Chapter 7.1

2826 Words
“Anong ginagawa mo rito, Sylas?!” bulyaw ni Aleona sa lalaki. Then, she looked around, thinking of how she could possibly escape from him. Hindi lang siya sinubukang ipa-”kidnap” nito kanina. Talagang naglakas pa ng loob ang lalaki na mag-trespass sa tinutuluyan niya? But rather than answering her question, lalo lang lumawak ang pagngisi nito. “Why? Bawal ba? Gusto lang naman kitang makita.” Tinangka ng lalaki na hawakan ang pisngi niya pero agad niya iyong tinabig. Pagkuwa’y tinadyakan niya ang lalaki sa dibdib. Nang mabuwal ito, agad din siyang tumayo saka tumakbo patungo sa may lababo. Agad niyang kinuha ang kutsilyo knife organizer saka tinutok kay Sylas. Sakto pang kakatayo lang ng lalaki noon. Nagulat ito sa nakita. “Whoa, Aleona! Hold up!” bulalas pa nito. “Wag kang lalapit!” mariin niyang singhal nang humakbang itong palapit. Agad namang tumigil si Sylas. Tinaas pa nito ang mga kamay na parang sumusuko. “Calm down, Aleona. Wala akong planong masama sayo--” “Anong wala kang plano?! Ba’t ka nandito sa unit ni Ysabel, ha?” Sa sobrang gigil niya nang sandaling iyon, halos lumabas na ang mga litid niya sa leeg. “Paano ka nakapasok dito?” “About that…” Bumuntonghininga ito saka tumingin sa pinto ng dressing room. “Ysa, lumabas ka na nga dyan! Tama na ang kalokohang ito!” Ysa? Ibinaling din niya ang tingin sa pinto. “Nandito si Ysabel?” Maya-maya, bigla na lang silang nakarinig nang malakas na pagtawa. High-pitched iyon at parang inosenteng bata. Agad nga niyang nakilala kung sino. Samantalang, bumukas naman ang pinto ng dressing room saka lumabas ang tatawa-tawang si Ysabel. She was in a white blouse and slacks -- ang uniforme ng Psychology student. “OMG! That’s so hilarious!” sambit pa ng babae saka lumapit kay Aleona at inagaw ang kutsilyo sa kanya. “Pero girl, wag kang mantutok ng kutsilyo. That’s bad.” Napamaang si Aleona saka nagsalitan ang tingin kina Ysabel at Sylas. Nagkakamot ng likod ng ulo ang lalaki. Mukhang humihingi rin ng paumanhin, base sa paraan nito ng pagtitig sa kanya with matching pagnguso. “Anong ibig sabihin nito?” sa wakas ay nasabi ni Aleona. “Magkasambwat ba kayo? Ikaw ba nagpapasok kay Sylas, Ysabel?” “Yes,” tugon ng kaibigan niya. “But don’t get me wrong. Wala kaming planong masama sayo. We’re just, you know, pulling a prank on you.” “Correction,” sabat ni Sylas. “She’s pulling a prank on you.” Tinuro pa nito si Ysabel. “Pinagbigyan ko lang. Gusto lang daw niyang makaganti sayo.” “Hoy!” bulalas ni Ysabel. “Sige, manglaglag ka. Tamang ugali yan, Mr. Fortaleja! You agree with this! Kaya kasama ka.” Muling napakamot ng ulo ang lalaki saka sinalubong muli ang tingin ni Aleona. “I mean… well, I guess Ysa’s right.” Bumuntonghininga ito. “Sorry, Aleona. Pero maniwala ka, wala akong planong masama sayo. I did come with Ysabel here because I want to talk to you. Di mo kasi ako pinagbigyan kanina. But I meant no harm. Hindi kita planong saktan talaga, promise--” “Whatever!” Inirapan ni Aleona ang lalaki. Pagkuwa’y lumapit siya sa wall table saka kumiling doon. Napahilamos pa siya ng mukha saka nag-breathing exercise. Ngayong unti-unti na siyang kumakalma, parang bigla napagod. Nagkatinginan naman sina Sylas at Ysabel. Pagkuwa’y lumapit sa kanya ang huli. “Aleona, okay ka lang ba?” nag-aalalang tanong ng babae. Tinangka siya nitong hawakan pero mabilis niyang tinabig ang kamay nito. “Define ‘okay’, Ysabel?” mataray niyang turan dito. “Saka wag mo nga akong mahawak-hawakan, pwede?” Napanguso ang kaibigan niya. “Sorry na kasi, Aleona! Pinagtri-tripan lang naman kita.” “Kasi?” Lalong tumulis ang nguso nito. “Ikaw kasi. Binatukan mo ako kahapon.” “Ah, ganon? So dahil binatukan kita, ipapa-r**e mo ako?” Napamulagat si Ysabel. Tapos, si Sylas naman ay napitlag. “Hoy, hindi, ah? Grabe ka!” reklamo