First Kiss

1027 Words
Di na naituloy ang sasabihin sapagkat biglang nag mulat si Arvin at ang mata’y kukurap-kurap. Buti na lang at naalis agad niya ang daliri sa labi nito, Hindi nakita nito na hinahaplos niya ang labi nito kundi 'di niya alam kung paano ito ipaliliwanag. “Gising ka na pala ang lalim ng tulog mo grabe ka ‘san. Uy siyanga pala umalis si tito at tita 'punta daw sa kabilang bayan may biglaan yata mahalagang pag-uusapan 'di ka nasagot kanina 'nong namamaalam si tita Eve sa’yo” mahabang salita ni Arvin hindi siya nagpahalata na narinig niya ang sinabi ng pinsan niya. Buti na lang bago mag-mulat si Maan ay nagtulog-tulogan si Arvin. Ibig sabihin ba pareho sila ng nararamdaman, ibig sabihin ba may pagtingin din sa akin si pinsan? Hindi baka nagkamali lang ako nang pag intindi, imposible ‘yon dahil pinsan kami isa pa medyo boyish ‘tong pinsan ko kaya pano mangyayari yun? “San…..” di agad napansin ni Arvin na paalis na pala si Maan papunta sa kwarto nito. Sumunod na lang si Arvin na nakaramdam na rin ng lamig sa simoy ng hangin . “Mag-aalas nueve na pala ‘pin, umuwi ka na sa inyo gabi na.” si Maan na nagtungo sa kanyang higaan para kumuha ng kumot at ibalot sa katawan niya at may katal sa labi. Talagang nilamig ba siya sa labas? O kumakatal sa pagiisp na muntikan na siyang mahuli ni Arvin na hawak n'ya ang labi nito.. “Gabi na nga, di bale nagchat na ako kay Mommy na dito ako matutulog kako wala sina tita at may pinutahan” si Arvin na biglang may naisip na kapilyuhan at ang lawak ng ngiti. Lumapit muli sa bintana para saradohan sapagkat patuloy ang pagpasok ng malamig na simoy ng hangin. “Doon ka sa baba matulog sa salas o kaya ay 'don ka kay kuya dadalhan kita ng kumot at unan” wika ni Maan na akmang kukuha na ng gagamitin ng binata sa pag tulog. “Ayaw ko nga gusto ko’y dito sa kwarto mo, dati-rati naman akong nakikitulog dito ah ba’t pinaalis mo ako? Nag pout lips pa ang binata para ipakita may konting tampo siyang nararamdaman. “Dito ka hihiga sa higaan ko?” namumulang wika ni Maan. Huling-huli niya ang pamumula ni Maan, ngayon ay nakakasigurado na siya na tama ang nadinig niya sa mga bibig nito kanina. “Lagi na tayong mag-karatig ‘san di ka pa nasanay higa na inaantok na ako.” Biglang lapit ni Arvin sa higaan ni Maan at hinila ang kumot na nakataklob sa katawan ng dalaga. “Share tayo sa kumot” wika ni Arvin na pilit inaalis sa isipan ang akward na nararamdaman. “Huwag kang magulo matulog ha, tulog na” si Maan na ang puso ay malakas ang t***k. Parang mga tambol na maririnig mo tuwing may fiesta sa bayan.. Tahimik lang sa kwarto ang dalawa parehas nakahiga. Nakatingin sa kisame. Sa kwarto ay may liwanag na nang-gagaling sa buwan. Hindi sanay si Maan matulog na bukas ang ilaw. Isang bagay na pinagpasalamat niya dahil ramdam na ramdam niya na namumula ang pisngi nya, huwag sanang mapansin ni ‘pin usal niya. “Ah ‘san may itatanong ako sa’yo..." hindi na nituloy ni Arvin ang sasabihin sapagkat biglang naglapat ang mga labi nilang dalawa dahil sa biglang pag harap ni Maan. Hindi mawari ni Arvin ang kanyang nararamdaman nang maglapat ang kanilang mga labi. Ang lambot ng labi. Hindi na nagpatumpik-tumpik pa si Arvin at iginalaw niya ang kanyang mga labi at agad na hinawakan ang braso ni Maan dahil naramdaman niyang nabigla din si pinsan niya sa nangyayari at aakmang lalayuan siya. Naramdaman na lamang ni Maan ang pagkibo ng labi ni Arvin kaya't ginaya niya na lamang ang ritmo ng halik na iyon. Hindi niya alam kung paano ang humalik basta ang alam niya magkalapat ang mga labi. At tuluyan na nga silang nadala sa mapupusok na halikang iyon. Kinabukasan Nagising si Maan na may ngiti sa labi. Naalala pa niya ang naganap kagabi ang halikan nila ng pinsan n'ya. Habang tup-tup pa niya ang kanyang mga labi ng kanyang mga kamay ay di maalis-alis ang kilig niyang nararammdaman. Umaga na pala. nang mapatingin si Maan sa kanyang bintana. Napansin niyang wala na sa tabi niya si Arvin. "Mabuti na lang at wala na si pinsan 'di ko alam kung paano ko siya haharapin" nausal na lang ni Maan. Dagli niyang inimpisan ang higaan at inamoy pa niya ang ginamit na unan ni pinsan niya. "uhmmm" habang yakap ang unan. "Makababa na nga baka mabaliw pa ako dito" pababa na sa hagdan si Maan narinig niya na parang may maingay sa kusina. Maan’s pov Nagising ako sa sikat nang araw na dumampi sa aking mga paa. Naku tanghali na pala. Nag-impis na agad ako ng higaan nakasanayan ko nang gawin ito at naalala ko ang nangyari kagabi. Nag-kiss kami ni pinsan agad akong pinamulahan ng mga pisngi naku nakakahiya pag nalaman ‘to ni mama at papa. Pagbaba ko nakita ko si pinsan na nasa harapan ng gas stove. Nagluluto? Napalingon si pinsan sa aking kinatatayuan. May third eye yata si pinsan nakita agad ako? At doon ay sumilay ang ngiti niya na pagka-tamis-tamis. Ako naman ay 'di pa nakakarecover sa pagka-bigla kasi akala ko umuwi na’tong pinsan ko. “Let’s eat ‘san” si Arvin na naglalagay na ng mga plato sa hapag kainan. “B-banyo lang ako ‘pin” mautal-utal kong response. Sabay turo nang aking hintuturo sa deriksyon ng banyo. Habang palapit ako sa banyo ay ‘di ko maiiwasan na madaanan si pinsan dahil nasa bandang kanan niya ang aming banyo. Nakayuko ako habang naglalakad patungo sa banyo. Ayaw kong ipakita kay pinsan na ang mukha ko’y katulad na ng kamatis sa pula. Pero..nahawakan niya ang aking bewang at agad nagtama ang mga labi namin. “Good morning ‘san” pagkatapos niya akong nakawan ng halik sa gulat ko’y nakurot ko si pinsan. “Aray ko naman ‘san” si pinsan na hawak-pispis niya ang kanyang tagiliran sa parteng nakurot ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD