Kulang na lang ay magtatalon si Aleona nang sa wakas ay makababa na siya train. Kaunting lakad pa, mararating na niya ang unit ni Ysabel. Grabe, di ko alam bakit ganito ako ka-excited lumuwas, nangingiti niyang isip habang naglalakad sa eskinita. Dati kasi, madalas siyang mainis kapag Lunes na naman. Kung siya kasi ang masusunod, mananatili na lang muna siya sa Pampanga. But not now, and she knew it was because of Sylas. Walang sandaling hindi niya ito na-miss! Hanggang sa wakas ay nakita na niya ang condominium. Binilisan niya lalo ang paglalakad. Sana maabutan ko siya! Hiling niya. May apprenticeship si Sylas, at around seven ito ng umaga umaalis. Wish granted. Saktong pagkapasok niya ay lumabas naman si Sylas sa elevator. Agad na sumilay ang ngiti niya saka tumayo sa may loob at ti

