Chapter 70 Elena “Ito na ba ang mga pamangkin ko?” tanong ni Shane sa akin nang makalapit na kami sa kaniya. At isa-isa niyang ginulo ang buhok ng mga bata. “Don't touch my hair,” sabi naman ni Valeria. Winaksi niya pa ang kamay ng Tita niya Shane. May pagkamaldita rin si Valeria, ngunit hindi katulad ni Violet na bulgar. “Hahaha… Ang cute ang cute ninyong tatlo,” natutuwang sabi ni Shane sa kanila. “Hali na kayo at hinihintay na kayo ng Lolo Pedo ninyo at Lola Paz ninyo,” yaya ni Shane sa mga bata. Pagakatapos bumaling naman ito sa akin. “Ang ganda mo, Elena, Ang tagal na nating hindi nagkita. Nata pa tayo noong last ninyong punta rito,” sabi nito sa akin at nagbiso-biso pa kaming dalawa. “Oo, nga. Bata pa tayo noon, pero tingnan mo ngayon may sarili na akong pamilya at ikaw naman

