Si Andy ay lumaki sa isang lugar sa probinsya na tanging bahay lamang nito ang nakatindig. Walang ingay ng kapitbahay o mga sasakyan dahil pulos puno ang nasa paligid nito. Mga alagang hayop lamang at taniman ng mga gulay ang araw araw na kasama. Labing limang taong gulang lamang siya ng pumanaw ang kanyang Ama dahil sa malubhang sakit at sa kanyang pagkapanganak naman ang kaniyang Ina sa pangalawang kapatid ngunit kapwa ito namatay. Mula noon ay namuhay na siyang mag-isa at tanging kinabubuhay ay ang mga gulay na sinusuplay sa pamilihan at sinasakang taniman ng palay mula sa kaibigan ng Ama.
"Salamat Andy, heto ang porsyento mo sa palay."
"Salamat po, Mang Kardo."
"Medyo maganda ani ngayon kaya malaki laki din ang kinita natin."
My bahagi lamang si Andy sa sakahan ni Mang Kardo at siya lamang ang nagtatanim dito kaya sa kanya ang buong porsiyento ng tanimang iyon.
"Salamat po Mang Kardo, sa susunod ho uli."
"Sige Iho. Salamat din."
Masayang umalis si Andy mula sa bodega ni Mang Kardo. Agad bumili ng pagkain ng mga hayop at itinabi ang natirang kinita.
Isang umaga, nagtungo si Andy sa taas ng bundok upang manguha ng kahoy panggatong at pagkain. Sa kaniyang paglalakad ay nakita nito ang mga dayo mula sa kapatagan na namumundok.
“Tayo na magpatuloy sa paglakad mga kapatid,” saad ng nangunguna sa kanila.
Napansin ni Andy ang isang babae na dayo ang nakatingin lamang sa kaniya habang nakatigil sa paglakad at ilang sandali lang ay sumunod na din ito sa mga kasama.
Nagpatuloy si Andy sa paglakad sa kabundukan. Habang nangunguha ng mga kahoy panggatong ay may kung anong kaluskus ang kaniyang narinig mula sa di kalayuang mga halaman. Hinanda nito ang itak na hawak upang agad magamit kung ito ay mabangis na hayop na pagala gala sa bundok.
“Ayos, kung baboy ramo ito ay makakain na ako sa magdamag.” Sa isip ni Andy.
Ngunit isang babae ang lumabas mula sa halamanang iyon, at tila may kinatatakutang kung anuman malapit sa kinatatayuan nito. Agad naman ibinato ang itak na hawak sa ulo ng ahas na nakasunod sa dalaga.
“Salamat po, nahiwalay po kasi ako sa mga kasama ko. Habang hinahanap ko sila nakita ko po ang ahas na ito kaya dali dali po ako tumakbo.”
“Buti hindi ka natuklaw, halika sasamahan kita sa mga kasama mo.”
“Alam niyo po kung nasaan sila?”
“Oo, madalas naman ako makakita ng mga dayo dito at isa lang naman ang daan nila patungo sa bundok.”
“Salamat po ng marami,”
Sa kanilang paglalakad, isang malakas na kulog ang kanilang narinig mula sa langit at kasunod nito ang malalaking patak ng ulan.
Hinawakan ni Andy ang babae at hinila patungo sa bahay nito.
“Sandali po,”
Hindi na sumagot pa si Andy at ilang sandali lang ay narating nila ang isang kubo.
“Malakas na ang ulan, marahil ay nakababa na ang mga kasama mo. Magpatila ka na muna ng ulan, saka kita ihahatid sa kapatagan.”
Hindi na tumutol pa ang babae pagkat wala naman itong magagawa sa malakas na ulan, isa pa ay hindi niya kabisado ang daan pabalik sa kapatagan.
Pinatuloy siya ni Andy sa loob ng tahanan.
Laking gulat nito ng makita ang laman ng kubong iyon. Napamangha siya sa ganda ng loob ng bahay na iyon. Hindi aakalaing ikaw ay nakatira sa isang bundok.
“Ito ba ang iyong tahanan?” Tanong ng babae.
“Oo, “ Sagot ni Andy na inabutan ng malaking pamunas ang babae, “magpatuyo ka muna ng katawan.”
“Salamat, maari ko bang malaman ang iyong ngalan?”
“Andy,”
“Andy, ako pala si Sarah. Gaano ka na katagal dito sa bundok nakatira?”
“Dito na ako pinanganak at lumaki.”
“Mag-isa ka lang dito?”
“Hindi, kasama ko sila Dada at Nene.”
“Dada at Nene? Sino sila?”
Lumabas mula sa isang silid ang isang aso at isang pusa at patakbo itong lumapit kay Andy.
“Sila sina Dada at Nene.”
“I mean tao, wala ka ng kasamang naninirahan dito bukod sa mga alaga mo?”
“ Wala na, pero wala naman masama kung sila Dada at Nene lang ang kasama ko sa buhay. Masaya ako kahit sila lang ang kasama ko araw araw.”
“Tatay mo at Nanay? Nasaan sila?”
“Labing limang taon ako ng mamatay ang aking Ama, at namatay sa panganganak sa aking kapatid ang aking Ina, ngunit hindi din pinalad mabuhay ang kapatid ko kaya ako na lamang ang nabubuhay sa ngayon.”
“Ikinalulungkot ko,”
“Ayos lang, sanay na akong mamuhay ng mag-isa”
Bigla kumulog ng malakas na ikinabigla ni Sarah ng hindi inaasahang napaakap kay Andy.
“Sorry sorry, m-medyo takot lang ako sa kulog at kidlat,” bahagyang napahiya si Sarah sa nagawa.
“Tila hindi pa titigil ang ulan, mabuti pang magpahinga ka muna dito at gagawa lamang ako ng makakain.”
Habang nasa kusina si Andy ay napaisip si Sarah sa lagay ng mga kasama niya.
“Ulan tumigil ka na,parang awa mo na. Gusto ko ng makabalik sa patag” sambit nito sa sarili.
Nilapitan naman siya nina Dada at Nene at nilambing tulad sa isang Amo.
“Halika, kumain ka muna para mainitan ang iyong tiyan”
Sumunod naman sa hapag si Sarah. Pagpasok nito sa kusina at tunay itong namangha sa ganda at kaayusan nito. Hindi aakalaing nakatira ang lalaking ito sa isang bundok, mukha man itong kubo sa labas ngunit malapasyo ang loob nito, tulad ng kalooban ng bago nitong kaibigan ng siya ay patuluyin nito sa sarili nitong tahanan.
“Tunay ko itong inayos upang kapag dinalaw ako ng aking Ama at Ina ay maipagmamalaki ko na hindi ko pinabayaan ang sarili ko at ang tahanang iniwan nila sa akin.”
“Pwede ba huwag mo akong takutin.”
“Hahaha, paumanhin matatakutin ka pala.”
Lalo pa silang nagkakilala habang ang ulan ay wala pa rin humpay sa pagbuhos.