Chapter 8

3173 Words
"Wow, ang sipag mo naman, girl." Napatigil sa pagsasalansan ng damit si Aleona sa wardrobe saka napatingin kay Ysabel na nakatayo naman sa may doorway ng dressing room. "Ha?" nagtatakang aniya. Lumapit sa kanya ang babae. "Nagge-general cleaning ka ba?" tanong nito. Pagkuwa'y nagkusa rin itong tulungan siyang isabit ang mga damit na hawak niya. "Ano ba tingin mo? Gulo-gulo kaya ng dressing room mo." Napailing-iling na lang si Aleona. Punom-puno na kasi ng dami ang room na iyon dahil hindi makatigil si Ysabel sa kakabili. Gulat na napatingin sa kanya ang babae. "Wow naman, girl? Sungit, ah?" "Masungit ka dyan? Nagsasabi lang ng totoo." Sinabit na ni Aleona ang nahuhuling damit na hawak saka sinara ang wardrobe. "Kalmahan mo naman kasi ang pagbili ng damit. Para kang laging nauubusan ng isusuot e." "Nauubusan naman talaga ako, ah?" Napanguso pa nga ang gaga. "Nauubusan ka dyan?" bulalas ni Aleona saka isa-isang tinuro ang mga nakapalibot na wardrobe sa kanila. "Tamo, oh? Ang dami mong cabinet dito. Lahat iyan, puno na." Lalong tumulis ang nguso ni Ysabel. "Ba't ka ba nagagalit? Ano bang ginawa ko?" Umiling-iling lang si Aleona. Sa totoo lang, hindi rin niya alam kung bakit. When she woke up that morning, parang na-bad trip siya na ewan. Kaya nga minabuti na niyang isaayos ang silid na iyon kahit ba kailangan na niyang mag-review para sa paparating na midterm week. "Alam mo, girl, mabuti pa, tulungan na lang kita para di ka na mainis sakin," sabi ulit ni Ysabel saka lumapit sa isang cabinet sa kaliwang sulok ng kwarto. Namumukod-tangi iyong na hindi lalagyan ng damit. Sa halip, doon tinatambak ni Ysabel ang mga bagay na ayaw na nitong makita o gamitin. "I'll start with this. Baka may makita pa akong pwede ko na ding i-donate." Binuksan nito ang pinto niyon. Hinayaan na ni Aleona ang kaibigan. Tinuon niya ang atensyon sa katabi niyong wardrobe na ang kalimitang laman ay mga accessories ng kaibigan. Nasa kalagitnaan ng pag-oorganize ang dalaga nang tawagin siya ni Ysabel. "Huy, girl. Gamit mo pala to, oh?" saad nito habang tinuturo ang isang maliit na box na ngayon ay nasa sahig na. Saglit na nag-isip si Aleona. Agad din naman niyang naalala kung ano ang mga laman niyon: mga gamit niya noong first year siya. To confirm this, lumapit siya saka binuksan ang kahon. Hindi naman nga siya nagkamali. Karamihan sa mga laman niyon ay mga notebook at mga printed lecture niya. "Itapon ko na siguro 'to," sambit niya habang kinakalkal iyon. Wala na ang mga binili niyang libro dahil naibenta na niya sa mga lower year. "Di ko naman na siguro kailangan--" She froze when she saw a brown booklet na na napapagitnaan ng mga papel. Kasing laki lang iyon ng ¼ sheet ng A4 at may labin-dalawang pahina lang. Mayroon ding logo ng university nila sa gitna ng front cover niyon. Samantalang, na-recognize din ni Ysabel iyon. "Hey, di ba iyan yung booklet na pipirmahan ng seniors natin? Natabi mo pa pala iyan?" "Oo. Di ko nga alam ba't andito pa ito," tugon naman niya habang binubuklat ang mga pahina niyon. She recognized some of the names signed on it. Ang iba sa kanila ay nakasalamuha rin niya kalaunan palibhasa'y ka-department lang nila. "Oy, di ba sabi ni Sylas, nakilala ka raw niya sa party?" Natigilan si Aleona. Oo nga pala. She just remembered what Sylas said last night. Out of curiosity, binalikan niya ang unang pahina at isa-isang tiningnan kung mayroon bang pirma roon ni Sylas. "Ay, hinahanap niya ang pirma ni Sylas," kantiyaw naman ni Ysabel. Hindi nga lang niya ito pinansin. Nakatuon talaga ang atensyon niya sa paghahanap. And yet she found nothing. Kumunot ang noo niya. "Nakita mo?" tanong na naman ng kaibigan niya. Sinalubong niya ang tingin nito. Sa pagtataka niya, seryoso ang mukha ni Ysabel na para bang inaasahan na ito ang nangyari. Umiling siya. "Wala dito. Niloloko lang ako ni Sylas." And now she wondered, saan nga ba siya unang nakilala ng lalaki? Bakit kailangan nitong magsinungaling? Naputol ang pag-iisip niya nang hawakan ni Ysabel ang balikat niya. "I think hindi naman siya nagsinungaling. I think he really saw you naman at the party. Tamo nga, na-describe ka niya accurately. Remember, paano tayo nagkakilala?" Wala sa loob na napangiti si Aleona. It was also at the same acquaintance party. Saktong kakayari lang niya noon na kumpletohin ang mga pirma. Naghahanda na nga siyang umuwi noon nang bigla siyang hilahin ni Ysabel. Niyaya siya nitong magsasayaw kasama ang mga kaibigan nito. Dahil ayaw naman niyang mag-iwan ng masamang impresyon, nakisama naman siya. Before she knew it, iyon, nagkasiyahan na sila. Hanggang sa kinuha na rin ni Ysabel ang number niya at naging opisyal na silang magkaibigan. "Di ba nga kaya kita hinila e dahil nakita ko parang ang loner mo?" sabi muli ng kaibigan. "Same lang din sa dinescribe ni Sylas. So I think nakita ka talaga niya." "So bakit wala siya rito?" Tinaas niya ang booklet. Nagkibit-balikat ang dalaga. "Iyan ang di ko masasagot. Baka natorpe siya or whatever." Bumungisngis ito bago sumeryoso ulit. "Pero ito lang ang masasabi ko, Aleona, kapag umamin na sayo si Sylas, please, maging open minded ka, okay? Because trust me, he meant no harm." Napakurap-kurap si Aleona. Biglang sumagi sa isip niya ang reaksyon ni Sylas nang tanungin ni Ysabel kung alam na ba niya kung paano sila nagkakilala. She's not dense. Gets niyang alam na ng kaibigan niya ang totoo. "Pero ano ba kasi iyon, Ysabel? Ano talaga yung totoo? Paano niya ako nakilala?" Hindi ito agad umimik. Yumuko pa nga saka ito malungkot na ngumiti. "Hindi ako ang dapat na magsabi sayo, Aleona. It should be Sylas," sa wakas ay nasabi na nito matapos ang ilang segundo. "Basta nag mapapayo ko lang sayo, give him a chance to explain himself." Tapos, hinawakan nito ang kamay niya saka sinalubong ang tingin niya. "His feelings for you are genuine. I can attest to that, Aleona. You just need to trust him." Tinitigan lang niya ang kaibigan. Hindi rin kasi niya alam kung ano ba ang dapat niyang maging reaksyon. - Saktong kakalabas lang ni Aleona noon sa banyo at papunta na sana sa dressing room para magbihis nang tawagin siya ni Ysabel, na nasa sala. Napatigil siya sa paglalakad saka napaharap sa amo. "Bakit?" tanong niya rito kasabay ng pag-adjust pataas ng tuwalyang nakabalot sa hubad niyang katawan. Nadatnan niyang nakahilata ang kaibigan sa sofa habang hawak ang phone nito. "May pinapasabi bebe mo," sabi nito habang patuloy pa rin sa pagkalikot ng gadget nito. "Oh? Anong sabi--" Natigilan siya saka napakunot ng noo. "Anong 'bebe' ka dyan? Sinong bebe?" bulalas niya. Humalakhak si Ysabel saka bumangon. "Ikaw, Aleona-girl, ha? Nahahalata kita!" kantiyaw nito. "Ewan ko sayo, Ysabel." Papasok na sana siya para magbihis pero pinigilan siya muli ni Ysabel sa pamamagitan ng pagtawag. "Si Sylas kasi tinutukoy ko. Tumawag siya sakin." "O? Bakit? Kinikilig ka?" Sa gulat niya, bigla itong ngumisi. "At bakit parang nagseselos ka? Ikaw, ha? Strike two ka na, girl!" Huminga nang malalim si Aleona. Lord, pigilan n'yo akong sabunutan itong amo ko, tahimik pa niyang dasal saka sumagot. "Ano ngang sabi ni Sylas?" "Wala naman. Nagtatanong lang kung pwede mo raw ba siyang turuan ng accounting." Naningkit ang mga mata niya. "Accounting? Bakit? Di ba, architecture siya?" Nagkibit-balikat ito. "Malay mo, minor subject niya." Saktong biglang may pumindot ng door bell. "Aleona?" sabi pa ng taong nasa kabilang pinto na agad ding nakilala ng dalaga. Sino pa ba? E di si Sylas. Bumangon si Ysabel. "Dalian mo na. Andyan na siya." Lumapit ito sa kanya saka siya tinulak-tulak papasok ng kwarto. "Not unless gusto mong makita ni Sylas ang ka-sexyhan mo?" "Ewan ko sayo, Ysabel." Inirapan niya ito saka pumasok na sa loob ng walk-in closet. Jogging pants na dati niyang PE uniform at oversize na puting shirt lang pinili niyang isuot. That was her typical nightwear. Tapos, pinalupot niya ang tuwalya sa buhok saka lumabas. Nadatnan niyang nag-uusap sa sala sina Ysabel at Sylas. Hindi nga nakatakas sa paningin niya ang alembong na ngiti ng amo niya. Halatang kinikilig ito habang kausap ang lalaking ilang linggo ring pinagpapantasyahan. Tingnan mo tong gaga na to. Binubugaw pa sakin e halata namang patay na patay siya, isip niya habang papunta sa kusina para kumuha ng tubig. "Iyon na pala si Aleona," sabi ni Ysabel nang mapansin siya. Saktong umiinom na siya ng tubig noon. Humarap naman sa kanya si Sylas saka tumayo. "Hi?" bati pa nito habang humahakbang palapit. Hindi mapigilan ni Aleona na hagurin ito ng tingin. Asul na sleeveless hoodie at itim na drawstring shorts ang suot nito. Napakasimple nitong tingnan pero napakalakas pa rin ng dating, siguro dahil na rin sa matikas nitong tindig. Sa sobrang tagal niyang nakatitig dito, hindi niya namalayang naubos na pala ang laman ng baso nito. Kung hindi pa sasabihin ni Ysabel, hindi pa niya mare-realize. "Itong si Aleona, masyadong napaghahalatang thirsty!" pahabol pa na kantyaw ng dalaga. Nakatikim na naman tuloy ito ng irap sa kanya, habang si Sylas naman ay mahinang natawa. "Anyway, Aleona, okay lang ba? Paturo ako?" Pinakita nito ang hawak na libro sa Basic Accounting na hindi napansin ni Aleona na bitbit pala nito. "Alam mo naman, malapit na ang midterm. Mahirap na at baka ibagsak ko na naman ito ngayong sem. Ma-delay pa graduation ko." Napakurap-kurap ang dalaga. So totoo pala talagang may accounting subject siya? isip pa niya habang inaabot ang libro nito. The book looks new. Halatang hindi pa nagagamit. Tingnan mo 'to? Kaya naman pala binabagsak ang napakadaling subject. Napailing-iling na lang siya. "Ano bang topic ang hindi mo naiintindihan?" "About that..." Napakamot ito ng ulo. "Lahat sana." Napamaang siya. "What? Seryoso ka ba?" Muling tumawa si Sylas. "Oo nga. Sorry na. Bobo talaga ako sa accounting." "Hays, dapat kasi nakikinig sa prof." Biglang tumikhim si Ysabel kaya sabay silang napatingin dito. "Ehem! Mawalang-galang lang pero pwede na ho kayong lumabas para walang mainggit dito," kunwari'y reklamo nito pero saan ka, halatang kinikilig. "Lumabas? Bakit?" naguguluhang tanong ni Aleona. "E kasi nga mag-aaral kayo, di ba?" "E ba't kailangang sa labas pa? Di pwedeng dito?" "Hay nako, Aleona!" Lumapit ito sa kanya saka hinawakan ang shirt niya. "Tsaka ano ba tong suot mo? Ba't nakasuot ka na naman ng basahan? Ay nako, di pwede yan." Tapos, hinila siya nito papasok muli sa closet. Ysabel forced her to wear a white high neck, sleeveless tank top. Kasama iyon sa mga binili nitong damit sa kanya. "Alam mo minsan, nage-gets ko na rin mommy mo kaya lagi kang binibigyan ng budget to buy clothes," sermon pa ni Ysabel habang sinusuot sa kanya ang damit. "Ka-pretty-pretty mo tapos you make suot that rug? Ano ka, si Cinderella? Actually, kahit si Cinderella, gusto ring magsuot ng magandang damit." Pinalitan din nito ang suot niyang jogging pants ng maong na mini short. "Oh diba, ang ganda mo?" sabi nito matapos siyang iharap sa salamin. "No make up tapos di pa naka-style ang buhok pero wow, ang pretty mo na." Tapos, pinasuot sa kanya nito ang isang flat sandals na kulay gray. Pinahiram din nito sa kanya ang isang brown na leather purse. Mabilis din nitong binlower ang kanyang buhok. Nanatili na lang walang imik si Aleona. Sa kilos din kasi ng kaibigan niya, alam niyang wala siyang mapapala kung makikipagtalo siya. Lumabas na sila ng walk-in closet. Gulat na gulat nga si Sylas. Hinagod pa nga siya nito ng tingin. This made Aleona conscious. Ang ikli kasi ng short niya. Hindi siya sanay. "Ayie, na-in love na naman si Sylas," kantiyaw na naman ni Ysabel. Sylas looked away. "Ba't naman ganyan pa ang pinasuot mo kay Aleona, Ysa? Masyado namang overdress e magre-review lang naman kami." "Asus. Kunwari ka pa! Tamo, namumula ka na, oh?" Lumapit si Ysabel sa lalaki saka kinurot ang pisngi nito. At lalo ngang namula ang mukha ni Sylas. "See? Tama ako." Binitiwan ni Ysabel si Sylas saka humarap kay Aleona. "What can you say? Wala ka bang masasabi kay Aleona man lang?" Nang hindi umimik ang lalaki, siniko ito ng dalaga. Nahihiyang humarap si Sylas kay Aleona. "K-Kailangan ko pa bang sabihin talaga?" "Duh? Syempre! Girls need compliment din, haler?" Napaikot na lang ng mga mata si Aleona. "Ewan ko sayo, Ysabel." Tapos, humarap ito sa pinto. "Tara na nga. Nang matapos na ang kalokohang ito." "Ito talagang Aleona na to. Panira nang araw e." Napailing-iling na lang si Ysabel. "Anyway, Sy, ikaw na bahala sa bestie ko, ha? Iuwi mo yan nang buo, ha? Buo." Pinandilatan pa nito ang lalaki. Parang nambabanta. Mahina namang natawa si Sylas. "Of course. Wala naman akong planong galawin si Aleona kung iyon ang kinakatakot mo." "Good! Pero if you need tips kung paano--" "Maria Ysabella, manahimik ka na nga!" bara ni Aleona. Nababastusan na kasi siya sa pinag-uusapan ng dalawa. Humagikhik naman si Ysabel. "Sige na. Lumayas na kayong dalawa." Mahina nitong tinulak si Sylas para palabasin. "Go, go, go!" Napaikot na lang ng mga mata Aleona saka tuluyan nang lumabas. - Tumambay sila sa coffee shop na ang pangalan ay Clarksons. Limang minutong lakaran lamang ang layo niyon mula sa condo nila. Tapos, saktong katapat na rin niyon ay ang isa sa mga gate ng university nila. It was a nice place, if Aleona was being honest. May rustic feels kasi ang coffee shop, palibhasa'y bricks ang pader tapos vintage ang itsura ng mga muwebles na kalimita'y gawa sa kahoy. Kaso, nang dumating kasi sila, nakita ng dalaga na nagsisimula nang magligpit ang mga staff. Nahiya tuloy siyang pumasok. But Sylas assured it was fine. "Pinsan ko ang may-ari ng shop na ito, in case na hindi mo pa alam," dugtong pa nito. Natigilan ang dalaga. "Ha? Di nga?" "Yes. This is Chrom's coffee shop. Actually, pinangalan niya ito sa kapatid niya, si Clarkson." "Chrom?" "I mean, Aldous. Aldous Fortaleja. You know him?" "Yung... artista?" Kilala niya ang lalaki dahil ilang taon din itong laging laman ng mga blockbuster film. Pero recently, nag-lie low na ito matapos mag-out sa publiko na nobyo nito ang lalaking nakatambalan sa isang successful na gay romance TV series. "Yup. The one and only. Anyway, tara na, pasok na tayo." Wala na ngang nagawa si Aleona kundi sumama rito at pumila sa counter. "Ano sayo?" tanong nito sa kanya. "Don't worry, my treat. Inabala kita, e." In-scan ni Aleona ang counter. She's not in the mood for something sweet, palibhasa'y matutulog na rin kasi siya dapat. "Tubig na lang siguro." "Are you sure? Wag kang mahiya sakin." "Di na. Matutulog na rin kasi ako." "At least, order something light. Iced tea? Sandwich? Or maybe, that?" Nginusuan nito ang plain doughnut na nasa cake display counter sa kanan ng cashier counter. "Ang kulit mo rin talaga, ano?" Pinaningkitan niya ito ng mga mata. "Gano'n talaga kapag gwapo." Nag-pogi sign ito. "So ano? Iced tea and doughnut?" "Sige na nga," sabi na lang niya para matapos na. Napailing-iling si Sylas saka sinabi iyon sa babaeng kahera. "Brewed coffee sakin. Yung barako. Sing-barako ko." Nag-flex pa ito, na naging dahilan para matawa ang kahera habang si Aleona naman ay napaikot ng mga mata. Napatingin si Aleona sa lalaki. "Kape? Di ka makakatulog niyan." Mahina itong natawa. "Actually, inaantok pa nga ako kapag nagkakape. Ewan, siguro dahil mataas na ang tolerance ko sa caffeine." "Nako, di yan maganda. Addiction na yata yan." Sumilay ang ngiti nito sa labi. "Concern ka?" kantiyaw nito. "Kinilig naman ako." Umasta pa itong kinikilig. Aleona scrunched her nose in annoyance. "Ewan ko sayo, Sylas." Iniwan na niya ito at naupo sa pinakamalapit na table na nakita niya. While waiting for Sylas to join her, hindi niya maiwasang mapatingin sa dalawang lalaking staffer na nagpupunas ng mga table. One of them looked at her and smiled warmly. She smiled back and looked away. Nakakahiya sa kanila, isip na lang niya. Kung bakit ba kasi doon pa naisip ni Sylas tumambay. Feeling niya mag-o-overtime pa tuloy ang mga ito. Hindi nagtagal, dumating na si Sylas na bitbit ang isang tray na naglalaman ng mga order nila. "Ano bang hindi mo nage-gets?" tanong ng dalaga habang nilalapag ni Sylas isa-isa ang mga inumin. "Wait lang! Kalma. Mahina ang kalaban, natatawang anito saka inabot ang tray sa isang male staffer para mailigpit na. Saka lang ito umupo sa tabi niya at nilapag ang libro nitong kanina pa hawak. Pagkuwa'y binuklat nito iyon hanggang sa makita ang hinahanap na page. "Ito," saad pa saka nilapit sa kanya ang libro. Mabilis na in-scan ni Aleona ang laman niyon, dahilan para mapakunot ng noo. "Journal entries? Pinaka-basic yan." Mahinang natawa si Sylas saka napakamot ng ulo. "Sorry na. Bobo lang talaga ako." Napabuga na lang siya ng hangin. "Ano bang hindi mo maintindihan dito?" "Lahat." Ngumisi pa ito na parang batang bugoy. Nalaglag ang panga niya. "Ano?" "Lahat nga." Napakamot ito ng ulo. "Turuan mo na nga lang ako." "Hay, ewan." Sinimulan na niyang ipaliwanag ang topic, starting from the concept of double-entry bookkeeping at kung ano ang kahalagahan niyon. "Tandaan mo, sa kada may ipapasok kang debit, dapat may katumbas siyang credit." Tapos, pinaliwanag niya ang example na nasa libro. "Gets mo?" Nang hindi sumagot si Sylas, hinarap niya ito at nakita niyang nakatitig ito sa kanya. "Huy! Tinatanong kita." Napitlag naman ito. "H-Ha? Ano, oo! Naiintindihan ko. Kaya cash ang credit mo kasi nabawasan. Pinambili mo ng supplies kasi." Tumango-tango siya. "Siguraduhin mo lang talaga na naiintidihan mo. Kundi e matutuktukan kita." Nang matawa si Sylas, napaikot na lang siya ng mga mata. Saktong nakita niyang mayroon short activity ang libro kaya pinasagutan niya iyon kay Sylas. Kinailangan nga lang nilang manghingi ng paper towel at panulat sa cashier dahil wala itong dala. Habang sinasagutan ni Sylas ang activity, matama niya itong pinapanood. Her gaze was focused on his face. She noticed na ang haba pala ng pilik nito. Mahaba rin naman ang sa kanya but Sylas's still amazed her. Iyon siguro ang dahilan kaya mapungay tingnan ang mata nito. Bigla siyang hinarap nito dahilan para mapitlag siya. "Aleona?" "H-Ha?" tanong niya habang nakaiwas ng tingin. Ayaw niyang makita ang pamumula ng mukha niya. "Okay lang bang i-explain mo ulit sa akin kung paano?" "Ha? Alin d'yan?" Ngumiti na parang bugoy si Sylas. While she thought it was cute, it made her nervous. Pakiramdam niya, maba-bad trip siya sa sasabihin nito. "Lahat sana." Napanganga siya sabay untog ng ulo sa desk. "Anak ng pating, Sylas!" asik niya. "Akala ko ba na-gets mo?" "Akala ko rin, e." Tapos, bumuntong hininga ito. "Ah, di bale na lang." Sinara nito ang libro, at nilapag iyon sa bakanteng upuan sa gilid nito. "Huy, akala ko ba mag-aaral ka?" Sinimsim muna ng lalaki ang kape. "Actually... wag ka sanang magagalit ha?" Kumunot ang noo niya. "Bakit?" "The truth is..." Ngumisi ito. "Wala naman talaga akong subject na accounting this sem. Actually, wala talaga akong accounting na subject." Ilang segundo ring napanganga si Aleona. "Seryoso ka ba?"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD