Chapter 65 Elena Lumipas ang mga araw at linggo maayos naman ang trabaho ko kay Veron. Hindi na rin nakabalik si Rafael sa condo unit ni Veron. Ate iyon ang malaki kong pasasalamat. At least, nakapagtrabaho ako ng maayos at walang gaanong iniisip. Nakahanap na rin ako ng yaya ng mga bata. Kaya hindi na ako nahihirapan pa. Kapag day off ni Flor at wala naman ginagawa si Norwen, hinihiram nila ang mga bata. Minsan naririnig ko lang si Veron, na kausap ang boyfriend niyang bugok. Magaan lang naman ang trabaho ko kay Veron ikumpara sa hospital. Ngunit nami-miss ko na rin ang mga pasyente ko, lalo na ang mga makukulit. Isang araw habang pauwi na ako sa bahay malayo pa lang natanong ko na si Norwen sa pintuan ng bahay. Parang inaabangan ako nito. Kumaway pa ako sa kaniya habang may dala-

