Intramurals finally ended. Pagkatapos niyon, Undas break na. Dahil nagkataong Martes ang Araw ng mga Patay, nagdesisyon ang pamunuan ng Universidad de Santa Juana de Arco na wala na rin pasok nang buong linggong iyon. That means, mahaba ang magiging bakasyon ni Aleona kaya naman minabuti na niyang umuwi muna sa tita niya sa Pampanga. To be honest, masyado na rin kasi siyang stressed recently, and she thought a short break from her busy life in the city would not hurt. E anak ng pating. Unang araw ng bakasyon niya, mayroon siyang unexpected visitors: sina Ysabel, Sylas, at Kenjo. Napakurap-kurap ang dalaga habang nakatayo sa harap ng bahay ng tita niya. “Ba’t andito kayo?”nagtatakang aniya. Biglang napawi ang ngiti ni Ysabel. “Wow, ha? Ba’t parang masama loob mo e we travel all the way f

