chapter 12

895 Words
Reality Namasukan ako bilang isang waiter sa isang restaurant kahit na maliit lang ang sweldo. Kailangan ko kasing mag ipon para sa pag college ko. Dahil masyadong mababa ang sweldo ko kinailangan ko pang mag hanap ulit ng isa pang pag kakakitaan. Kaya waiter sa umaga 8am to 5 pm tapos tindera naman sa gabi sa may gotohan. Namasukan narin ako bilang janitor sa may mall tatlong beses lang naman daw kung mag lilinis ako doon. Sa totoo lang nakakapagod imbes na mag advance study sana ako ay wala na akong oras dahil sa pag tatrabaho, kailangan ko talaga kasing mag ipon dahil sabi nila magastos daw ang architect na course dahil marami ka daw bibilhin na mga gamit at mahal daw ang tuition. Syempre kailan kong mag tiis kahit na mahirap, ito yung gusto ko e, iyon ang gusto ang maging isang architect Kahit na mahirap at magastos titiisin ko makapagtapos lang ako at maging proud lang sa akin ang mga magulang ko. We live in the kind of society where, in almost all cases, hard work is rewarded " Andey gusto mong mamasukan bilang isang waiter sa isang restaurant? Kailangan pa kasi namin ng isa pang waiter...ikaw baka gusto mo?" Tanong nung classmates ko nung elementary na si Luna. " Oo naman... Kailan ako mag sisimula?" Maligaya kong sabi. " Mukhang kailangan na kailangan mo ng trabaho, ah..." " Kailangan e" The only way to predict the future is to have power to shape the future. " Okay...sa lunes na lang tayo mag sisimula. Linggo ngayon diba..." " Oo... Pero Luna magkano naman ang sahod?" Tanong ko " Mababa Kasi mag pa sweldo yung si Ma'am lily... Tulad ko matagal na ako dun hindi parin tumataas ang sahod ko... " " Bakit magkano ba ang sahod mo? " Tanong ko " 150 lang, ewan ko ba kung bakit hindi parin tinataas ni ma'am ang sahod ko tutal matagal naman na ako sa restaurant niya kahit lang gawin niyang 200... " " 150? Masyado namang mababa... ilan ba kayo na nag tatrabaho doon? " " Tatlo lang kami doon 1 dishwasher 1 waiter tapos ako yung janitor walang kinuhang cook kasi si ma'am na ang nag luluto, kung payag ka namn edi magiging apat na tayo. " " Sabay kailangan ko rin ng trabaho para makapag ipon... " Kahit na mababa ang sahod okay lang kase naman tumunganga ako dito. " Nga pala, Andey. Ano yung nag yari kay papa mo sa Ibang bansa? " "Na stroke... " Simple kong sagot dahil ayaw kong pagusapan iyon. " Kawawa naman si Papa mo, bakit hindi niyo siya pauwiin?... kawawa naman siya doon " " Kahit anong gusto naming pauwiin siya ayaw naman niyang umuwi... lagi niyang sinabi na nagiging okay naman daw siya..." You were given this life because you are strong enough to live it. Mahirap maging mahirap, and yes alam natin iyan. Pero sinusubukan lang tayo kung kakayanin ba natin ang mga pagsubok na iyon. Kaya kailangan nating kayanin kahit mahirap. Umuwi ako ng bahay at nadatnan kong umiiyak ang mama ko, natigilan ako dahil bahagyang nanghina nanaman ang boong katawan ko. Nung nakita niya ako pinunasan niya ang mga luha niya at pasimple siyang tumayo at inayos ang mga papel nanasa lamesa. Makita siyang umiiyak napakasakit para akong sinasaksak ng ilang beses, kahit na medyo hindi kami ganon ka close ng mama ko, kahit napaka strikto niya saakin, kahit na minsan parang feeling ko kinakainis niya ako mahal ko parin siya dahil siya yung Nanay ko. Dahan dahan akong naglakad para lumapit sakanya at mas lalo lang siyang naiyak. Alam ko kung bakit siya umiiyak dahil iniisip niya ang kalagayan ng papa ko doon sa Ibang bansa na nahihirapan, ganon rin ako nasasaktan ako kapag iniimagine ko ang kalagayan ng ama ko roon na nahihirapan. Pero sabi nga nila " No trials is insurmountable" kaya malalampasan at makakaya rin namin ito. " Ma..." " Pumasok kana sa kwarto mo Andey " mariin niyang sabi. " Alam kong masakit sayo ma, na malamang natanggal sa trabaho si papa kasi na stroke siya, ganon rin saakin- " " Andey pwede bang sundin mo na lang ang utos kahit ngayon lang... Pumasok kana sa kwarto mo! " Napapikit pa ako dahil sa galit niyang sigaw saakin. Lagi ko namang sinusunod ang gusto mo mama e, kahit na feeling ko hindi parin iyon sapat para ipagmalaki mo ako. " I'm sorry..." sabi ko at pasimple na akong tumalikod para pumunta sa kwarto ko. Pumasok ako sa madiim kong kwarto dahil gabi na pala, hindi ko inopen ang light at daretso nalang akong humiga sa kama ko tinakpan ko ng unan ang mukha ko at doon na ako umiyak. Your mind is a powerful thing. When you fill it with positive thoughts, your life will start to change. kaya think positive lang Andey. Saakin kasi noong bata pa ako parang walang problema, parang tulad ng isang totoong princess 'senorita lang' lahat ng gusto naibihigay. Parang gusto tuloy bumalik na lang ako sa dating ako nung Bata pa na walang ibang nasa isip kundi ang maging isang prinsesa, prinsesang nakatira sa malaking palasyo nakasuot ng damit pang prinsesa. Ganon kasi ako nung Bata yun yung gusto ko pero habang lumalaki ako nagiging matured natin ang pagiisip ko that this is the real life. The reality of my life.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD