Nang matapos ang lunch break namin ay bumalik na kami sa classroom. Hanggang ngayon naman ay walang nagiging masamang epekto sa amin ang kinain namin kanina, which is a good thing. Kung bigatin ang kalaban ng HIU, kung sakali man na may gusto talagang sumira ng reputasyon nito, ibig sabihin ay hindi sila basta-basta at hindi na muling uulitin pa ang trick na nagawa na nila.
“Kinakabahan ako para sa iyo mamaya,” bigla ay sambit ni Nadia sa akin nang maka-upo kami sa pwesto namin. Wala pa rin naman ang ilang kaklase namin dito sa classroom dahil may oras pa naman bago ang susunod namin na klase. Napakunot naman ang noo ko saka nagtataka na napatingin sa kaniya.
“Huh? Bakit naman?”
“Para sa meeting mamaya at ikaw ang witness. Siguro kung ako ang nasa kalagayan mo ay kakabahan ako ng sobra. Pero sa nakikita ko sa iyo ngayon ay parang ni hindi ka man lang nakakaramdam ng kaba,” sagot niya.
“Wala naman akong dapat ikaramdam ng kaba dahil isa lang naman akong witness. All I have to do is to tell them everything that I knew about the incident that happened yesterday and that’s all,” simpleng sagot ko kay Nadia saka nagkibit-balikat pa ako.
“Malieya is so cool, do you agree?” nakangiting tanong pa ni Zinnia sa magkasintahan na katabi ko. Hindi na namin naituloy pa ang biruan nang dumating na ang sunod naming professor. Pagtapos naman nito ay vacant time na namin at iyon na rin ang oras kung saan ay magaganap na ang urgent meeting. Nakinig na lang muna ako sa klase dahil tungkol sa physics ang subject. Ayoko na mag-isip muna sa kung ano ang mga sasabihin ko mamaya sa meeting. Hindi ko gusto na nadi-distract ako sa pakikinig sa klase. Mas gusto ko na naka-focus lamang ako sa discussion ng professor.
“Thank you for listening today. I hope you learned a lot from our lesson. That’s all and good bye,” paalam ng professor sa amin nang matapos na ang klase niya kaya tumayo rin kami para magpaalam sa kaniya pabalik.
Nang makalabas siya ay pumasok agad si Professor Sanchez sa classroom namin at hinanap ng mga mata niya kung nasaan ako. Nang makita niya ako ay tumigil ang paningin niya sa akin. “Are you ready, Miss Orson? We should proceed now to the conference room,” sambit niya. Agad akong tumango saka tumayo. Hindi ko naman na kailangan pang ayusin ang sarili ko dahil mukha na naman akong presentable para sa harap ng ibang tao.
“I’m ready, Professor,” sagot ko. Tumango siya at sinenyasan na ako na sundan siya palabas ng classroom. Tumingin muna ako sa mga kaibigan ko.
“Good luck, sis! You can do it!” sambit pa nina Zinnia at Nadia na chini-cheer up ako na para bang may pupuntahan ako na isang contest. Nginitian ko lang sila saka ako sumunod kay Professor Sanchez.
Habang naglalakad papunta sa conference room ay saka ko inisip ang mga dapat kong sabihin. Iniisip ko pa rin kung dapat ko bang sundin ang sinabi sa akin noong lalaki kanina sa daan o hindi. Tutal naman ay walang kasiguraduhan at concrete evidence na ang Solidos Company nga ang supplier ng mineral water at sila rin ang naglagay ng lason. Isa pang dahilan ay alam kong magkakaroon ng malaking damage rin sa company namin kung sakali na madawit ang Solidos Company sa ganitong issue. Sisters’ company sila kaya hindi malabo na mag-suffer from loss din ang company ng mga magulang ko. Maaari din na sinisiraan lang ng lalaki na iyon ang kumpanya kaya niya sinabi sa akin. Nakakapagtaka pa kung paano nila nalaman na ako ang witness sa meeting na magaganap.
Ngunit isa pang dahilan na iniisip ko ay paano naman kapag totoo pala talaga ang sinabi noong lalaki kanina? Tapos hindi ko man lang sinabi kahit na may chance naman ako? Mas lalala lang ang issue na ito dahil hindi agad nalaman kung sino ang tunay na may sala. Maaari rin na mas malala pa ang mangyari sa mga susunod dahil hindi agad naagapan at hindi agad nalaman kung sino ang may pakana.
“Miss Orson, we’re here. Are you okay?”
Nabalik ako sa reyalidad nang marinig ko ang sinabi ni Professor Sanchez. Napatingin pa ako sa harapan ko para lang ma-realized na nasa harapan na kami ng conference room. Tumingin naman ako kay Professor Sanchez. “I’m fine, Professor. Narito na po ba ang mga magulang ng mga biktima?” tanong ko.
“Iilan pa lang ang nasa loob. Gusto ko rin muna na maka-usap ng director kaya pinapunta ka na niya rito.”
“Ganoon po ba. Sige po, saan ko po ba siya kikitain?”
Hindi na siya sumagot pa at binuksan na niya ang pinto ng conference room. Sa loob ay sobrabg lawak nito na para bang isang mini concert room. Sadyang sobrang yaman talaga ng may-ari ng HIU dahil nakapag-pagawa siya ng ganito kagandang eskwelahan. Sumunod lang ako may Professor Sanchez. Nasa may mini stage naka-upo ngayon ang mukhang mga namamahala sa HIU. Samantala mga sampung magulang pa lang ang nakita ko na narito na.
Umakyat kami sa mini stage kung nasaan naka-upo ang mga matataas na uri ng tao. Mukhang ang nasa gitna ang director ng HIU dahil mas mukhang siya ang pinaka-makapangyarihan sa lahat ng narito ngayon. Ang awra niya ay kay lakas ng dating at nagsusumigaw ang katayuan niya sa buhay. Mukhang istrikto rin siya dahil sa postura niya. Nang tuluyan akong makalapit sa kanila ay biglang tumungo si Professor Sanchez upang magbigay ng galang sa kanila at ganoon din ang ginawa ko. Bahagya akong tumungo.
"Good afternoon, Director Cereb Suizo. Narito na po ang magiging witness natin para sa pulong na magaganap ngayong araw. She is Malieya Orson from first year college taking chemistry physics course," pagpapakilala sa akin ni Professor Sanchez. Pangalan pa lang ng direktor ay pang-malakasan na rin. Nilingon niya ako kaya naman ay agad akong ngumiti sa kaniya.
"Good afternoon, Director," magalang na bati ko. Tumango naman siya ng bahagya sa akin bilang pagbati pabalik. "It's nice to meet you. Can we talk in private for a minute?" ma-awtoridad na tanong niya sa akin. Muli akong ngumiti, "Yes, Director," sagot ko.
Tumayo siya mula sa kinauupuan niya saka kami tinalikuran at naglakad papunta sa backstage. Sinenyasan ako ni Professor Sanchez na sumunod sa direktor kaya naman ay sinunod ko ang utos niya. Nang makarating ako sa backstage ay naghihintay na sa akin doon ang direktor. Ngayon lamang ako nakaramdam ng kaba dahil sa awra na ibinibigay sa akin ni Director Suizo. Ngunit hindi ko ipinahalata sa kaniya na kinakabahan ako at normal pa rin na umakto.
"So you're the one who saw that the students was poisoned, am I right?" panimula niya. Tumango naman ako, "Yes, I am." Nakita ko naman na bigla siyang ngumisi kaya napakunot ang noo ko at nagtaka. "Why do you have to announce it that they are poisoned?"
Ikinagulat ko ang naging tanong niya sa akin. "I'm sorry, Director. But I don't quite understand what you have said," sagot ko. Deretso naman niya akong tinignan sa mga mata ko at hindi ko matagalan ang tingin na iyon kaya naman ay nagbaba ako ng paningin. Pakiramdam ko ay tumatagos sa kaluluwa ko ang walang emosyon na tingin niya sa akin.
"If you haven't done anything yesterday, there should be any problem right now. Harrow International University is one of the famous university around the world. Are you aware of that?" tanong niyang muli.
"Yes, I am well aware. But I didn't do anything wrong, Director. I just prevented to have more victims and told the other students not to drink the mineral water because it has poison. Even if I didn't said that yesterday, the news about the incident will still spread and the public will know about the poision in no time," sagot ko. Hindi ko maintindihan kung paano naging problema sa HIU ang sinabi ko na may poison sa tubig. Isa pa ay hindi naman sila ang may sala kung bakit nagkaroon ng lason sa mga mineral water dahil hindi naman galing sa kanila iyon.
"Listen to me carefully. I want you to tell the victims' parents later that it's not a poision who caused their children to be like that. You can just tell them that maybe they've got it with a food outside of the university. Do you understand?"
Mas lalo kong ikinagulat ang sinabi niya at hindi ko akalain na ganoon ang gusto niya na ipagawa sa akin. Ibig ba niyang sabihin ay magsinungaling ako sa meeting mamaya? Gusto niya na magsabi ako ng hindi totoo sa mga magulang ng mga biktima. Ngunit hindi ko pa rin talaga maintindihan kung bakit kailangang ilihis nila ang katotohanan. Para saan pa at pinatignan nila sa mga scientists nila kahapon ang resulta ng mga lason kung ganito rin pala ang gusto niya na gawin ko?
"But, why? I mean, I don't get it. Why do I need to lie about the truth?"
"Just do what I say. This is for the reputation of the university. Do you want to graduate in a university where it is known as lacking in security and lack of competence? We will handle the victims so you should do your part very well."
Hindi na niya ako hinintay pa na sumagot dahil iniwan na niya ako agad doon. Nanatili lang ako na nakatayo sa pwesto ko at nakatitig sa kawalan. Mas lalong nagulo ang isipan ko at hindi ko malaman kung sino ba talaga ang dapat kong sundin. Noong una ay ang lalaki kahapon sa parking lot na sinabihan akong manganganib na ang buhay ko kapag hindi pa ako lumipat ng ibang eskwelahan dahil sa insidente na nangyari. Pangalawa naman ay ang lalaki na humarang sa akin kanina sa daan na binigyan ako ng isang tip kung sino ang nagpadala ng mga mineral waters na may lason sa HIU. Hindi ko pa nga alam kung totoo ba na ang Solidos Company talaga ang nagpadala o hindi lalo na at kasosyo ng kumpanya namin ang kumpanya na iyon. Pangatlo naman ay ang sinabi sa akin ngayon ng direktor. Ang mismong direktor na mismo ng HIU ang nag-uutos sa akin kung ano ang dapat kong sabihin sa meeting mamaya.
Kung iisipin ko naman ay baka maapektuhan ang pag-aaral ko rito sa university na matagal ko nang pangarap kapag hindi ko sinunod ang gusto ni Director Suizo lalo na at kasama siya sa meeting na magaganap. Ngunit maraming nakasaksi sa akin na sinabi kong isang lason ang dahilan kung bakit nagkaganoon ang mga estudyante kahapon. Miski ang mga kaibigan ko ay kasama ko habang kinukuha ko ang resulta sa science laboratory. Pati na rin ang mga magulang ko ay alam ang ginawa ko dahil kalat na kalat na rin iyon. Ano na lang ang sasabihin nila sa akin kapag nalaman nila na nag-sinungaling ako sa harap ng mga magulang ng mga biktima? Hindi rin ako patatahimikin ng konsensya ko kapag nagsinungaling ako sa ganito kalaking issue. Hindi naman basta-basta ang nangyari kahapon dahil nalagay sa panganib ang buhay ng mga kapwa ko estudyante. Kailangan na maresolba agad ang problema na ito at magbayad ang kung sino mang nagkasala.
Kung ang iniisip lang naman ni Director Suizo ay ang reputasyon ng HIU ay maaari naman na malinis iyon kapag nagbayad na ang tunay na nagkasala. Biktima lang din naman ang HIU sa nangyari kahapon kaya hindi na dapat siyang mabahala pa kung sakali. Ugh! This is driving me crazy right now! Why do I have to get myself involved to a situation like this?! Sana pala ay pinigilan ko na lang ang sarili ko na ma-curious sa mga bagay-bagay at mag-oberseve para tahimik lang ang pag-aaral ko dito. I just want to study and graduate peacefully and not to experience something like this.
"Miss Orson, the meeting is about to start. What are you still doing there?"
Nabalik ako sa reyalidad nang marinig ko ang boses ni Professor Sanchez sa likuran ko. Nilingon ko naman siya saka inayos ang sarili ko at ngumiti. "I'm sorry po."
"Follow me.”
Agad naman akong sumunod sa kaniya palabas ng backstage. Napatingin ako sa mga magulang na naka-upo ngayon sa harapan namin. Bakas sa mga mukha nila ang galit marahil dahil sa nangyari. Hindi naman maiaalis sa kanila ang magalit lalo na at nalagay sa peligriyo ang buhay ng mga anak nila. Kung hindi naagapan ay baka mas malala pa ang dinanas ng mga biktima. Sinenyasan ako ni Professor Sanchez na umupo sa gilid kung saan nasa gitna ako ng mini stage at mga kinauupuan ng mga magulang.
"Good afternoon, everyone. We will now start the meeting and the agenda is about the incident that happened yesterday. I am calling Director Cereb Suizo's attention for the opening speech." Tinawag ng host ang direktor. Tumayo ito at nagpunta sa gilid kung nasaan ang microphone upang magsalita. Walang nagpalakpakan sa mga magulang dahil hindi naman ito masayang event kaya tahimik lang ang lahat at nag-aabang sa mga sasabihin niya.
"I am Director Cereb Suizo and I have been managing the Harrow International University for five executive years and this is the very first time that something like this have occurred here. I felt bad about what happened to our precious students and I called a meeting to talk about the misunderstandings regarding the incident yesterday. But let me hear your concerns first. Just raise your hand if you want to say something. Every table in front of you have microphones. Please start."
May isang magulang ang agad na nagtaas ng kaniyang kamay kaya sinenyasan siya ng direktor na magsalita. "Why does the mineral waters that you have has a poision? We want to know who is your supplier," sabat agad nito.
"Oh, it seems like there was really a misunderstanding here. About the news yesterday that there is a poison into our mineral waters and that caused why the students was brought to the hospital was not true. We have a witness here that was there on the scene yesterday. She can tell you all about what happened," sagot ng direktor.
Hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon ko. Hindi pa nga ako nakakapag-desisyon kung ano ba talaga ang mga dapat kong sabihin ngunit si Director Suizo ay sa akin kaagad isinalalay ang sagot sa tanong ng magulang na iyon. "How come that it was not a poison? Are you kidding us? It was already all over the news so don't play any games with us!" sambit pa ng isang magulang.
"What could be any other reason if it's not a poison from the water?" tanong pa ng isa.
"Our products here are all clean and neat so it's impossible that they've got poisoned because of the mineral waters that they brought in the cafeteria. Miss Orson, kindly tell them the truth," sagot muli ng direktor. Huminga muna ako ng malalim bago deretsong tumingin sa mga magulang ng mga biktima.
"To be honest, I was the first one to discovered that the mineral water from the cafeteria has a poison. I saw some red liquids on it so it means that the poison was still fresh and that caused your childrens to be hospitalized. I am also the one who examined the bottled water to the science laboratory yesterday and the results shows that the poison was called the red water," sagot ko.
"Miss Orson, what are you talking about? Don't dare to make up a story--" Hindi ko na pinatapos pa ang sinasabi ng direktor dahil nagsalita muli ako.
"I am here as a witness, right? So I must tell them the truth about what happened yesterday. After I saw the results, I gave it to the scientists that are working here in HIU and they also confirmed to me that it was really a poison coming from the bottled mineral water. Then, earlier today when I was on my way here in HIU, a car blocked my way then a man came out from it. He gave me a tip which I can't confirm if it's true or not but I will still tell you. He said that the supplier was Solidos Company. That's all that I know."
Matapos kong sabihin iyon ay nag-ingay ang mga magulang. Kaniya-kaniyang reaksyon ang naririnig ko mula sa kanila. "Director Suizo, what will you have to do with this issue? Is it true that the supplier was Solidos Company?"
"They are indeed our supplier of mineral waters but I don't think the poison was true," pagpupumilit pa ni direktor. "Don't try to clean the reputation of HIU, Director. Just tell us the truth!" sigaw pa ng isang magulang. Napatingin sa akin ang direktor at kita ko ang talim ng tingin niya sa akin ngunit hindi ako natinag at nilabanan ko ang mga tingin niya na iyon.
I stand by my own principles. Hindi ko ugali na magpadikta sa ibang tao tungkol sa ano ang dapat kong gawin. Isa pa, hindi ko ugali na magsinungaling tungkol sa ganitong kalaking bagay. Hindi kakayanin ng konsensya ko.