Chapter 67 Rafael Matagal na hindi ako nakapunta sa condo unit ni Veronica dahil iniiwasan ko ang maldita na kasama niya sa bahay. Mas maigi na rin na hindi ko makita si Elena. Para mawala rin kung ano man ‘yong nararamdaman ko para sa kanya. Inaamin ko na sumama ang loob ko sa panunumbat niya sa akin tungkol sa Ate niya. Subalit para akong tanga na kahit anong gawin ko hindi pa rin mawala sa isip ko ang mga sinabi niya. Para siyang si Miranda. Kaya, siguro ganito na lang ang nararamdaman ko dahil naaalala ko si Miranda sa kaniya, pero tinatangi ko na hindi ko siya gusto. Oo- tama- hindi ko gusto sa Elena, iyon ang paulit-ulit kong itinatatak sa isip ko. Nang makarating na kami sa condo unit ni Veron, agad na naman bumilis ang t***k ng puso ko nang makita si Elena. Hindi ko nga siya tin

