THE TIP

2786 Words
Kinabukasan ay natanggap ko ang email na galing sa college department dean ng HIU. Maaga ako nagising dahil tuloy ang mga klase namin ngayon kahit na kahapon lang nangyari ang insidente. Hindi naman pwede na mag-suspend na naman dahil kasisimula lang naman ng klase. From: Secretary Cruz of College Department (Harrow International University) Good day, Miss Malieya Orson! I am inviting you today at 2:00 o’clock in the afternoon to join us to the urgent meeting with the victims’ parents as the witness of Harrow International University according to what had happened yesterday. We would like to see you at HIU’s conference hall. We ask for you cooperation. Thank you so much! Nag-reply naman ako sa email at sinabing aattend ako. Mabuti na lang at vacant time namin sa oras na iyon. Para naman wala akong nakaligtaan na lesson sa klase. Hindi kasi uso sa akin ang um-absent sa klase dahil ayoko na ma-late ako sa bawat lessons. Nahihirapan akong maka-sunod kapag hindi ko mismo narinig ang itinuro ng professor. Kaya naman ay mabuti at saktong vacant time namin ang oras. Nakaramdam ako ng kaunting kaba dahil panigurado na maraming magulang ang naroon mamaya at mga matataas na taong namumuno sa HIU. Nag-ayos na ako ng sarili ko at sinuot ang uniform. Umupo ako sa harap ng salamin ko saka inayos ang mukha ko. Light make-up lang ang inilagay ko dahil hindi ko naman gusto an makapal na make-up. Gusto ko lang na maging presentable sa harap ng ibang tao kahit papaano. Sinuklay ko ang mahaba kong buhok at nang matapos ay kinuha ko na ang susi ng kotse ko, bag at phone bago tuluyang lumabas ng kwarto ko. Nakita ko muli sina Mom and Dad na nasa hapagkainan na. Sasabay ako sa kanila ngayon na kumain. Binesuhan ko muna sila bago ako umupo sa pwesto ko sa lamesa. Bacon lang naman ang gusto ko na kainin ngayon saka ipapalaman sa tinapay. May ham din kaya busog na agad ako roon. “What will happen now after the incident yesterday?” tanong sa akin ni Dad. Sinimulan ko namang maglagay na ng bacon sa tinapay na hawak ko. Nagpakuha na rin ako ng fresh milk sa isa naming maid saka niya iyon inilapag sa harapan ko. “May urgent meeting na magaganap mamaya sa HIU with the victims’ parents and I will be joining them as a witness,” sagot ko sa tanong ni Dad. “You should be focusing on your studies. Pero kailangan mo pa na ma-involved sa ganiyang mga bagay. Remember that you need to graduate as magna c*m laude or at least as summa c*m laude.” Ayan na naman siya sa c*m laude na sinasabi niya. Ayoko lang na isipin pa ‘yon dahil hindi ko gusto na ma-pressure ako sa pag-aaral. Nag-aaral ako dahil gusto kong matuto, hindi dahil gusto ko lang makamit ang expectations sa akin ng mga magulang ko. Ngumiti na lang ako at ipinagpatuloy na ang pagkain ko. Hindi ko na sinagot pa si Daddy dahil baka mag-init pa ang ulo niya sa akin kapag sinabi kong hindi ko kaya ang gusto niyang makamit ko. Binilisan ko na ang pagkain at nang matapos ay nag-paalam na ako sa kanila na aalis na ako. Habang nasa byahe ako papunta sa HIU ay bigla na lang isang kotse na humarang sa daanan ko! Mabilis kong tinapakan ang preno ng sasakyan ko. Kumakabog ang dibdib ko dahil sa kaba. Sumama ang tingin ko sa kotse na nakahinto sa harapan ko. What the heck is wrong with the driver?! Bumusina ako dahil wala pa rin siyang balak na umalis sa harapan ng sasakyan ko. Hindi ko naman gusto na bumaba ng sasakyan ko para harapin siya dahil baka mamaya ay may masama pala siyang balak sa akin. Tumingin ako sa likuran at nakitang walang sasakyan na paparating kaya sinubukan kong iatras ang sasakyan ko para makaalis ako. Ngunit biglang bumusina ang kotse na nasa harap ko kaya napatigil ako. Lumabas ang isang lalaki na naka-itim na jacket, itim na cap, itim na pants at itim na face mask. Katulad lang din siya ng lalaki na nakita ko kahapon sa parking lot ng HIU! Pumunta siya sa harapan ko at mas lalong kumabog ang dibdib ko dahil sa kaba. Hindi ko malaman kung itutuloy ko pang iatras ang sasakyan ko o hindi. Kinatok niya ang bintana ng sasakyan ko saka ako sinenyasan na lumabas. Tinitigan ko ang mga mata niya, umaasa ako na siya ang lalaki kahapon na nakausap ko ngunit hindi siya. Hindi tuloy ako mapanatag ngayon. Hindi ko alam kung susundin ko ba siya o hindi. Sinenyasan niya muli ako na lumabas ako mula sa sasakyan ko. “The f**k, Malieya. What should I do now?” bulong ko sa sarili ko. Huminga ako ng malalim saka dahan-dahan kong binuksan ang pinto ng sasakyan ko. Hindi ko malaman kung saan ako nakakakuha ngayon ng lakas ng loob para lumabas pa sa ganitong sitwasyon. Tuluyan akong nakalabas ng sasakyan ko saka niya ako nilapitan. “Tell to the meeting later that the supplier of the mineral water was Solidos Company,” sambit ng lalaki sa akin. Ang boses niya ay nasisiguro kong mas matanda siya sa akin. Hindi nga siya ang kumausap sa akin kahapon. Pati ang tindig at postura niya ay nasisiguro kong ibang tao. Kumunot naman ang noo ko dahil sa sinabi niya. “Is that true?” nagtataka na tanong ko. Ang Solidos Company ay sisters’ company ng kumpanya namin! Ang alam ko nga ay nagsu-supply din sila ng mga mineral waters. Pero bakit naman sila magbibigay ng mineral waters na may lason sa HIU? “Just do what I say. You won’t regret if you would say that to the meeting. This is a tip from an unknown person and I am sharing this to you for the benefit of HIU,” sagot nito sa akin. “But why would you tell me that? Why me? How did you find out that I will be going to attend the meeting later?” tanong ko muli. Mahirap magtiwala lalo na at sa ganitong paraan niya pa sinabi sa akin ang tungkol doon. Isa pa ay katulad lang din siya ng lalaki na kumausap sa akin kahapon. Hindi ko alam kung totoo ang sinasabi o hindi. Ang sabi ng lalaki kahapon ay mag-ingat ako dahil nasa panganib ang buhay ko dahil sa insidente na nangyari. Ngayon naman ay may nagbigay sa akin ng tip tungkol daw sa kung sino ang nagpadala ng mga mineral waters na iyon. “Just trust me. You’re just the one who could expose them. The decision is yours whether you would tell the others about the Solidos Company or not.” “But can you please at least say an explanation kung bakit Solidos Company ang—“ Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko nang lumingon-lingon pa siya sa paligid niya na para bang tinitignan niya kung may nanonood ba sa amin o wala. Hinawakan niya ang cap na suot niya para mas lalong matakpan ang mukha niya bago ako tinalikuran at bumalik sa sasakyan niya. Mabilis niyang pinaharurot paalis ang sasakyan niya habang nakatingin lang ako. Lutang ang isipan ko hanggang sa makarating ako sa HIU. Patuloy na tumatakbo sa isipan ko ang mga sinabi ng lalaki kanina. Habang nasa kotse pa ako ay tinawagan ko muna si Mom Mabilis naman niya itong sinagot. “Malieya? Why did you call? May naiwan ka ba sa bahay?” tanong niya agad sa akin. For sure naman na wala na rin sila ngayon sa bahay namin at nasa company na. “Mom, I want to tell you about something—“ “I’m sorry, darling. I’m quite busy right now dahil may rumors na biglang kumakat about our sisters’ company. Talk to you later.” Bago pa maibaba ni Mom ang tawag ay mabilis ko na siyang pinigilan. “Mom! Wait! You mean, there's a rumor spreading right now about Solidos Company?" tanong ko. "Yes, did you heard about it? I guess it's just a false accusation though it affects the company's stock right now. Kaya nga kailangan na nila kami ng Dad mo doon ngayon." "Can you tell me first what kind of rumor it is?" "I think it's about the incident that happened yesterday to HIU. Someone told the media that Solidos Company was the supplier of mineral waters there and they was the one who put poison to the water." Hindi ako makapaniwala sa sinabi ni Mom. Posible kaya na totoo ang sinabi sa akin noong lalaki kanina? Pero maaari rin na sinisiraan lang ng lalaki na iyon ang Solidos Company. Mas lalo tuloy akong naguguluhan ngayon kung ano ba talaga ang dapat kong gawin at sundin. Napabalik ako sa reyalidad nang may marinig ako na kumatok sa bintana ng sasakyan ko. Nagulat ako at saka tinignan kung sino iyon at nakita ko naman si Zinnia na kumakaway na sa akin at sinesenyasan na akong lumabas. Kinuha ko na ang bag ko saka lumabas sa sasakyan ko. “What are you thinking so deeply? Kanina pa ako nakatingin sa iyo pero hindi mo man lang ako napansin at tulala ka lang. Are you okay? May problema ka ba or something?” nag-aalalang tanong sa akin ni Zinnia. Agad naman akong ngumiti at umiling. “No, I’m fine. Iniisip ko lang kung ano ang mga sasabihin ko mamaya sa urgent meeting kasama ang mga parents ng biktima kahapon,” sagot ko naman sa kaniya. Totoo naman iyon dahil iyon naman talaga ang iniisip ko. Hindi pa ako makapag-desisyon ng ayos kung ano ang mga sasabihin ko mamaya. Nagpagulo pa sa isipan ko ang sinabi sa akin noong lalaki kanina sa daan. I aready met two strangers man ever since that incident happened. “Tara na sa classroom. Naroon na ang mag-jowa. Hindi na kami nakapag-breakfast ngayon dahil male-late sa klase. Late na kasi na nagising kanina si Nads tapos ikaw ay sumabay kang kumain sa parents mo kaya naman sa lunch break na lang kami babawi mamaya ng kain,” kwento sa akin ni Zinnia. Naglakad naman na kami papunta sa classroom namin. “Hindi rin ako nag-rice kanina, e. Bacon and bread lang ang kinain ko dahil gusto ko nang pumasok kaagad.” “Ayos pala at sabay-sabay tayong apat na marami ang kakainin sa lunch,” natatawang sambit niya. Nang makarating kami sa classroom ay agad naming nilapitan sina Simon at Nadia. “Hey, I heard that the victims’ parents will going to file a case against HIU,” bulong agad sa amin ni Nadia nang makaupo kami. Hindi na iyon nakakapagtaka dahil napag-usapan na namin iyon nina Mom and Dad dahil posible naman talaga na mangyari. Galing sa mga mayayaman na pamilya ang mga estudyanteng biktima kaya magrereklamo talaga ng husto ang mga magulang nila lalo na at napunta sa bingit ng kamatayan ang buhay ng mga anak nila. “Really? Ang laki pala ng gulo na nangyari kahapon para umabot pa sa ganiyan,” kumento ni Zinnia. “Kaya nga magkakaroon ng meeting mamaya kasama ang mga namamahala ng HIU at mga magulang ng mga biktima para mapag-usapan ang nangyari kahapon. I will be joining them later at the meeting as a witness,” sambit ko kaya napatingin sila sa akin. “Some students now also don’t want to eat at the cafeteria. Narinig ko ang karamihan na natatakot na raw dahil baka sa susunod ay sa pagkain naman mismo nakalagay ang lason at hindi na sa tubig,” sabat naman ni Simon sa usapan. Umiling naman ako, “Mukhang malabo na iyan na mangyari. Nagawa na nila ang poisioning kaya hindi na nila muling uulitin ‘yon. Kadalasan naman ay ganiyan ang nangyayari dahil nag-iisip ulit ang kalaban ng bagong paraan para hindi mabisto kaagad,” sagot ko. “Kung sabagay ay may punto ka talaga, Malieya. Nakakahanga talaga na sa edad mong iyan ay ang dami mo na kaagad kaalaman,” papuri na naman sa akin ni Nadia. “So, ano? Saan tayo kakain ng lunch mamaya? For sure naman ay hindi magpapalabas ang mga guards ng HIU dahil class hours. Isa sa rule nila na bawal lumabas, hindi ba? Gutom na ako at hindi ako papayag na pati sa lunch break ay hindi ako makakain,” sabi ni Zinnia habang hinihimas pa ang kaniyang tiyan kaya naman ay natawa kami. “Malalaman naman natin mamaya if pakakainin tayo sa cafeteria or maaari tayo na kumain outside the university. Normal lang naman sa ating mga estudyante na matakot ngayon lalo na at fresh pa ang nangyaring insidente,” sagot ko muli. Hindi na namin natuloy ang kwentuhan nang dumating na si Professor Ramos. Katulad ng palagi niyang ginagawa ay matapos naming bumati, nagsisimula na kaagad siya sa pagtuturo ng panibagong lesson. Hindi talaga niya gusto na nagsasayang ng oras. Minsan ay napapatingin ako kay Zinnia dahil inoobserbahan ko siya kung tunay ba na makikinig na siya at tinotoo niya nga ang sinabi niya sa amin kagabi sa group chat. Nagja-jot down notes pa siya sa notebook niya sa mga sinasabi ni Professor Ramos para siguro ay hindi niya makalimutan agad. Mukhang nag-aadjust pa naman si Zinnia. Lumipas ang oras at lunch break na agad namin. Hindi pa naman sobrang dami ang estudyante nang makarating kami sa cafeteia ng college department dahil hindi naman sabay-sabay ang lunch break. Ngunit wala man lang kami na nakitang kumakain o bumibili na estudyante sa cafeteria. Ang iba ay mga nakatambay lang sa lamesa at mukhang nagpapalipas ng vacant time. “Students! Don’t just sit there and waste your lunch break time. Our foods and waters are now safe and tested officially by us so you don’t have to worry about. What happened yesterday won’t happen again and I am betting my work and name for it,” anunsyo ni Mr. Luage dahil siya ang head at nagma-manage ng cafeteria na ito. “We should trust them. Trust me also. Malakas ang pakiramdam ko na hindi na ulit magkakaroon ng lason sa pagkain o sa inumin natin,” sambit ko naman sa mga kaibigan ko. “I believe in you, Malieya. Hindi naman masama na mag-try tayo na kumain ngayon dito,” sagot agad ni Nadia para sang-ayunan ako. “Mag-try? E paano kapag nag-try tayo tapos sa atin pa tumalab ang lason, kung sakali na mayroon ulit?” angal pa ni Simon kaya inirapan na naman siya ni Nadia. “Kumain na tayo rito. Susundan din tayo ng iba pang mga estudyante kapag nakita nila na kumain tayo tapos wala man lang naging masamang epekto sa atin. I also trust what Malieya said. Hindi naman siguro ganoon katanga at kapalpak ang HIU para muling malusutan sila at maulit ang pangyayari kahapon,” pagsang-ayon din sa akin ni Zinnia. Hindi na namin hinintay pa ang sagot ni Simon at nauna na kaming maglakad papalapit sa counter kung saan bibili kami ng makakain. Ramdam ko ang tingin sa amin ng ibang estudyante at mukhang nagulat pa sila dahil sa lakas ng loob namin para bumili ngayon ng pagkain sa cafeteria. Pinili namin ang halos lahat ng putahe na nakahanda ngayon para matikman namin lahat at malaman ng mga estudyante na nanonood sa amin na safe ang pagkain. Nang matapos kaming um-order ay humanap na kami ng mauupuan saka inilapag sa lamesa ang mga binili namin. “Are you really sure about this? We still have time to back out,” mahinang sambit pa ni Simon sa amin. Hindi ko na siya pinansin at sinimulan ko na ang pagkain. Nagulat pa ang ilang estudyante nang makita na kinakain ko ang mga galing sa cafeteria. Nang makita rin ako nina Zinnia at Nadia na kumain ay sumunod na rin sila. “See? Our food is clear and safe!” sigaw pa ni Mr. Luage nang makita na ilang minuto na ang nakalipas ay wala pa ring epekto na nangyayari sa amin. Sa totoo lang ay may ibang lason naman na hindi agad-agad tumatalab kaya hindi pa sila dapat makampante agad. Ngunit inobserbahan ko na ang pagkain at wala rin akong makita na kahit na anong senyales na may lason ang mga ito. Kumain na rin si Simon nang makita na halos paubos na namin ang mga pagkain at wala pa ring nangyayari. Nang tuluyan naming maubos ang pagkain ay nagdagsaan ang mga estudyante na bumili sa counter dahil mukhang kanina pa talaga sila nagtiis ng mga gutom nila. Dumighay pa si Zinnia at senyales na busog na siya at nasarapan siya sa kinain. “Busog na ako! Salamat, Malieya!” ani Zinnia. “I always trust my instict because it haven’t fail yet.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD