“Subukan mong sumuka sa hallway, Rovi, papatayin kita!” banta ni Kenjo habang akay-akay nito ang kakambal na ngayon ay lasing na lasing. “Tang ina, malapit na tayo!” Samantalang, nakatakip naman sa bibig ni Rovi ang kaliwa nitong kamay. Hindi nagtagal, nasa harapan na rin sila ng kanilang condo unit. Kenjo faced Ysabel, who was lagging behind them. “Buksan mo nga yung pinto. Ito yung susi, sa kaliwa kong bulsa.” Agad namang tumalima ang dalaga. Mabilis ding niyang nabuksan ang pinto. Sakto pa ngang naduwal na naman si Rovi noon. “Tang ina, Rovi, ito na!” Sinipa ni Kenjo ang pinto saka halos hilahin ang kakambal patungo sa toilet. Hindi rin nagtagal, narinig na ni Ysabel ang pagsuka ng lalaki kasabay ng malakas na pagmumura ni Kenjo. “Tang ina! Sinukahan pa ako!” Ysabel could not he