ni Ysabel kasabay ng pagsabi ni Sylas ng, “I won’t ever do that, Aleona!” “Ewan ko sa inyo pareho! Which reminds me…” Ibinaling niya ulit ang tingin kay Sylas. “Ano bang drama mo kanina ha? Bakit kailangan mo pa akong ipa-kidnap?” “That’s… not my idea.” Tapos, tinuro nito si Ysabel. “It’s hers.” Ysabel wailed and cursed Sylas. “Walang hiya ka! Nandamay ka pa!” Pinaghahampas pa nito ang tagiliran ng lalaki. “Hoy, anong nandamay ka dyan? Ikaw kaya ang promotor no’n!” sumbat naman ni Sylas sa kaibigan niya. “Nagbibiro lang ako last night! Ikaw naman, ginawa mo nga!” “Kasi sabi mo iyon lang ang paraan para pansinin niya ako dahil sabi mo rin, masyadong mailap si Aleona--” “Heh! Magsitahimik nga kayo!” bulyaw ni Aleona habang tinatakpan ang tenga. Unti na lang ay sasakit na ang ulo niya dahil sa kunsumisyon. Tapos, ngayon, dadagdagan pa talaga ng bangayan ng dalawa? Sylas sighed. “Sorry. Maybe, I overdid it--” “Anong maybe?” sabat ni Ysabel. “You overdid it talaga.” Pinaningkitan ni Sylas ang babae. “Pwede bang manahimik ka na? Naba-bad trip na rin ako sayo, Maria Ysabella.” Napalunok ang dalaga. Pagkuwa’y napayuko ito at napanguso. Parang napahiya o natakot na yata. Sylas looked at Aleona again. “Where am I again? Oh…” He cleared his throat. “Sorry. I’m sorry. I really meant it. Kung natakot ka rin sa prank namin ni Ysabel, I apologize. I’ll take the responsibility. Pero maniwala ka sakin, I meant no harm. Gusto lang kitang makausap.” Tinaasan niya ito ng kilay. “Ano na naman?” Sumara ang bibig ni Sylas. Pagkuwa’y napalunok ito. Now, he looked so nervous. Noon lang muling sumabat si Ysabel. Tumayo ito. “Alam nyo, I think you need privacy. Iwan ko muna kayo. Labas muna ako, maybe I’ll make bili muna ng food.” Mabilis na hinila ni Aleona ang kaibigan para pigilan ito. Don’t you dare, she mouthed. Sinabayan pa niya ng pandidilat ng mga mata. “Grabe ka, Aleona, ha? Pero kailangan n’yong mag-usap nang seryoso e--” Tapos, natigilan ito. Parang bigla itong nagkaroon ng ideya kasi pumapalpak pa nga. “I know. Maybe di talaga appropriate ang lugar na ito para makapag-usap kayo nang maayos. Which is why, dapat kayong sumama sakin pareho.” Hinila pareho ni Ysabel ang dalawa patungo sa main door. “Don’t worry, Aleona. Di naman kita iiwan. But of course, I’ll give you some space pa rin para makapag-usap nang matino.” Kumindat pa si Ysabel sa kanya. Sinususi nito pasara ang unit. “But for now, hayaan mo lang makapagsalita ni Sylas, ha? Pakinggan mo ang sasabihin niya.” Pinaningkitan niya ito. Hindi niya ba alam kung binubugaw lang ba siya masyado ng kaibigan niya o mayroon din talagang mabigat na bagay na aaminin si Sylas. Aakyat ba ito ng ligaw? Maybe. Pero tingin niya, may mas malalim pa. Pasimple niyang ibinaling ang tingin kay Sylas. Nakaiwas ang tingin nito. He was looking at the floor, at lumalagos ang titig. Parang malalim ang iniisip.Tapos, napansin din niya ang pagbukas-sara ng mga kamay nito. It was as if Sylas was trying to denerve himself. Ano ba kasing sasabihin nito? Ba’t parang kabadong-kabado naman? Napailing-iling na lang siya. Ay, bahala na. Malalaman ko din naman maya-maya. - There is a huge sundeck located on the 12th floor of the building. Bale nandoon din ang pool area. Open iyon hanggang alas diez ng gabi, pero nang dumating sina Aleona, Ysabel at Sylas, walang tao roon. “Tamang-tama pala ang timing natin!” sabi pa ni Ysabel. Napapagitnaan ito nina Aleona at Sylas. Ibinaling ni Aleona ang tingin sa kaibigan. “Ba’t mo kami dinala dito?” “Dito kayo mag-uusap, duh?” sambit nito na para bang iyon ang pinaka-obvious na sagot. May matching role eyes pa nga. “This place is silent, not to mention romantic kasi kita ang citylights, oh?” Nginusuan ng babae ang harap nila. Tama naman nga ito. Tamang-tama ang palapag na iyon para makita ang abalang siyudad. Actually, noon lang na-appreciate ng dalaga ang view na iyon. She never realized it was great, lalo pa hindi rin naman nga siya nagagawi roon. Mahina silang tinulak ni Ysabel hanggang sa ilang dipa na lang ang layo nila sa metal railings. “O, paano maiwan ko na kayo, ha?” sambit pa nito saka tumingin muli kay Aleona. “Don’t worry, hindi naman ako lalayo. Hihintayin ko kayo sa loob.” Hindi na nagsalita si Aleona. Bagkus, tumango na lang siya at sumenyas na maiwan na sila. Agad namang sumunod si Ysabel, but not until she gave a thumb up on Sylas, as if cheering on him. Ngayong silang dalawa na lang ang naroon, binalot sila ng katahimikan. Sylas took a step forward and leaned on the metal railings. Pagkuwa’y tumingala ito sa langit. As for Aleona, hindi niya maiwasang hagurin ng tingin ang likod ng lalaki. Slim fit na puting shirt ang suot nito na tinernuhan ng itim na skinny pants. Napaka-simple ng suot pero bumabakas ang kakisigan nito. At wow, ang laki ng pwet niya, hindi niya maiwasang isip habang nakatitig sa matambok nitong pang-upo. Tapos, napakunot siya ng noo. Hala, ang manyak ko pakinggan do’n, ha? She shook her head in an attempt to quash that thought out of her head. Sylas faced her. Tapos, sumenyas itong tumabi sa kanya. “Maganda ang view dito, promise,” sabi pa nito. Sumunod naman siya. Kumiling siya railings dahilan para mapamulagat siya dala ng lula. “Wag kang tumingin sa baba,” sabi ulit ni Sylas saka tinuro ang langit. “Look upward instead. Maganda ang langit ngayong gabi.” At muli siyang sumunod. Tama nga si Sylas. Maraming bituin nang gabing iyon. Napangiti tuloy siya, as some distant memory replayed in her head. “Alam mo ba noong bata ako, gustong-gusto kong sumungkit ng bituin?” wala sa loob niyang bulong. Sylas looked at her. Bakas sa mukha nito ang pagkagulat – marahil ay dahil sa kaswal niyang pakikipag-usap – pero mabilis ding iyong iwinaglit. “Really?” tugon nito. Tumango muli ang dalaga. “Di ko rin alam kung bakit. Nakaka-fascinate kasi talaga tingnan.” “I know.” Muling tumingin si Sylas sa langit. “Kahit naman din ako.” Tapos, tumawa ito. “Noong bata nga ako, naniniwala pa ako na ancestors natin ang bituin. They’re always there to watch over us. Kaya siguro gumagaan ang loob ko kapag nag-s-stargaze ako. Kasi feeling ko, may taong nagbabantay sakin at naiintindihan ang hinanakit ko sa buhay.” Natigilan si Aleona. Now, it was her turn to look at Sylas. Bakas kasi ang lungkot ng lalaki sa boses. And when she looked at his face, she was surprised to see him hurt. Mayroong lungkot ang mga mata nito. Lungkot, galit, at frustration. Napakurap-kurap siya. Pero bakit kaya? Ang yaman-yaman nila, ah? Magkaka-problema pa ba yan sa dami ng pera nila? She was lost in her own thoughts when Sylas suddenly looked at her again, catching her staring. Napitlag tuloy siya saka napaiwas ng tingin. That was when her chest started to rumble. Shit, bakit ba siya biglang natorete? “Anyway, Aleona,” muling sambit ni Sylas, “about sa sasabihin ko…” Then, he paused. Aleona looked at Sylas, waiting for him to continue. Pero sa halip na sumagot, tinitigan lang siya ng lalaki bago umiwas ng tingin pagkatapos ng ilang segundo. Napahilamos pa ito ng mukha bago sinuklay ang bang paitaas at bumuntong-hininga. While watching him do it, napataas na naman ng kilay si Aleona. “Oy?” She bumped her left shoulder on his. “Ano na?” But just like earlier, Sylas didn’t say anything which annoyed her. Napatalak siya saka sinabing, “Bahala ka na nga dyan! Sinasayang mo lang oras ko!” Tumalikod siya at mabibigat ang mga paang humakbang. But Sylas ran after her. Humarang ito sa kanya. Hinawakan pa nga ang mga balikat niya para pigilan siyang umalis. “Sorry,” panimula nito. “Iyon ang una kong gustong sabihin. Sorry sa nangyari