Chapter 64 Elena Hindi ko inasahan ang pagdating ni Rafael at ni Manong Jose. Subalit hindi ako nagpahalata na nagulat ako nang makita si Manong Jose. Sinama pala siya ng bugok na Rafael. Sa inis ko kay Rafael, napagsabihan ko siyang bugok. Alam ko na nasamid si Manong Jose, nang sabihan kong ganoon si Rafael. Kumuha na lamang ako ng tubig para makaiwas sa mga tingin ni Rafael sa akin. Kanina ko pa napapansin ang mga titig niya. Kumuha na ako ng tubig sa water dispenser upang ibigay iyon kay Manong Jose, subalit hindi ko inaasahan na susunod pala sa likuran ko si Rafael. “Elena, alam ko na may ibig sabihin ang sinabi mo sa akin kanina. Bakit sinasabihan mo akong bugok?” Gusto ko matawa sa tanong na iyon ni Rafael sa akin. Ano ba ang gusto niyang sasabihin ko sa kanya na talagang bugo

