Chapter 62 Rafael Kasalukuyan nandito ako sa aking opisina dito sa Las Palmas. Hindi ako makapag-concentrate ng trabaho dahil hindi mawala sa isip ko ang kapatid ni Miranda na si Elena. Hindi ko alam kung bakit ganito ang nararamdaman ko. ‘Yong para bang ang tagal-tagal ko siyang nakasama? Hindi ko alam subalit simula ng makita ko siya sa tuwing ipipikit ang aking mga mata siya ang nakikita ko. “Sir tulala ka na naman yata ano ba ang iniisip mo?” tanong ni Ella, hindi ko namalayan na pumasok na pala ito. “Wala, Ella. Bakit? Hindi ka ba marunong kumatok?” taas ang kilay ko na tanong sa kanya. “Hello, Sir? Kanina pa ako kumakatok, kaso tulala ka nga.” Bumuntong hininga na lang ako sa sagot ni Ella. “Ano ba ang kailangan mo?” malamig kong tanong sa kanya. “Nariya ng madrasta mo sa la

