Chapter 68 Elena Hindi ko sukat akalain na paglabas ko ng cubicles ay naroon si Rafael. Ang bugok na iyon gusto pa yata akong pagtripan. Jindi pa ba siya kuntento sa girlfriend niya na si Veron? Ano ang kailangan niya sa akin at bakit niya ako sinundan sa banyo? Alam mo ‘yong pakiramdam na pagkatatapos mo lang umihi tapos noong halikan niya ako para ulit akong maiihi. Kaya ng nakawala ako sa kanya ay agad akong lumabas ng mall. Hanggang ngayon pakiramdam ko nakadikit pa rin ang labi niya sa aking labi. Kasalukuyan nasa taxi ako. Uuwi na lang ako ng bahay. Tinatawagan ko si Ma'am Veron, magdadahilan na lang ako sa kaniya. Ilang sandali pa sinagot na ni Ma'am Veron, ang tawag ko. “Hello, Ma'am Veron, si Elena po ito. Pasensya na po at hindi na ako nakabalik. Umuwi na po kasi ako dahil ma