kanina.” Tapos, kinapa nito ang dibdib saka huminga nang malalim. “Kahit hindi naman ako ang promotor, sorry pa rin—“ “Ay wow. Sincere ka ba talaga o hindi?” Inirapan niya ito. Napakamot ito ng batok. “Okay, sige na. Ako pa rin ang may kasalanan. Nagpauto ako kay Ysabel. Aware naman ako na nainis siya sayo kagabi, at naghinala na rin ako na baka kaya niya sinabi ang ipa-kidnap ka at yung nangyari kanina e para gumanti sayo. I should have known better lalo pa babae ka at makapal ang mukha ko to the point na handa akong mag-confess sayo in public.” Tiningnan siya nito sa mga mata. “Inaamin ko ang kasalanan ko. And for that, I want to apologize. Can I?” Kinilatis ng dalaga ang titig nito. Hmmm… okay, sige. Convinced na siya na sincere nga ito sa paghingi ng paumanhin. Pero hindi pa rin siya kuntento. Something really bothered her. “Ano ba kasing nakita mo sakin, Sylas?” sabi muli ng dalaga. “Ano bang meron sakin? To the point na handa ka ngang pagmukhaing tanga ang sarili mo para lang umamin sakin?” “Hindi naman sa ganon, Aleona. I’m not obsessed with you. It’s just… it’s just…” And then, he paused again. Para itong na-mental block. “Aaaah! Paano ko ba kasi sasabihin ito?!” Marahas nitong ginulo ang buhok. Lalong nagusot ang mukha ni Aleona habang pinapanood ang ginagawang "pag-bre-brainstorming" ni Sylas. Looking on him, halata talaga hindi nito alam kung ano ang sasabihin. Tingnan mo 'to? Labo talaga, ka-bad trip! Matapos ang ilang sandali ay muling napabuntong-hininga si Sylas. "Hindi ko talaga alam kung pa'no ko ito ipapaliwanag," anito. Kinamot-kamot din nito ang ulo. "Kahit kasi ako hindi ko alam kung ano ba talaga itong nararamdaman ko." Tumaas ang isang kilay niya. Okay, what is that? Ano na namang drama niya? Huminga nang malalim si Sylas. He blew the air slowly before he spoke again. “In case you’re wondering, matagal na kitang nakikita sa campus, Aleona.” “Oh? Talaga? Tell me about it.” “Bukod sa madalas kayong tumambay ni Ysabel sa Maid of Orleans Café, lagi rin kitang nakikitang nag-aaral. It’s like, you have no other life aside from studying. At kapag nai-stress ka, hinahawakan mo lang ang pendant ng kwintas mo.” Bumaba ang tingin nito sa dibdib niya. Napamulagat siya. Okay, accurate ang sinabi nito! Especially, about her necklace— Wait a minute. Tinulak niya ang mukha nito. “Bastos!” singhal pa niya saka niyakap ang sarili. “What?” naguguluhang tanong nito. “Anong ‘what’ ka dyan? Bakit ka nakatingin sa dibdib ko, ha?!” Napamulagat ito. “No! Hindi iyon ang tinititigan ko. I’m looking at your necklace.” Pinaningkitan niya ito. “Promise, Aleona. Cross my heart.” Gumuhit pa ito ng krus sa dibdib. “Hindi kita babastusin. Hindi ko kayang mawalan ng respeto sa babae.” Nag-make face siya. “E ano pala yung pag-kidnap-kidnap na yan, ha? Akala mo hindi ako nabastos sa pinagawa mo?” Napaisip naman ang binata saka napakamot ng ulo. “Kaya nga ako humihingi ng sorry, di ba? Kasi mali nga ang ginawa ko. Di ako dapat nagpauto kay Ysabel--“ “Blah blah blah!” Napaikot siya ng mga mata. “Anyway, let’s go back to the topic. Ano yung sasabihin mo kanina?” Muli na namang nag-panic ang lalaki. Napalunok pa nga ito. “So ano? Magtititigan na lang tayo buong gabi?” mataray muling turan ng dalaga. Sylas heaved a sigh. “Ito na nga.” Napailing-iling ito saka tumikhim. “Sa tuwing nakikita kita, I’m having this feeling that I cannot explain. A feeling that I cannot name.” Bigla itong namula. “At iyan na naman po tayo sa mga pasakalye mo. Pwedeng pakidiretso na kasi.” Pinaningkitan niya ito ng mga mata. At ano na naman yang’feelings that I cannot name’ na yan? “Alam mo ba yung feeling na kapag nakikita kita, may nararamdaman akong kakaiba. Na para bang ikaw ay…” Napalunok ito. “Ikaw ay special?”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD