Chapter 7.2

1689 Words
Napamulagat ang dalaga sa narinig. Kasunod din noon ay ang muling pagwawala ng dibdib niya. “A-Ako, special?” “Yes. You heard it right, Aleona. That’s what I feel about you.” Tinitigan niya ito. Siya? Espesyal daw para kay Sylas? Ano na namang pang-uuto ito? And yet… bakit parang ang hirap na hindi paniwalaan ng sinasabi nito? Lalo pa halos umabot na sa tenga ni Sylas ang pamumula nito. Napakaputi pa naman ng lalaki kaya madaling mahalata kahit medyo may kadiliman ang pwesto nila. “P-Pero bakit, Sylas? Hindi ko gets—“ Biglang humangin nang malakas, dahilan para ginawin siya. Samantalang, nataranta naman si Sylas. “s**t, naiwan ko pala sa unit ni Ysa yung jacket ko.” Tapos, humakbang ito palapit sa kanya saka siya niyapos. “Please bear with it for a moment. Or at least until the coldness disappears.” Napalunok si Aleona. Did Sylas really dare to enter her intimate space and hug her? At wala pang paa-paalam man lang? And yet she could not bother to pull herself away. Not when she felt comfortable while in Sylas’s arms. This proximity surprisingly gave her some euphoria she didn’t know she was dying to have. “Sana naririnig mo kung ga’no kalakas ang t***k ng dibdib ko ngayong magkalapit,” bulong ni Sylas. Napakurap-kurap siya. But before she could do anything, kinuha ng lalaki ang kamay niya saka iyon pinatong sa kaliwang dibdib nito. Agad nga niyang naramdaman ang t***k ng puso nito. Tama si Sylas. Ang bilis niyon. Parang nais pang kumawala sa ribcage ko. “This is how I feel whenever I’m around you, Aleona,” bulong nito habang patuloy pa ring nakayakap sa kanya. “Hindi ko rin maintindihan kung bakit. I have this weird fixation that even I can’t explain.” Tapos, kumalas ito sa pagkakayakap sa kanya saka hinawakan ang pisngi niya. “I’m not asking you to go on a date with me. At least, not yet.” “Kung gano’n pala, bakit mo to sinasabi sakin lahat?” Natigilan naman ang lalaki. Bumuka ang bibig nito pero wala ring salitang lumabas. Hanggang sumuko na lang din ito sa huli. Umiwas ito ng tingin saka bumuntonghininga. “I don’t know, either, Aleona. Siguro, gusto ko lang… gusto ko lang lumuwag ang dibdib ko,” sambit na lamang nito. “Para mawala ang nagpapagulo sa isip ko. Because trust me, I can’t get you out of my head. Ilang taon na.” “Taon?” Tumaas ang isa niyang kilay. But Sylas just smiled meekly. “Anyway, uhm… iyon lang naman ang gusto kong sabihin.” Kapagkuwa'y nilahad nito ang kamay na animo'y makikipag-handshake. "Friends?" Tinitigan lang ni Aleona ang kamay nito. “Why? May bali ba, Aleona?” Sinalubong niya ang tingin ng lalaki. “Kailangan pa ba ito? Alam ko naman na ang pangalan mo, at gano’n ka rin sakin.” “Ah. But still, I want it to be formal. As in, sigurado talaga akong magkaibigan na tayo, hindi yung aasta akong papansin lang.” Napangisi siya. “Now, you know? Alam mo na ngang papansin ka?” “Okay lang. Pogi naman.” Ngumisi rin ito saka nag-pogi sign. Naningkit ang mga mata niya. “Alam mo, ang hangin mo talaga—“ Saktong humangin nang malakas. “O, di ba? Agree si Mother Earth,” dugtong pa niya habang niyayapos ang sarili. Tinawanan lang siya ng lalaki. “Sige, ganito na lang. Gusto kong maging formal talaga itong pagiging magkaibigan natin dahil… remember, I said earlier that I see you as something special? Kaya special din ang pakikipagkaibigan ko sa 'yo," sabi nito. "Kumbaga, parang VIP ka kaya gano'n." "Asus! Style mo, bulok." "Oh, ano?" Muli nitong inilahad ang kamay. "Friends?" Sandali niya itong tiningnan. Pagkatapos ay tinanggap din niya matapos ang isang segundo. "Sige na nga." Tinanggap niya ang kamay nito. “Ba’t parang napipilitan?” Ngumuso pa ito. “Alam mo, ang dami mong arte. Wag na lang kaya.” Akmang babawiin na niya ang kamay pero hinigpitan lang ni Sylas ang hawak doon. “Joke lang. Ito naman.” Napailing-iling ito. “So, nice to meet you, Aleona.” Ngumiti siya. “Nice to meet you too, Sylas.” And then, there was silence. Ilang segundo rin silang nagtitigan saka bumitiw si Sylas. “Anyway, pasok na tayo? Baka masyado ka nang nilalamig. Baka magkasakit ka pa.” Tango na lang ang sinagot niya saka sila naglakad pabalik sa loob. Umakbay pa nga ito. Inside the building, Ysabel was waiting for them. Nang makita nga silang palapit, biglang sumilay ang mapanukso nitong ngiti. “Ay, mukhang may good news yata ngayong gabi,” sabi pa nito habang nakatingin kay Sylas. Samantalang, nagpauna naman ang lalaki at tinabihan si Ysabel. “Yes, I guess.” “So, ligawan na ba?” “No!” sabay pang sambit ng dalawa. Tapos, nagkatinginan sila saka natawa rin