ngayon ang meeting na ito. Mukhang marami pa silang mga katanungan na gustong malaman. Agad na umaksyon ang mga guards ng HIU para pigilan ang mga magulang ng mga biktima na makatapak sa mini stage. Inalalayan din ako ng isang guwardiya para sigurado na makakapunta rin ako sa backstage.
Wala naman akong balak na takasan ang Director. Hindi ako natatakot sa kung ano ang gagawin niya sa akin matapos ko siyang hindi sundin. Tama lang naman ang ginawa ko. Isa akong witness at dapat kong sabihin ang katotohanan. Hindi ko gugustuhin na ako pa ang sugurin ng mga magulang ng mga biktima na ‘yon dahil lang sa nagsinungaling ako sa kanila tungkol sa totoong nangyari. Isa pa ay may resulta rin naman na lalabas mula sa hospital kaya malalaman din nila ang tunay na sanhi kung ano ang nangyari sa mga anak nila kahit pa hindi na nila marinig ang testimonya ko.
Nang makarating ako sa backstage ay naroon si Dean Ramos na nakahawak na ngayon sa ulo niya at mukhang nai-stress. Samantalang si Director Suizo naman ay nakatayo lang at matalim ang tingin sa harapan. Ang ibang matataas sa pwesto ay tuluyan nang lumabas sa conference room. Si Professor Sanchez din ay napansin ko na lumabas para asikasuhin ang mga magulang na nagwawala pa rin. Mukhang kaming tatlo lang ang maiiwan dito ngunit ni hindi pa rin ako nakakaramdam ng kaba tulad nang unang nag-usap kami kanina ni Director Suizo.
“Why did you disobeyed me? I already told you what should you do!” agad na sigaw sa akin ni Director Suizo nang maramdaman na niya ang presensya ko. Ni hindi man lang ako nagitla sa biglaang pagsigaw niya. Sa halip ay mas nagulat pa si Dean Ramos kaysa sa akin. Deretso ko siyang tinignan sa mga mata niya ngunit walang emosyon.
“Why should I lie? I don’t want to risk myself and lie in front of them. Why do you want me to be a witness in the first place if you don’t want me to tell them the truth?” matapang na sagot ko.
Hindi makapaniwala na napatingin sa akin si Director Suizo saka nag-igting ang panga niya. Senyales na iyon na sobra na ang galit na nararamdamn niya. “You’re so brave, huh? Who are you? What family are you from?” naiinsulto na tanong nito sa akin.
“My parents owned the InvestSpend Company. They are also the sisters’ company of Solidos Company. But I am not bragging about my family here in this issue because they are not included. I am saying this as an individual and a student of HIU. I just did what I have to do. I did the right thing. I just told them what I had saw yesterday and what I remembered and that’s all. The problem now is that you’re not prepared for this issue. You should come up now with a plan on how will you know the culprit for this issue.”
“And who are you to dictate me for what to do?!” sigaw pa niya matapos marinig ang sinabi ko. Nagkibit-balikat naman ako. Hindi ko na malaman kung saan nanggagaling ang tapang ko na ito.
“You can be mad at me if you want. But I stand by my own principles. Now, if you’ll excuse me since the meeting was now over, I will go back to our classroom. I need to focus on my studies,” paalam ko.
“Do you think you can still finish your studies here if I kicked you out after what you’ve done earlier? You made me like a fool there!” sigaw muli sa akin ni Director Suizo. Napabuntong-hininga naman ako.
“You can do everything you want to me, but don’t involve my studies because it’s important to me more than anything else.”
"I don't need to listen to a student like you. Get out of my sight now and be prepared to your punishment!" sigaw pa ni Director Suizo sa akin. Magsasalita pa sana ako nang biglang may pumasok sa backstage.
"Why would you punish your own witness? Did she do something wrong for you to punish her?" tanong ng lalaki na isa sa magulang ng biktima. Siya ang nagsabi kanina sa meeting na isang lead sa imbestigasyon ang sinabi ko na tungkol sa Solidos Company.
"I thought all of the parents are already gone?" rinig pa namin na bulong ni Director Suizo. Ramdam ko ang galit sa boses niya. "Why? Shouldn't we have a rights to know everything? I have recorded everything that you talked about here. Punish this young girl and this will get out on public," banta noong lalaki na ikinagulat ko.
Pinindot niya ang phone niya at saka narinig namin mula roon ang pinag-usapan namin ng direktor. Hindi ko akalain na mare-record niya iyon. Hindi ko rin naman napansin na marahil ay sumunod siya sa akin papunta rito at nakalusot siya sa mga guards ng HIU. "You can go to your class now, Miss Orson," sambit ni Dean Ramos.
Bahagya akong tumungo sa kanila upang magbigay pa rin ng galang. "Thank you, Dean. I will go now," paalam ko. Tumingin pa ako sa isang magulang at bahagya ko siyang nginitian saka ako tuluyang umalis doon.
Paglabas ko pa lang ng conference room ay naroon pa rin ang ibang mga magulang. Hindi na ako nagpakita pa at agad na umalis doon dahil baka ako ang kulitin nila. May klase pa ako at hindi ko gugustuhin na ma-late roon para sagutin ang iba pa nilang katanungan. Nang makabalik ako sa classroom ay naka-abang na ang mga kaibigan ko sa sasabihin ko. Pansin ko rin ang tingin sa akin ng ilang mga kaklase ko na para bang handa rin silang makinig sa nangyari sa meeting kanina.
"So? How was the meeting? What happened?" usisa agad ni Zinnia.
"We heard that the parents are not calming down. It seems like the meeting was not in their favor," dagdag pa ni Simon.
"I'm already dying to know what happened," ani Nadia.
"I will tell you about it in details later and not here," bulong ko sa kanilang tatlo. Hindi ko naman pwedeng sabihin sa kanila rito dahil maraming makikinig sa amin. Sasabihin ko sa mga kaibigan ko ang lahat ng nangyari sa meeting.
Dumating ang kasunod naming professor at nakinig na lang muna ako sa klase. Dalawang oras ang klase na ito kaya naman ay pinilit ko na hindi antukin. Ngunit si Zinnia ay nakatulog na sa klase. Ginising ko lang siya noong may pinapagawa na sa amin ang professor. Nang matapos ang klase ay awasan na mamin. Habang inaayos ko ang mga gamit ko ay nagsalita si Nadia.
"Do you want to come over to our house? Mom and Dad are not there so we can spend our time there. Para naman hindi tayo palagi sa club ni Simon tumatambay," aya niya sa amin. Tinignan ko naman ang orasan ko at nakitang ala-singko pa lang naman ng hapon.
"I'm in," sagot ko. Pumayag din naman siyempre sina Zinnia at Simon. Hindi naman pwede na hindi sila sasama. Sa bahay na lang din nina Nadia ko ikekwento ang nangyari sa meeting kanina.
Mabilis kaming lumabas ng classroom at ang ibang estudyante ay sa akin tumitingin. Nagtaka naman ako kung bakit ganoon sila makatingin sa akin. Napansin ko na ang mga kaibigan ko ay nakita rin ang tingin sa akin ng ilang mga estudyante.
"Why are they looking at Malieya like that?" rinig ko na bulong ni Nadia kay Zinnia.
"I heard that she was the one who disrespected the director of HIU?" bulong ng isang estudyanteng babae. Hindi ko alam kung bulong ba talaga iyon o sadyang pinarinig niya sa akin.
"Yes, she is. She's a newbie here and yet she already shows that she doesn't have any manner," sagot naman ng kasamahan niya.
"Bida-bida pa nga siya kahapon sa cafeteria and acting as if she's a hero kasi siya ang unang naka-discover noong lason sa water," maarteng dagsag pa ng isa.
"Huwag niyo na lang silang pansinin. Wala naman silang alam. Let's go?" aya ko sa mga kaibigan ko. Nagpatuloy na lang kami sa paglalakad hanggang sa makarating kami sa parking lot ng HIU. Sa sasakyan ko na sumakay si Zinnia para hindi ako babyahe mag-isa. Umunang umalis ang sasakyan ni Simon saka ko ito sinundan dahil hindi ko naman alam kung saan ang bahay ni Nadia. Nae-excite na rin ako dahil ito ang unang beses ko na makakarating sa bahay nina Nadia. Kaninong bahay kaya ang susunod na mapupuntahan ko? Kay Simon ba o kay Zinnia?
Dinadaldal pa ako ni Zinnia habang nasa byahe kami at kinukulit niya ako na sabihin na sa kaniya ang nangyari kanina dahil mamamatay na raw siya sa curiosity. Pero sinabi ko na lang na mamaya na sa bahay nina Nadia para isahang kwento lang at hindi na ako uulit pa. Hindi rin nagtagal ay nakarating kami sa isang makalaking bahay na may puting gate. Ipinarada ko sa garahe ang sasakyan ko sa tabi ng sasakyan ni Simon saka kami lumabas ni Zinnia. "Let's go?" aya sa amin ni Nadia.
Nauna na siyang naglakad papunta sa malaking pinto ng bahay nila at sumunod lamang kami sa kaniya. Bumungad sa akin ang mukhang ancient na bahay dahil sa dami ng paintings na nakadikit sa pader na para bang nagmula pa iyon sa araw ng mga espanyol. Ang gaganda at nakaka-relax sa mga matang tignan. Nilibot ko pa ang paningin ko sa kabuuan ng bahay nila at talagang nakakamangha ang ganda nito. Pati ang mga gamit ay halata mong mamahalin. Ang laki rin ng bahay nila pero masasabi ko na mas malaki ang bahay namin kahit na tatlo lang naman kaming naninirahan.
"Oh? You have a brother?" tanong ko nang makita ko ang litrato ng pamilya nila na gawa sa painting. Tinignan din nila iyon, "Yes, but he died two years ago," sagot ni Nadia. Pinakitaan pa niya ako ng mapait na ngiti. Bago pa ako magsalita ay nagsalita na si Zinnia.
"So, game! I-kwento mo na sa amin kung ano ang nangyari kanina sa meeting! Kanina pa ako atat na atat na malaman ang nangyari," sambit niya. Umupo pa siya sa sofa kaya tinabihan ko siya roon. "But before that, let's wait for our snacks. Kanina pa ako nagpahanda habang nasa byahe tayo papunta rito at patapos na raw ang mga maids," singit naman ni Nadia.
Umupo ang magkasintahan sa harap namin ni Zinnia. Maya-maya lamang ay dumating na ang tatlong kasambahay nila na may dalang iba't-ibang pagkain. Ang isa ay nachos and fries, ang isa ay carbonara at ang isa naman ay juice. Inilagay nila iyon sa mini table na nasa gitna namin. May nagdala na rin ng kaniya-kaniya naming plato at utensils. "Thank you," sambit ni Nadia.
Nang makaalis ang mga kasambahay ay muli akong hinarap ni Zinnia. Excited na talaga siya na malaman kung ano ba talaga ang nangyari. "Oo na, sisimulan ko na ang mag-kwento," sambit ko. Napapalakpak pa siya dahil sa tuwa.
"So? What happened?"
"Bago pa magsimula ang meeting ay kinausap ako ni Director Suizo ng HIU in private. Sa backstage, to be exact. Sinabihan niya ako na mag-sinungaling daw ako sa mga parents ng mga victims at sabihin ko na walang lason ang tubig na galing sa cafeteria. Sabihin ko rin daw na sa foods sa labas ng university nila iyon nakuha kaya sila nagkaganoon," panimula ko. Bakas naman ang gulat sa mga itsura nila.
"What? Bakit naman gusto niya na magsinungaling ka?"
Nagkibit-balikat ako, "He said na para raw iyon sa ikapananatili ng reputasyon ng HIU. Sila na raw ang bahala na gumawa ng paraan kung paano mareresolba ang issue. Isa pa ay bago ako makarating sa HIU kaninang umaga ay may humarang sa dinaraanan ko. Isang lalaki iyon na naka-kotse at sinabihan niya ako na ang Solidos Company daw ang supplier ng tubig ng HIU at sa kanila rin daw galing ang lason," pagpapatuloy ko.
"So what did you do? Sinunod mo ba ang sinabi sa iyo ni Director Suizo?" tanong ni Simon. Agad naman akong umiling. "No, I did not. I have my own mind and decisions kaya hindi ako para makinig sa utos ng ibang tao. Alam ko kung ano ang tama at kung ano ang mali. Kaya naman ay nang sinubukan ni Director Suizo na magsinungaling sa mga magulang ay hindi siya nagtagumpay dahil sinabi ko ang kung ano ang totoo at na-witnessed ko kahapon. Then, ayon, nagalit sa akin si Director Suizo at binantaan pa niya ako na may punishment akong matatanggap dahil sa hindi ko pagsunod sa kaniya. Nagkasagutan din kami sa backstage at kasama pa niya kanina si Dean Ramos."
"Iyon siguro ang kumalat na balita sa mga estudyante na sinagot mo si Director Suizo kaya naman ay ganoon na lang ang pinag-uusapan nila kanina tungkol sa iyo," kumento ni Nadia.
"Siguro nga. Hindi ko alam kung paano nila nasabi iyon. Isa pa ay may isang magulang na nakarinig at nag-record ng sagutan namin ni Director Suizo kanina. Ginamit niya iyon na panakot sa direktor para hindi ako mabigyan ng parusa dahil sa hindi ko pagsunod. Matapos noon ay pinaalis na ako ni Dean Ramos dahil mukhang sila-sila na lang ang mag-uusap," pagtatapos ko ng kwento.
"Grabe pala si Director Suizo. Mas pipiliin pa rin niya na iligtas ang reputasyon ng HIU kaysa sa buhay ng mga estudyanteng naging biktima," ani Nadia.
Bigla ay nag-ring ang phone ko saka nakita na si Mommy pala ang timatawag sa akin.