Chapter 71 Rafael Ilang araw at linggo ako na hindi nakatulog ng maayos ng malaman ko na si Elena, nga ang kasama ko simula ng tumira si Miranda, sa mansion. Ah, hindi pala si Miranda, ang tumira sa mansion kundi ang kapatid niya na si Elena. Marami lang akong inaasikaso ngayon dito sa Las Palmas, kaya hindi na ako nakabalik sa Santa Cruz ng halos dalawang buwan. Uunahin ko muna ang kaso laban kay Tita Victoria. Nais rin pala nitong nakawin ang kompanya ni Daddy. Mabuti na lang loyal pa rin ang ibang board member sa amin ni Daddy, kaya hindi niya na kumbinsi ang mga ito na ibenta sa kanya ang shares. Alam naman kasi ng iba na wala siyang pera. Gusto ko kapag humarap ulit ako kay Elena, tapos na ang problema ko kay Tita Victoria. Kabuwanan na rin ni Veronica. Hindi ako basta-basta m