nang sabay. Nandilat tuloy ang mga mata ni Ysabel. “At bakit?” Nagpamaywang ito. Napakamot ng ulo si Sylas. “I… want to take things slowly, I guess?” He laughed awkwardly. “Ay wow, Sylas? Walang ganoon.” Napailing-iling si Ysabel. “But did you at least tell her ba how you two first met?” And suddenly, the ambiance became cold. When Aleona looked at Sylas, nakita niyang pinandidilatan nito si Ysabel. “Anong meron?” naguguluhang tanong ng dalaga. Sylas sighed and faced her. “We met before, Aleona. But I think you don’t remember it.” “Ha? Kailan?” Ysabel interjected excitedly. “Noong ba—“ Biglang tinakpan ni Sylas ang bibig nito kasabay ng nagbabantang titig. Nagulat ang babae sa kinilos nito. Si Aleona naman ay nagtatakang nagsalitan ng tingin. Muling bumuga ng hangin si Sylas. Tapos, saglit itong nag-isip. “Naalala mo noong acquaintance party mo noong first year ka?” Saglit siyang nag-isip. “Yeah? Doon mo ako nakilala?” Tumango si Sylas. Tinabig ni Ysabel ang kamay ng lalaki. “Ay weh? Di nga?” “Oo nga, Ysa,” pagpilti ni Sylas. “Di ba nga meron pa kayong booklet no’n? Tapos, papapirmahan n’yo sa mga seniors nyo?” Nagkatinginan ang dalawang babae. Even without saying it, pareho silang sumang-ayon na ganoon nga ang naalala nila. “I saw you, Aleona, walking around. Simple lang ang damit mo. Di ka rin nakikihalubilo. It’s like you went there for the sake of compliance. Makapagpapirma lang, gano’n. Matapos lang ang kalokohang ito." Umawang ang labi ni Aleona. Hindi na niya masyadong maalala ang eksaktong naganap pero alam niyang wala talaga siyang planong magtagal sa party at gusto lang niyang mapuno ang kanyang booklet. The requirement was makapuno ng fifty signatures from the seniors. “So, ang ibig mong sabihin, doon mo ako unang nakilala?” tanong niya sa lalaki. Tumango si Sylas. “And I never forget about you since then.” “Pero, Sylas, it’s been… what, three years?” Third year na kasi siya sa kursong Accountancy. “How come na di mo ako nakalimutan?” “So? Why does it matter?” “Oo nga naman!” hirit ni Ysabel. “May ilan ngang ten years na mahigit ang nakalipas pero di ka pa rin nakakalimutan e.” Nginisian nito si Sylas. And once again, Sylas gave her a warning look. Nagsalitan ng tingin si Aleona sa dalawa. Hindi niya alam kung nag-o-overthink lang ba siya pero pakiramdam niya’y may tinatago si Sylas. Okay, sure, naniniwala na siyang nakita nga siya ng lalaki during the party dahil convincing naman ang sinabi nito. Pero base sa sinasabi ni Ysabel at ang reaksyon ni Sylas ukol dito, tingin niya’y marami pa siyang dapat malaman. Kaso, bigla siyang napahikab. Napatingin tuloy sa kanya ang dalawa. “Inaantok ka na?” tanong ni Sylas. Tumango muna si Aleona habang tinatapos ang paghikab. “Medyo. Napagod din ako ngayong araw.” Siniko ni Ysabel ang tadyang ng lalaki. “Iyan! Pinagod mo kasi. Pinahabol-habol mo sa mga goons mo.” Tumalak si Sylas. “Pwede ba, Ysabel? Tigilan mo na?” iritadong anito. “`Kay!” sambit ng dalaga sa high-pitched na tono. Pagkuwa’y tumabi ito kay Aleona saka umabre-siete. “Anyway, una na kaming bumalik ni Aleona, ha? Akyat na kami sa unit ko. At ikaw, umuwi ka na.” “Di man lang ba natin siya ihahatid sa lobby?” tanong ni Aleona sa kaibigang babae. Mahina itong natawa. “Tange, dito rin nakatira si Sylas. Ibang floor lang.” “What?! Seryoso ba?” Ibinaling niya ang tingin sa lalaki. Tumango si Sylas. “My family owned this building, actually. Kasama ito sa mga real estate properties namin." Napamaang na lang ang dalaga. Okay, first time niyang narinig iyon! “Anyway, sige na. Mauuna na kami.” Hinila ni Aleona ang kaibigan. “Bye, Sylas.” Tapos, nilampasan nila ito saka sila dumiretso sa elevator na ilang hakbang lang mula roon. Sinundan naman sila ni Sylas ng tingin. “Good night, Aleona.” Aleona pressed the going up button first before she looked back at. “Good night din.” Kumaway sa kanya ang lalaki. Sakto ring humawi na ang pinto kaya dumiretso na ng pasok ang dalawa. Wala silang kasabay sa loob ng bagon. “Hay nako, Sylas, ewan ko sayo,” bulong ni Ysabel. Napailing-iling pa ito. Then, she murmured something inaudible. “Ano kamo?” tanong ni Aleona. Wala na kasi siyang narinig sa sinabi nito. But Ysabel just shook her head. Tapos, nilabas nito ang phone mula sa bulsa at sinimulan iyong gamitin. Tahimik lang na pinanood ng dalaga ang kaibigan. Something was really odd about this. May tinatago si Sylas, at alam iyon ni Ysabel. Pero ano naman kaya iyon? At bakit parang ayaw na ayaw na ipaalam sa kanya ng lalaki?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD