Chapter 7
Miracle
Friday morning our last ratine this week. 2 weeks na lang ay graduation na namin sa grade 10 at mag road to grade 11 na. At sila Camille ay mag road to grade 12 na sila ni Ice at Anthony. What bakit ko siya sinasama sa usapan sa isip ko? Tss.
My father is OFW in almost 20 years ang my mother is teacher. Mas matanda si papa kay mama ng almost 5 years.
I'm there only child, I don't know kung bakit hindi na ako nasundan. Being only daughter is hard and of course boring. Siguro hindi na ako nasundan kase they busy at lalong malayo ang ama ko saamin.
One's in a 3 year's lang kung umuwi ang ama ko minsan 2 or 3 week lang namin siya nakakasama tapos balik na ulit, hindi ko maikakaila na hindi ko siya na mimiss, I miss him so much, siguro sa buong buhay ko...mabibilang kopa kung ilang araw ko lang siya nakasama.
Sa totoo lang gusto ko magkaroon ng kapatid, why? Kase we're not saying na walang problema ang darating sa buhay natin, Kailangan natin ng karamay or kakampi na walang iba kundi ang iyong kapatid. Kaso hindi ako nabigyan ng mga magulang ko.
I study very, very hard. Kase gusto kong umuwi na papa ko at tumigil na sa pangingibangbansa, gusto kong magpahinga naman siya at bawiin ang mga taong hindi namin siya nakasama.
2 week na ang nakalipas mula sa nagyari saamin ni Anthony pero hindi parin mawala sa isip ko lagi siyang nag yayayang mag lunch pero lagi ko rin siyang tinatanggihan kasi naguguilty ako .coz I hate him. Pero ang kulit niya parin at punta ng punta sa classroom namin, nabubwisit na nga ako minsan.
Lumabas ako sa kwarto ko para hanapin si mama, hindi naman ganon ka laki ang bahay namin para hindi ko agad siya nahanap.
Hindi kasi namin naipaayos ang bahay namin dahil sa pag aaral ko lalo na dahil mahal ang buwanan na bayad sa paaralan na pinag aaralan ko at nag iipon rin sila pang college ko
"Ma..." Tinawag ko siya kahit may kausap siya sa telepono. Nakatalikod siya saakin habang may kinakausap.
"Andey..." Basag ang boses niyang tinawag ako at ng humarap siya saakin ay napansin kong umiiyak siya.
Bahagyang kirot sa puso ko na hindi ko alam. Ito ang unang beses na nakita ko siyang umiyak.
"Ma, bakit ka umiiyak?" nilapitan ko siya dahil iniabot niya saakin ang telepono.
Hindi parin natanggal ang kirot sa puso ko. Kinakabahan ako kung ano ang nagyayari, kung bakit ibinigay saakin ni mama ang telepono at mas lalo siyang umiyak.
Tinaggap ko ang telepono at dahan dahan ko itong inilapit sa tenga ko para marinig ko kung ano iyon.
Sa unag dinig ko ay walang nag sasalita kaya ako na ang unag nag salita " h-hello?" Hindi ko mapigilang hindi kabahan dahil sa galawan ni mama.
Tinitigan ko siya pero nag iwas siya ng tingin saakin at pinunasan ang mga luha niya. What's wrong?
" Hello, ito po ang anak ni sir Bernard Zacharielle?" Boses ng lalaki ang nasa linya. Hindi parin humuhupa ang kaba ko.
Hinawakan ko ng mabuti ang telepono para pigilin ang emosyon ko. Sana walang bad news.
" Opo, a-ako nga..." kinakabahan ako sa sunod na sasabhin niya. Ilang minuto na hindi siya nag salita at narinig ko ang malalim niyang buntong hininga.
" Gusto ko lang ipaalam na...na 2 linggo na siyang hindi makakapag trabaho dahil sa masamang pakiramdam niya..." ani ng lalaki pakiramdam ko halos ayaw pa niya itong sabihin.
" p-po?... Ano po ang ibig niyong sabihin?" May bahid na ng pag aalala ang boses ko. Masamang pakiramdam? Dalawang linggo na hindi nakapagtrabaho?
" Dalawang linggo na siyang hindi pumapasok dahil sabi niya saamin ay masama daw ang pakiramdam niya, napansin rin namin iyon dahil 3 araw pa siyang pumasok sa trabaho bago niya sinabi saamin na masama na talaga ang pakiramdam niya, noong una pansin na namin dahil naghihina siya at parang medyo nahihirapang huminga."
"Po? asan po siya ngayon?at kamusta po siya?" pinigilan kong huwag humikbi at pigilan ang emosyon ko.
" Nasa room niya nakahiga, pero sabi niya medyo bumubuti naman na daw ang pakiramdam niya kaya hindi niyo na kailangang mag alala, aalagaan naman namin siya. Ipinaalam lang namin ito sainyo para hindi kayo mag alala kung bakit hindi siya tumatawag" ani niya. Thanks God dahil may mga taong mag aalaga sakanya doon. Pero parang mas nag aalala ako.
" Salamat po. Pakisa po sa ama mo na mag pagaling siya." sabi ko at pumikit ako at bahagya ng tumulo ang luha ko.
" Makakaasa ka iha." Iyon ang huli niyang sinabi at agad ng pinutol ang tawag.
Ang hirap naman ng buhay ng ama ko doon. Kailangan pa talaga niyang umalis para kumita ng mas malaki, para maibigay at matustusan ang pangangailangan ko.
" Andey, Maligo kana at may pasok kapa." ani mama at agad umalis. Sinundan ko siya ng tingin at kahit nakatalikod siya saakin ay napansin kong pinunasan niya ang pisngi niya.
Sumunod ko ang sinabi niya at pagkarating ko sa paaralan namin wala parin akong Ibang iniisip kundi ang nag yari kanina. May Ilang bumabati saakin na 'good morning' pero tumatango na lang ako dahil hindi ko magawang batiin sila pabalik.
Lutang akong nag lakad papunta sa room namin dahil lumulipad ang isipan ko sa nagyari sa ama ko.
" Hey..." Nag angat ako ng tingin sa may pintuan ng room namin at nakita ko ang masayang mukha ni Anthony kasama ang mga kaibigan niya. Buti pa ito laging masaya, mayaman nga naman wala ng kailangang problemahin. Agad akong nag iwas ng tingin sa kanila at dadaretso nasa ako papasok sa loob ng room namin ng bigla niyang hinawakan ang siko ko.
" Pwede kahit ngayon man lang tigilan niyo ako." Walang gana kong sabi at agad hinila ang siko ko para bitawan niya ito, ginawa niya naman.
Pagkaupo ko sa upuan ko ay agad kong ay wala akong Ibang ginawa kundi titigan ang white board sa harap.
Paano kung nag sisinungaling si papa na medyo maayos na siya para hindi kami mag alala. Paano kung hindi parin magiging maayos ang pakiramdam niya?. Paano kung sinusubukan parin niyang magtrabaho kahit masama pa ang pakiramdam niya para lang may maipadala saamin?
Oh! Poor Andey magiging okay siya. Avoid negative thinking... Please...
Dumating ang teacher namin pero lutang parin ako hanggang sa tanghali ng lumabas na kami para mag lunch. Halos walang pumasok sa isip ko sa lahat tungkol sa topic namin kanina dahil lutang na lutang ako.
"Hi Andey!..." narinig ko ang boses ni Camille at nakita kong may dala dala siyang mga pagkain.
" Oh ano nanamang problema mo? It's about Anthony again?" ani niya at nilapag lahat ng pagkain sa lamesa ko. Tinitigan ko lang ito kahit na sabik na akong kumain dahil sa dami ng pagkaing dala niya.
" Uyy..." Pansin ata niyang hindi ako umiimik dahil hindi ako nag sasalita at tumutingin sa kanya.
" Hmm?" iyon na lang ang naging sagot ko at hindi parin mawala ang titig ko.
" Lutang ka ata,girl?..." ani niya at tumawa.
Buti pa ang isang toh, hayahay lang ang buhay. Buhay mayaman nga naman talaga parang walang problema, kung may poproblamahin pa iyon ay about sa love life niya.
" Hindi naman." sabi ko at tinignan ko na siya pero hindi parin nagbabago ang expression ko.
" Inaway mo nanaman ba si Anthony, kung bakit siya nag pamigay nito saakin." Nagulat ako sa sinabi niya, ano kay Anthony galing itong lahat?.
Tss. Yung lalaking yun talaga.
" Ganun ba" wala talaga akong gana makipag usap
" Sabi ibigay ko daw itong mga pagkain sayo, tatanungin ko sana kung bakit hindi siya ang mag bigay nitong mga pagkain sayo pero agad silang umalis. Medyo... badtrip ata" ani niya
Thank you nalang sakanya dahil dito makakatipid ako. Kailangan kong mag ipon.
150 ang binibigay ni mama na baon yung 50 pang kain ko, hindi naman ako palagi nag co-commute minsan kasi kapag wala ng ginagawa si Manong Ando ay sinusundo niya ako.
Pagkatapos namin kumakain sa bigay ni Anthony na pagkain ay nag simula nanaman ang klase namin sa tanghali hanggang sa natapos nanaman at hapon na.
Ito ang pinakamalungkot na araw ko sa buong buhay ko, dahil ito ang pinaka kinatatakutan ko sa lahat ang may balitang hindi maganda tungkol sa pamilya ko. Para sa iba normal lang ito kaya pipilitin kong maging normal din ito saakin.
Sinundo ako ni Manong Ando sa school at agad na kaming umuwi. Si Manong Ando ay pa extra extra lang sa bahay namin hindi siya stay in sa bahay 3 beses lang siya kung pumunta dito para may katulong naman kami sa bahay sa mga mabibigat na trabaho.
Nadatnan ko si mama na nag kukwenta ng pera sa lamesa sa may sala namin. Halatang parang may malalim siyang iniisip dahil hinihilot niya ang tungki ng ilong habang nakapikit. Nakita ko rin kasi ang mga pera sa lamesa ewan ko kung ano ang ginagawa niya.
"Ma..." Tawag ko at dumaretso na sa kanya. Dumilat siya at tinuro ang upuan, agad namn akong umupo.
" Mabuti at nandito kana, may mga pag uusapan lang tayo..." Ani niya at inaayos ang mga pera na nasa lamesa.
"Ano po iyon ma..." sabi ko at tinitigan siya napansin kong pumupula ang gilid ng mata niya.
" Kailangan nating magtipid" ani niya at tinitigan na ako. Eto nga nasa isip ko kanina na kailangan kong mag tipid.
" Opo wala pong problema saakin iyon" sabi ko
" Gusto ko sanang lumipat ka muna ng paaralan dahil masyadong mahal ang buwanang bayaran sa paaralang iyon, dahil alam mo namang masama ang lagay ng papa mo, hindi pa natin alam kung hanggang kailan siya gagaling kaya mas mabuti na mag tipid tayo. Okay lang ba iyon sayo?" Ani mama
Tumango ako dahil wala namang problema saakin doon " Oo naman po"
" Mabuti. Gusto kong kausapin mo ang papa mo tungkol dito para makapag paalam ka." ani niya at kinuha ang cellphone niya para tawagan si papa.
Nag ring ng tatlong beses at agad din niyang sinagot ang tawag ni mama.
" Hello! " Ani papa na mukhang masaya, napangiti ako dahil hindi ko iyon inaasahan na ganon ang ibubungad niya saakin.
Ni loud speaker ko ang para marinig din ni mama ang pag uusapan namin.
"Hello pa!, kamusta ka? Okay ka lang po ba jan?" sabi ko
" Okay lang ako dito anak, medyo sumama lang ang pakiramdam ko, pero okay naman na ako"
" Pa, sabihin mo ang totoo okay ka lang po ba jan?..." Hindi ko na mapigilan ang mga luha sa gilid ng mga mata ko kaya kusa na itong tumulo.
Agad kong pinunasan ang mga luha ko at pinigilang hindi humikbi. Tears of joy lang.
"Oo naman anak okay, na okay ako dito, napagod lang ako noon dahil walang tigil ang trabaho namin siguro kulang lang ako sa pahinga noon kaya iyon sumama ang pakiramdam ko. Pero okay na ako ngayon anak at papasok na nga ako sa trabaho bukas dahil okay naman na ako sa awa ng diyos, kayo mag iingat kayo diyan." ani papa na mukhang malakas na nga talaga.
" Opo, pa... may gusto sana akong sabihin" sabi ko
" Sige anak, ano iyon? "
" Lilipat sana po ako ng paaralan dahil alam naman po nating mahal ang binabayad sa paaralang pinapasukan ko, para po makatipid-" agad niyang pinutol ang sasabihin ko
"No. Hindi ka mag ta-transfer Anak, alam kong ayaw mo pero pinipilit mo lang dahil gusto mong makatipid tayo. You deserve that school anak dahil matalino ka at kayang kaya kong tustusan ang pag aaral mo sa paaralang iyon. " May diin ang pag kakasabi niya. Nag katinginan kami ni mama at ngumiti lang siya saakin maya nginitian ko rin siya pabalik.
"Pero pa..."
" Please anak, iisa kang anak namin ng... mama mo, kaya hayaan mong ibigay namin sayo ang lahat ng higit pa sa gusto mo. "
" Pero gusto ko lang pong-"
" No. anak makinig ka, upagpapatuloy mo ang pag aaral doon at wag kang lilipat ng paaralan, dahil kayang kaya kong pabayaran at tustusin ang panganagailangan mo, wag mong pro-problemahin ang mga ganyang bagay dahil responsibilidad namin iyon ng... mama mo" sabi niya
Kung iyon naman ang gusto mo papa, ikaw yung masusunnod.
" Sige po, pa. Salamat po sa lahat, pangako mag aaral po ako ng mabuti at makakapag tapos po ako." sabi ko at hindi umiyak.
Ang saya naman ng may ama na ganito. Sana lahat ganito yung ama nila.
" No problem Anak, oh siya sige may gagawin pa Kasi ako anak, pakisabi sa mama mo na mag iingat rin siya at miss na miss ko na kayo... " parang may kirot sa puso ko sa sinabi ng ama ko. Bakit kailangan pa kasi niyang lumayo, kung pwede namang dito na lang, dibale ng mag hirap basta mag kakasama lang kami.
" Sige po papa, I love you, mag iingat ka po diyan." Yun lang ang tangi kong sinabi at agad na niyang pinutol ang tawag.
Tinitigan ko si mama na inilalagay ang mga pera sa wallet niya.
"Paano po yan ma, ayaw naman po ni papa" sabi ko
"Kung yun naman ang gusto ng papa mo, basta ipanagko mong mag aaral ka ng mabuti, anak" ani mama ta niyakap niya ako.
Lumipas ang ilang araw at ngayon ay final exam na namin. Halos hindi rin ako nakatulog dahil sa pag rereview. Buti at naka pag review naman ako ng maayos.
Dumating ako sa school 7:30 am pero ang klase namin ay 8:00 am. Habang nag hihintay sa fist period exam namin ay nag review muna.
Dumating ang teacher namin at agad niyang ibinigay saamin ang test paper, mahihirapan ka talaga kung hindi mo pinag aralan ng mabuti, pero madali lang kung pinag handaan mo at pinag aralan mo ng mabuti.
Natapos ang ilang exams namin sa umagang ito at dalawang subject na lang ang hindi namin natapos at tatapusin namin nagyonb tanghali.
Dumaretso ako sa cafeteria para mag lunch, ewan ko ba kung bakit ngayon lang hindi dumating ang mga kaibigan ko para samahan akong kumain, kaya dumaretso ako na alang mag isa ang umorder ng pag kain ko.
Gusto ko sanang kumain ng grilled chicken kaso naisip ko na hindi pala kaya ng budget, kaya hanggang tortang talong na lang ako dahil 20 pesos lang iyon kumpara sa grilled chicken na 120. edi doon na lang ako sa kura at least makakatipid pa ako.
Tahimik akong kumakain ng biglang may naglapag sa lamesa ko ng roasted chicken at caldareta pati drink's. Maslalong nagulat ako ng biglang may umupo sa harapan ko at tinignan ko kaagad kung sino iyon at nakita ko ang nakangising mukha ni Anthony.
" Pwede ba akong makisabay?" Tanong niya ng hindi pa natatanggal ang ngiti sa mukha niya habang nakatingin sa akin.
Halos hindi ko manguya ang kinakain ko dahil sa titig niya. Nag taas ulit ako ng tingin sakanya at kakatitig parin siya saakin pero bahagya siyang napatingin sa kinakain ko.
" Okay" malamik kong sagot.
" Tortang talong..." mahinahon niyang sabi kung bakit napatingin ako sa kanya.
Hindi parin niya ginagalaw ang pagkain niya dahil titig na titig siya sa pagkain ko. Ano ngayon kung ito ang inorder ko, e sa ito lang ang kaya ng budget ko ngayon.
" what?" Tanong ko sakanya dahil titig na titig siya sa kinakain ko.
"Nothing. You want this?" Sabay abot niya saakin ng grilled chicken. Napalunok na lang ako dahil,ito talaga ang gusto kong kainin.
Gusto ko sanang sabihin na "no thanks" pero parang ang sama ko naman ata, atsaka baka mapanaginipan ko pa ito mamaya kapag tinanggihan ko, kaya tinaggap ko na lang ang ibabot niyang grilled chicken saakin, this time nilunok ko na lang ang natitirang pride ko sakanya.
" Thank's..." sabi ko ng hindi siya tinitignan dahil sa tingin ko ay nakangisi siya habang nakatingin saakin.
Mabait namam siguro siya sa akin hindi ko lang masyado napapansin dahil may galit ako sa kanya. But wait ngayon niya lang hindi kasama ang mga kaibigan niya, ah? Ano kayang nagyari sakanila, nag away away kaya sila kung bakit hindi Niya kasama ang mga ito?, Gusto ko sanang ito iyon sakanya pero, it's not on my business.
" Bakit isang tortang talong lang ang inorder mo?" Seryosong tanong niya ng hindi pa kumakain.
" Bakit?" sabi ko ng hindi siya tinitignan at nag patuloy sa pagkain.
" I'm just asked..." sabi niya. Napansin kong sinuklay niya ang buhok Niya gamit ang kamay niya.
He's wearing a over size white t shirt, faded jeans and black/gray jacket.
Nag angat ako ng tingin sakanya para masagot siya pero parang nakalimutan ko bigla ang isasagot ko dahil sa titig ng mga mata niya at sa expression ng mukha niya. Yung tipong ikakahiya mo na lang ang mukha mo dahil sa titig niya.
Hindi na ako mag tataka kung bakit halos lahat ng mag babae dito sa paaralang ito ay baliw sakanya.
" Dahil ito lang ang nakaya ng budget ko." Matapang ko siyang sinagot kahit na naiilang ako sa titig niya.
Napakurap kurap na lang ako dahil bahagyang nag bago ang expression niya at tinaas ang isang kilay niya na para bang galit or what.
" What do you mean?" Tanong niya kung bakit nag angat ulit ako ng tingin sakanya
" What do you mean?" Tanong ko pabalik sakanya.
" I mean... Ilan ba ang binibigay nilang baon mo? at bakit iyan lang ang kaya ng budget mo"
Bakit hindi ka lang kumain, bahala ka gutom ako baka walang matira sayo. Bahagya tuloy ako nairita dahil sa tanong niya.
" Pwede ba kumain ka lang, at wala ka na rin pakealam-"
" I'm just curious" mariin niyang sabi at inirapan pa talaga ako.
May mali ba sa sinabi ko? Wala naman ah. Tss
" 150 " sabi ko, at agad niya ulit ako binalingan, hindi ko na tuloy matapos ang pagkain ko dahil naiilang ako sakanya. Ganya ba talaga ang mukha niya, parang galit na ewan. Tss ang labo ng mukha niya.
" Kasali na doon ang pamasahe mo?"
" Oo minsan, " sagot ko, ng hindi siya tinitignan dahil naiilang na talaga ako, hindi na tuloy ako makakain dahil sakanya.
" nag iipon ka?" Tanong kung bakit bahagya akong napatingin ulit sakanya.
" Hindi naman, nag titipid lang," sagot ko.
Ang seryoso naman ng mukha ng taong ito, parang ang laki ng problema.
" Bakit ka nag titipid?" Seryoso tanong niya, gusto ko sanang tarayan siya pero parang mapapahiya lang ako pag ginawa ko iyon.
" Basta." iyon na na lang ang naging sagot ko sakanya , at tuluyan ko na siyang inirapan.
Bakit ano bang pakealam neto? Tss
"Answer me properly." seryo niyang sabi at itinaas niya ang isang kilay niya na para 'bang nag hahamon.
" Bakit ba? Hindi mo naman problema iyon ' kung nagtitipid ako. Kasi kailan talaga naming mag tipid dahil mahirap lang kami, hindi tulad niyo na mayaman... " parang naiiyak tuloy ako sa sinabi ko dahilan kung bakit hindi ko matuloy ang sasabihin ko. Kaya inirapan ko na lang siya
Hindi naman sa ayaw ko sa pamilya ko dahil mahirap kami at hindi lahat ng gusto namin na mga bagay ay nabibili namin, sadyang naiinggit lang ako sa mga taong katulad ni Anthony na lumaki sa marangyang Pamilya.
"Then?," ani niya kung bakit tinignan ko siyang muli
" Ang swerte mo nga e ,kayong mag anak ng mayayaman, dahil kahit hindi ka makapagtapos mayaman ka parin, kasi sa mayamang pamilya ka nanggaling, mommy mo business woman, daddy mo sikat na engineer tapos ate mo pa architect. Pero kahit papaano mas maswerte parin ang mga katulad ko..." Bigla na akong naging emosyon dahil sa tuloy tuloy na sinabi ko.
Pinigilan ko ang emosyon kong umiyak dahil ayaw kong isipin niya na naiinggit ako kung bakit ako umiiyak.
" So, sinasabi mo bang 'wala akong pangarap para sa saarili ko?" Seryosong tanong niya,
Tinitigan ko muna siya bago sinagot " Wala akong sinasabi." seryoso kong sagot.
Ang kaninang mga munting luha sa mga mata ko ay unti unting nawala.
" Not all. I'm not like, what you think about me." Seryoso niyang sabi at padabog na tumayo at umalis.
Nagulat pa ako biglaan niyang pagtayo, at hindi Niya kinain itong binili niya. What? May nasabi ba akong mali?.
Susundan ko sana siya pero 'paano itong mga pagkain pa dito? Siguro ipupunta ko na lang sa room nila. Bakit hindi siya kumain?, Ang lalaking iyon talaga, ang lakas ng topak.
Lumakad ako papuntang grade 11 building daladala ang mga pagkain ng mokong na iyon. Ako pa talaga yung mag dadala ng pagkain niya doon...
Pumunta ako sa taas ng building nila kung saan ang room nila ng nakita ko si Justine at Caleb, well, alam ko na yung mga pangalan ng mga kaibigan niya kasi lagi ko silang nakikita.
Napatingin pa saakin ang mga grade 11 student ng building nila baka iniisip nila kung bakit ako nandito.
" Justine..." tawag ko sakanya dahil nakatalikod siya saakin,
Agad naman siyang bumaling sa likod Niya kung nasaan ako.
" Hi!... what do you need?" ngising tanong niya.
" Pwede bang pakibigay ito kay Anthony. " sabay abot ko sakanya ng pagkain na nasa supot. Parang nagulat siya dahil siguro hindi niya inaasahan na mag bibigay ako ng pagkain sa hinayupak niyang kaibigan.
Don't worry, sariling pera ito ng kaibigan mo a tska sariling pagkain rin niya ito.
" Ow!... Really? bibigyan mo siya ng pagkain?" Gulat niyang tanong. Bahagya akong natawa ng kaunti dahil sa tanong niya.
" Ibibigay ko sakanya ang pagkain niya." sabi ko. At bigay ulit ng supot kung nasaan ang pagkain niyang grilled chicken na pinangalahati ko at ang caldareta pati yung drinks niya.
Dahan dahan pa niya itong kinuha na para bang nag dadalawang isip.
" So... binilhan mo siy-" bago pa niya matapos ang sasabihin niya ay may nagsalita na sa likod ko kung bakit napatingin ako roon.
At nakita ako galit na mukha ni Anthony, bwiset talagang tao ito, wala naman akong ginawang mali, wala naman akong nasabing mali.
" Binili ko yan. Miracle if she buys me a food..." mariin niyang sinabi at inirapan ako bago padabog na umalis. Ang dalawang kamay niya ay nasa magkabilaang bulsa ng jacket niya.
Parang may kirot sa puso ko sa sinabi niya. Syempre alangan na bilhan kita ng pagkain, kung kaya mo namang bumili. Sa dami dami ba naman ng pera niyo.