“Wow! Ang ganda pala talaga dito?” Sylas could not help but smile while seeing Aleona enjoy the beautiful sunset. Dinala niya ang dalaga sa isa nilang hotel malapit sa Manila Bay. Mayroon kasing rooftop resto-bar doon. It was supposed to be their first dinner date together. “Thank you, Sylas,” nakangiting sabi sa kanya ng dalaga. “You’re welcome.” Inakbayan niya ito saka giniya papunta sa table nila. Lush rooftop ang datingan ng lugar. Para iyong outdoor park dahil mayroon cobblestones at mga ornamental plants. Meron ding mga pergola, kung nasaan ang mga table, at maging infinity pool na plano nilang lusungan mamaya. In fact, both of them were wearing swimming attire already — naka-suot ng floral na two-piece sundress si Aleona habang siya naman ay naka-floral shirt at maikling short.

