Adler
Nagising ako kinaumagahan tinignan ko kung anong oras na sa cellphone ko 5am palang ng umaga. Nakalimutan ko pang kumain nung gabi dahil sa wala naman akong gana at hindi naman ako nagugutom.
Tumayo ako mula sa pagkakahiga at tumingin sa may salamin. Tinignan ko ang mukha ko at halatang hagard na hagard na ako. Inayos ko ang damit ko at lumabas na ako sa kwarto para maligo. Nadatnan kong tahimik na kaupo si mama sa may lamesa sa kusina habang nag kakape.
" Good morning, ma..." bati ko nang nakangiti.
Nginitian rin niya ako pabalik. " Good morning... hindi ka kumain nung gabi?"
Lumapit ako sa lamesa at umupo sa tabi niya. "Wala po akong gana kumain nung gabi..."
" Sorry Anak kung nasigawan kita nung gabi..."
" Wala yun, ma " sagot ko at tinignan siya.
" Pasensya kana anak... " Nagulat ako ng bigla niyang hawakan ang kamay ko at umiyak siya. Sa buong buhay ko na nakasama ko siya bilang Ina ko, ngayon lang niya ginawa ito saakin.
" Bakit ka umiiyak Mama?" Tanong ko. At unti unti narin akong naiyak.
Ang hirap na araw araw na alang kaming iiyak. Ang hirap na ganito ang tatahakin namin araw araw 'ang umiyak'.
" Ang sakit, at hirap tanggapin na ganon ang kalagayan ng papa mo ngayon sa Ibang bansa, hindi ako halos makatulog at halos mabaliw na ako kakaisip sakanya, kung maayos na ba ang kalagayan niya, may nag aalaga ba sakanya, may kinakain ba siya, minamaltrato ba siya ng mabuti– "
" Ma, wag mo masyado isip yung mga ganong bagay ma iistress ka lang. Alam ko po mahirap at masakit Tanggapin na ganon ang sinapit ni papa sa Ibang bansa pero kailangan nating maging matatag–"
" Sinusubukan ko naman maging matatag, pero parang ang hina hina ako anak... "
" Walang akong ibang nasa isip ko kundi ang isipin ang kalagayan ng papa mo doon, Kasi mahal na mahal ko ang papa mo, Andey... " Niyakap ko na siya dahil unti unti ng lumalakas ang iyak niya. Parang unti unti nanaman akong nanghina dahil nakikita ko nanamang umiiyak ang mama ko.
Oo, masakit at mahirap pero anong magagawa natin part ito ng buhay natin ang may mga problemang darating, problemang hindi natin inaasahan.
There are three types of people in this world: those who make things happen, those who watch things happen and those who wonder what happened.
Ang mga taong walang problema ay hindi talaga nabubuhay. Ang lahat ay nakakakuha ng mga problema at dapat ipaglaban ito.
" Gusto ko ng umuwi ang papa mo dito... miss na miss kona siya..."
Life won't get any easier so you will just have to get stronger, True strength is discovered when everything is falling apart but you have the strength inside you to keep it all together.
Lumabas ako ng bahay dahil narinig kong may tumatawag saakin, tinignan ko kung sino iyon si Luna pala, naalala ko bigla pupunta pala akong trabaho ngayon.
Tapos narin ako kumain at naligo kanina kaya agad na akong lumabas pero bago pa ako tuluyang lumabas naalala ko bigla na hindi ko pa pala iyo nasasabi sa mama ko kaya nag tungo ako sa kwarto niya at nadatnan ko siya roon nag lilinis, tinatanggal niya ang mga papel at mga bondpaper sa lamesa.
" Ma..." Tawag ko at agad naman niya akong binalingan.
" Oh, bakit?... Aalis ka? "
Tumango ako. " Opo mag tatrabaho po muna ako habang wala pang klase " sabi ko at tumango tango naman siya.
" At saan ka naman mag tatrabaho?"
"Sa may restaurant po sa pinag tatrabahuhan ni Luna..."
Tumango tango siya ulit. " Bilang?"
" Bilang waiter po, ma "
" Mag Ingat ka, ha. Kumain kana ba?"
" Tapos na po... Sige ma, alis na ako " sabi ko at agad na akong lumabas.
Binuksan ko ang pintuan para makalabas na ako at nakita kong nag nakatayo si Luna sa may gate namin sa labas nakasuot siya ng black pants at gray crop top t-shirt at may nakasabit sa kanang baliktad niya na sling bag.
Ang porma naman niyang pumasok sa trabaho samantalang ako ito simple lang.
" Ang tagal mo naman..." Ani niya at inayos pa ang buhok niya.
" Sorry... bakit kanina ka paba dito?"
" Di naman sakto lang..." sabi niya habang may kinukuhan sa sling bag niya...
"Anong oras naba?..." Tanong ko saka tinignan ang relo ko.
Sa totoo lang kahit naliligo ako hindi ko na tinatanggal ang relo ko sakamay dahil waterproof naman ito.
" Ang aga pa pala..." sabi ko at tinignan ko ulit siyang abala parin sa kung anong hinahanap niya sa bag niya.
"Anong hinahanap mo?..."
" Nakalimutan ko yung lipstick ko!...may lipstick ka jan?" Kunot noo ko siyang tinignan.
" Wala akong lipstick kasi hindi ako gumagamit non... Tsaka bakit ka pa mag lilipstick?" Natatawa kong tanong. Na ngayon ay nag lalagay na siya ng kung ano sa mukha niya.
" Kung ikaw hindi mo na kailangan mag paganda, pwes ako kailangan ko may boyfriend kaya ako... kaya dapat always blooming para hindi ipagpalit. Ganon! " sigaw niya saakin sa huli.
Gusto kong matawa sa sinabi ng babaeng ito pero umiling na lang ako.
" Pwes buhay mo naman yan...ang saakin lang kung mahal ka talaga ng boyfriend mo... kahit hindi ka mag paganda kung mahal ka talaga niya hindi ka niya magagawang ipagpalit " seryoso kong sabi sakanya kung bakit tinignan niya ako ng masama.
Mabait naman itong si Luna katulad rin ni Camille madaldal pero ang pinag kaiba lang nila mayaman si Camille at mahirap lang si Luna tulad ko... Hindi rin siya nag patuloy mag aral ng high school dahil daw sa kahirap kaya pinili na lang niyang mag trabaho.
Pero ang opinion ko naman kung ako itong si Luna mas pipiliin kong mag aral, kahit na sabihin ng mga magulang kong huminto na lang ako sa pag aaral dahil sa hirap ng buhay... hindi ko sila susundin... dahil sabi nga nila " Kung gusto maraming paraan at kung ayaw maraming dahilan "
" Alam mo Andey sa panahon ngayon itsura na ang basehan ng mga lalake... Kung maganda ka mas magugustuhan ka nila " pangatwiran niya.
" Mas magugustuhan ka nga, pero mas mamahalin kaba niya?" halos pabulong kong sabi dahil baka magalit siya sa opinion ko.
" Shunga... Kung mas magugustuhan niya ako ibig sabihin mas mamahalin niya ako " sabi niya. Akala ko hindi niya narinig yung sinabi ko... Lakas ng pandinig.
" Beauty is simply reality seen with the eyes of love." Seryoso kong sabi sakanya.
" Oo na... ikaw na itong maganda, Andey, na kahit hindi kana mag ayos mag lagay ng kung ano ano jan sa mukha mo... maganda kana. Ang saakin lang naman aferance na yung tinignan ng mga tao ngayon..." ani niya habang nag susuklay ng buhok niya.
" appearance..." sabi ko kung bakit tinignan niya ako ulit.
" Aferance or appearance... Pareho lang yon. mamaya na nga tayo mag usap... ayan na yung tricycle..." Sabi niya sabay para nung tricycle na sinabi niya.
Sometimes, the best thing you can do for the people you love is to respect their important decisions in life.
Ang para saakin lang Love is the primary and most significant spiritual need of a person.
Sumakay ako sa side at si Luna sa loob puno na kasi sa loob at hindi na ako kasya doon kaya dito nalang ako sa side sumakay kasama yung isang lalaki na siguro kasing edad ko lang, bali tatlo kami dito sa side, Ako, itong lalaki at ang driver.
" Hindi po diyan na po kayo sa gitna, ako na po dito sa dulo..." sabi ko dahil umusog siya sa dulo at nag laan ng espasyo sa gitna para doon ako maupo.
" Hindi po... Dito na lang ako sa dulo " sabi ko. Nag katinginan kaming dalawa saka siya tumango at umusog. Kaya umupo na ako dulo ng motor.
Nilagay ko sa may kandungan ko iyong medyo maliit kong shoulder bag nakung saan nandoon iyong cellphone ko, isang T-shirt, payong at wallet. Isang daan lang ang dinala kong pera.
Habang nasa daan kami nahagip ng paningin ko sa likod iyong mukhang pamilyar na kotse na kulay gray na sinusunod saamin. Naalala ko bigla iyong kotse ni Anthony kasi ganyan na ganyan yung kotse niya noon e... Kung hindi kulay gray ay kulay black. Tinignan ko ng mabuti iyong kotse hindi ko kita kung sino ang nasa loob.
" Saan ang punta mo?" Binalingan ko iyong lalaki na katabi ko dahil sa bigla niyang pagsalita. Tinignan ko siya at nakatingin rin pala siya saakin.
" Sa restaurant..." Simple kong sagot at tumango namn siya.
" Saang restaurant? dahil sa restaurant din ang pupuntahan ko " ani niya ulit na ngayon ay hindi na siya nakatingin saakin dahil biglang tumunog ang cellphone niya.
" H-umm ewan ko kung saan na restaurant..." Sabi ko at tinignan niya ako ulit ng kunot noo.
" Hindi mo alam?"
" Hindi... I mean, pupunta kaming restaurant ng kasama ko dahil doon kami mag tatrabaho, siya yung nakakaalam kung saan na restaurant yung pag tatrabahuhan namin dahil hindi ko alam kung saan..."
" Bakit hindi mo alam? Is this your first day at work?" tanong niya
" Hmm, yup." sagot ko at tumango ulit siya.
" Kuya sa may Sullivan resturant po..." aniya sa drive at agad naman niliko ng drive ang sasakyan. Siguro dito papunta yung Sullivan Restaurant na sinabi niya sa drive.
Wala pang ilang minuto hininto na ng driver tricycle sa tapat ng restaurant. Siguro ito yun yung Sullivan Restaurant, medyo maliit lang pero parang moderno ang itsura ng restaurant na ito.
" Thank you po, ito po bayad ko keep the change na lang po." Narinig kong sabi niya dahil ang tingin ko ay nasa itsura ng restaurant na ito, tinignan ko kasi ang buong itsura nito at gawa ito sa bato at parang bago ito sa paningin ko.
" Uyyy, Andey... baba kana Jan andito na pala tayo." Sabi ni Camille na siyang kinagulat ko.
Dito? Tinignan ko yung lalaki kanina kung saan siya nakatayo pero wala na siya roon? Tinignan ko naman si Camille na inabot na Ang pamasahe sa driver, kaya kumuha narin ako ng pera sa wallet ko pamasahe.
" Ito yung restaurant na sinasabi mo?" Tanong ko sakanya
"Oo, dito nga bakit?"
Umiling ako at inayos ang buhok ko medyo nagulo kong buhok. " Wala."
" Let's go." ani niya at pinauna ko siyang mag lakad.
Siya na yung nag bukas ng pintuan sa entrance at sumunod na ako sakanya. Medyo maliit lang ang restaurant na ito pero parang moderno tignan.
" Good morning ma'am!" Bati ni Luna sa babaeng nag la-laptop. Binalingan naman niya kami at nginitian.
" Good morning..." Aniya at sinarado ang laptop saka tumingin saakin ng nakangisi kaya nginitian ko rin siya pabalik. Hindi naman ako yung tipong babae na napakamahiyain.
Natuto na rin kasi akong maging confident sa sarili sa school kaya nasanay na ako na medyo hindi mahiyain.
" Good morning po, ma'am." Sabi ko
" Siya ba yung sinasabi mo saakin na kukunin mo bilang waiter?" Tanong Niya kay Luna
" Opo ma'am... diba po sabi niyo kailangan ng bagong waiter dahil kailangan?" Natataranta na sabi ni Luna.
Totoo bang nag hahanap sila ng waiter or hindi? kasi mukhang hindi e... mukhang hindi na kailangan, kasi mukhang may nahanap nasila.
" Yes, kailangan nga namin ng bagong waiter. What's your name ija?" Tanong niya saakin at nginitian pa ako, mukhang mabait naman.
" I'm Andey Zacharielle po." Simple kong pakilala
Tumango tango siya. "Ilang taon kana ija?"
" 17 po ma'am" sagot ko at tumango tango ulit siya.
" Nag aaral?" Tanong ulit niya.
Tinignan ko si Luna na ngayon ay pinisil pisil ang mga daliri niya sa kamay.
" Opo...mag fi-first year college na po ako ngayong pasukan." Sabi ko at nginitian siya.
" Ah, yung anak ko naman 2nd year college na ngayong darating na pasukan. " Aniya
" Ganon po ba... " iyon na lang ang tanging nasabi ko at ngumiti.
" Da-daretsohin na kita hija, ha. Hindi ganon ka laki ang sahod dito... nasabi naba saiyo ni Luna?" Aniya
" Opo... Nasabi na nga po niya saakin, gusto ko lang po kasi muna mag trabaho habang wala pa po kaming klase, para po makapag ipon ako kahit konti, sayang naman po kung tatanggihan ko ang alok ni Luna na mag trabaho dito... "
" Salamat naman kung ganon ija, na nagka interest ka parin na pumasok bilang waiter dito kahit hindi ganon kalaki ang sahod. " Aniya at ngumiti.
" Ayos lang po ma'am. " Sabi ko
" Nga pala, tawagin mo mga si Adler sa labas, Luna. Kung tapos na siyang tumawag..." Utos niya kay Luna na agad naman ginawa ni Luna.
Ang ganda naman ng name na iyon... Adler...
" Ma'am, mamaya daw kasi may katawag pa siya... Umuwi na po pala siya ma'am? Kailan pa po ma'am? " Gulat niyang tanong... Sino ba iyon?
" Nung isang araw pa. " Sagot niya na nasa laptop na ulit ngayon ang tingin niya.
" Bakit po hindi ko nakita yung sasakyan niya sa labas ma'am?" Tanong ulit ni Luna kay ma'am... Lily
" Nasiraan kasi siya... Kaya nag tricycle na lang siya, halos mag kasabay lang kayo pumasok dito... "
Parang may bigla akong naalala, hinanap ko yung kanina na lalaking pumasok dito na dito ang punta niya, pero wala siya... Hindi kaya... Hindi kaya iyon yung Adler?