Chapter 69 Elena Simula noong pumunta si Rafael, sa bahay at kinompronta ako, hindi na ako pumasok pa sa trabaho. Agad akong nagpasa ng resignation paper at tinawagan ko si Shane. Parang pangalawang pinsan na namin ito ni Ate Miranda, sa Los Baños. Sinabi ko na uuwi ako roon at excited naman sila. “Elena, buo na ba talaga ang desisyon mo?” tanong sa akin ni Flor, habang nagliligpit ako ng aming mga gamit. Bukas na kasi ang alis namin ng madaling araw. Sa eroplano pa kami sasakay ng mga bata dahil kapag nagbangka kami isang gabi pa kami palutang-lutang sa dagat. Medyo malaki naman ang naipon ko. Sapat na iyon para makapagsimula kami ng mga bata sa Los Baños. “Flor, hindi na magbabago ang isip ko. Doon ko na papalakihin ang mga bata. Pwede naman kayo pumunta roon,” sabi ko kay Flor. A

