Nakatingin lang si Maan kay Arvin habang namamaalam aktong bababa na sa bintana papunta sa kwarto ni Maan na 'di matuloy-tuloy kasi.
“Ano sasama ka ba sa bahay manonood tayo?” nakatingin din s'ya sa kanyang pinsan.
“Tinatamad ako” aniya Maan.
“Bahala ka d'yan.” Si Arvin tuluyan nang nawala sa panigin ni Maan.
Pagbaba ni Arvin nakita niya si Aling Eva na nageempake ng gamit nila ni Mang Bert.
“O tita saan po punta n’yo ni tito? Tanong niya sa Tita n'ya na nagdudumali sa pag-gagayak ng ilang damit. “Naku utoy buti nand'yan ka, nasaan ba si Maan?” tanong ni Aling Eva.
“Opo pauwi na rin po ako sa amin, nasa bubong po si Maan” si Arvin.
“Nag mamadali nga kami ng tito mo at hahabol kami sa huling biyahe ng bus papunta kami sa kapatid ko at may mahalaga raw kailangang pag-usapan sa pamilya” patuloy sa pag lalagay ng ibang gamit si aling Eva pati medicine ay dala nito.
”Maan, Maan” sigaw ni aling Eva na nakadungaw sa hagdan .
“Ikaw na muna bahala sa kuya mo babalik din kami bukas ng tanghali, bata 'yon 'di nasagot.” Bahagyang nainis si Aling Eva sapagkat wala siyang nakinig na tugon ni Maan mula sa taas. Si Mang Bert naman ay nanonood lang ng tv nasa basketball channel ito na 'di maalis-alis ang tingin sapagkat gusto rin nito ang larong basketball.
“Paalis na ba tayo, dalian mo ang pag-gagayak baka tayo mahuli sa byahe?” si Mang Bert na di inaalis ang mata sa pinanonood niya. Aalis ka ba talaga Mang Bert? O manonood ka na lng ha?
“Tayo na, tapos ka na ba diyan sa pinanonood mo?" si aling Eva na nagsukbit na sa kanyang balikat ng dala. Napadako ang tingin sa kanyang pamangkin na nanonood na rin ng larong basketball.
“Hijo ikaw na bahala magsabi kay Maan ha, nagmamadali na talaga kami. Paki-akyat mo ulit sa taas, kami ay aalis na tayo na Ama mahuhuli na tayo.” Humakbang na si Aling Eva palabas ng bahay. Ganoon naman lagi ang sitwasyon sa mga lakaran diba? Laging aligaga ang ina kapag may mga lakad.
“Opo Tita”
Tumayo na si Mang Bert na nakatinign pa rin sa telebisyon at kinuha ang kanyang sombrero na nakasabit sa sandalan ng bangko na inupuan nito.
“Utoy ikuwento mo na lng sa akin ang nangyari ha.”
“Opo tito. Ingat po kayo sa biyahe”
Naglakad na ang mag-asawa papuntang sakayan at tamang-tama lamang ang dating nila na dalawa na lamang ang kulang sa bus. Agad na nagsampa ang mag-asawa sa huli na sila napapwesto dahil maraming pasahero ang bus.Nang makaupo ang mag-asawa.
“Ama napapansin mo ba na malapit sa isa’t-isa si Maan at Arvin? Sa mukha ni Aling Eva ay may pag alala.
“Hayaan mo na Mahal magpinsan sila kaya bakit hindi sila magiging malapit?” sagot ni Mang Bert na ang mata ay nagmuni-muni na sa paligid.
“Alam mo ang ibig kong sabihin Ama “ si Aling Eva na tinapik sa braso ang asawa para kunin ang atensiyon nito at halatang ‘di pinapansin ang kanyang pag-aalala.
“Ano bang iniisip mo d’yan wala naman nakakaalam”. Naghalukipkip na lamang si Mang Bert ng kanyang braso at naghikab at may pungay sa mata inaantok na. Wala nang iba pang sinabi pa si Aling Eva . Para sa kanya may hindi siya mawari sa nakikitang pagiging malapit ng dalawa. Oo at alam naman niya na talagang sanggang-dikit ang dalawa pero iba pa rin ang kanyang nararamdaman.
Natapos na ang pinapanood ni Arvin may ngiti ito sapagkat ang gustong koponan nya ang nagwagi. Tila nalimutan na niya na umuwi sa kanilang tahanan. Kinuha ang remote ng tv at inioff ito. Umakyat si Arvin muli sa kuwarto ni Maan. Hindi nito nakitang nakahiga ang dalaga sa higaan nito.
“Nasaan ba ‘yon di ko naman nakitang bumaba, siguro nasa labas pa rin ng bintana. Maserino na lalamigin na si pinsan sa labas” usal ni Arvin. Pinuntahan ni Arvin si Maan sa labas ng bintana nito. Nakita nga niya na mahimbing ang tulog nito nakaunan ang ulo sa sariling braso.
“’San malamig na pasok na sa kwarto mo.” Imik ni Arvin pero di naman nasagot si Maan. Nilapitan ni Arvin para yugyugin ang pinsan n'ya pero nang hahawakan na niya ito ay 'di niya naituloy sapagkat napatingin siya sa mapupulang labi ng pinsan niya. May kung anong pumigil sa kanya na huwag gisingin si Maan at ang mga mata niya’y gusto-gusto ang nakikita. Bakit ganito ang nararamdaman ko tanong ng binata sa kanyang sarili. Maaalalang ilang beses nang natitigilan ang binata kapag nagkakaroon siya ng mga ganitong pagkakataon ang matitigan ang mukha ng kanyang pinsan ng 'di nito alam. Alam ni Arvin sa sarili niya na matagal na niyang gusto ang pinsan niya. Pilit niyang ini-wawaksi ang nararamdaman sapagkat pinsan niya ang dalaga. Siguro’y nagagandahan lang ako wika pa niya sa sarili.
Naalimpungatan na si Maan at nang dumilat ang mata niya ay nakaramdam siya ng ginaw sa katawan bigla na lamang sumimoy ang hangin. Napatingin siya sa bandang kaliwa niya Nakita niya ang pinsan niya na karatig niya . Nakapikit ito .
“Ano ba natutulog ba ito? Bakit dito pa ito natulog akala ko umalis na siya” naiisip ni Maan hindi niya malaman ang gagawin kung gigisingin ba n'ya o hindi ang pinsan niya. Kumilos si Arvin paharap kay Maan at dumantay ang kaliwang braso nito malpit sa may tiyan ni Maan. Hindi nakakibo ang dalaga ayaw pa rin niyang gisingin ang binata, gusto niya ang nangyayari. Gusto niya na pagmasdan lang ang mukha ng pinsan niya. Ewan ba bakit may konting kiliti siyang nararamdaman para sa pinsan niya. Hinawakan ni Maan ang kaunting bangs ng binata na natatakpan ang noo at hinawi patungo sa kabilang side ng mukha nito.
“Kung 'di lang kita pinsan Arvin sa mga oras na ito hahalikan ko 'yang labi mo.” At sinunod hawakan ni Maan ang labi ng binata gamit ang kanyang hinlalaking daliri at hinimas ito. “Kung di lang kita pinsan ….”