chapter 12

1421 Words
"A-Andito ka lang pala..." Sinubukan kong hindi mautal pero hindi ko talaga naiiwasan. "Hm..." Tumabi ako sa kanya at tiningnan siya sa salamin. "K-Kanina pa kita hinahanap—" "Talaga? Parang ang saya saya mo nga roon, e. Diba?" Walang emosyon na aniya. Napakunot-noo ako. "Huh?" Napangisi siya at humarap nang tuluyan sa akin. "Alam mo? Nagbabago ka na..." diretsong aniya. Mas lalo tuloy akong naguluhan. "Ano ang ibig mong sabihin—" "Bakit? Hindi ba? Simula no'ng malaman mong anak mayaman ka, umiiwas ka na sa akin. Sumasama ka na kila Aubrey! Bakit? Nagpapaka-social climber ka ba?" Mas lalo lang akong naguluhan sa mga pinagsasabi niya. Siya nga itong medyo lumalayo sa akin! "What do you mean?" gulong tanong ko. Napasinghal naman siya at inayos ang kan'yang gamit sa kan'yang pouch. "Alam mo, Althea? Wala kang respeto sa'kin. Ngayon na may pera ka na, tingin mo ay kaya mo ng tumapak sa ibang tao. Alam na alam mo kung gaano ko kagusto si Kid! At halatang-halata na nilalandi mo siya!" "Hindi ko siya nilandi!" My voice starts to rise. Napasinghal lang ulit siya. "Akala ko pa naman, si Blake ang gusto mo? O baka silang dalawa para may assurance? Didiretsuhin na kita, Althea ha? Hindi ka magugustuhan ni Blake. Si Alisha nga iniwan pa. Ikaw pa kaya?" Inis akong tumingin sa kanya. "Bakit mo ba sinasabi 'to—" "Kasi ayaw ko ng magpakaplastik! I don't like you from the very start. Kumakapit lang ako sa'yo dahil wala akong choice..." C-Choice? Tiningnan niya pa ang kabuuan ko. "Kleint Laurence, huh? Mahal ba, Althea?" Napamaang ako at gulat na tumingin sa kan'ya. Mas lalo lang dumilim ang kan'yang ekspresyon sa akin. "Are you trying to shame me?" Giit niya. Tumitig lang ako sa kan'ya. "Issa, pag-usapan natin 'to. I don't know why you're acting like that. A-Anong—" "Ayaw ko ng makita ang pagmumukha mo!" Nangilid pa ang luha niya kaya mabilis siyang nag-iwas ng tingin. Nang tumingin siya sa akin ay umirap pa siya at agad binangga ang balikat ko para makalabas nang tuluyan. Napatingin ako sa sarili ko gamit ang salamin. Did I heard it right? May narinig ba siya sa sinabi ni Kid kanina? Pero wala naman siya roon di ba? At wala naman siyang dapat ibahala roon. Kay Blake ako may gusto at hindi kay Kid! Napansin niya rin ba ang galawan ni Kid? Hindi ko naman ini-expect na gano'n lang ang reaksyon ni Kid sa kan'ya. I am not blaming him for acting that way pero I have realized something too. I don't want to assume but I am not dumb. Ang mga ganoong galawan ay hindi bago sa akin. Ang ganoon na klase ng tinginan ay sanay na ako. I am not saying Kid liked me in a romantic way pero the way he stares at me seems like there's something. And I don't like it. Maliban sa ayaw kong masaktan ang bestfriend ko. Ayaw ko rin dahil alam ko sa sarili ko. Kahit gaano ko man itago, alam na alam ko kung sino ang gusto ko. May kung ano sa akin na gumuho. We're friends for how many years and... Napatingin ako sa pintong nilabasan ni Issa. I can't believe she said those things. Ganoon lang ba kadali sa kanyang sabihin 'yon? Naramdaman kong tumulo ang luha ko. Tama nga 'yong sabi nila. Nakakasakit din ang kaibigan. Nakatanggap ako ng tawag galing kay Alyzza. Hinahanap nila ako. Nagmadali akong lumabas. Hindi na pinansin ang tao sa gilid ko. Pero nang maramdaman ko ang hawak sa braso ko. Agad akong nag-angat nang tingin. Nagulantang ako nang makita kong nandoon si Kid. Malamig ang tingin nito bago siya ngumiti sa akin. "Ang tagal mo kasi bumalik...kaya sinundan na kita..." Nag-iwas siya ng tingin at nagpasiuna. Napatitig lang ako sa likod niya. Ano 'to? "Althea...puwede ba tayong mag-usap?" Kunot-noo ako. "N-Nag-uusap na tayo, Kid—" "Si Blake pala ang gusto mo?" Nanlaki ang mga mata ko. Paanong— Tiningnan ko siya. Nag-iwas siya ng tingin sa akin. "Bakit siya pa, Althea?" Bakas ang pait sa kan'yang boses. "Manloloko 'yon, e..." Napamaang ako. "M-Misunderstanding lang 'yong sa kanila, Kid..." depensa ko. Lumingon siya sa akin. "Isa ka rin pala sa mga taga-hanga niya..." mapakla niyang saad. Napalunok ako at hindi sumagot. "I won't ruin this day. And I'll get straight to the point..." Tumingin siya sa akin. Bago pa kami makalabas nang tuluyan sa bulwagan ay tuluyan na siyang lumingon sa akin. "I really like you, Althea..." sinserong saad niya. Nanlaki ang mga mata ko at agad na tumingin sa kanya. "H-Hindi puwede, Kid!" mabilis kong sabi. Nanunuri ang kan'yang tingin sa akin. "Bakit hindi?" Kinagat ko ang labi ko. Ayaw kong pangunahan si Issa pero ayaw ko rin na magustuhan ako ni Kid! "K-Kasi..." Tumingin ako kay Kid. He looks disappointed but he still wants to hear my answer. Napabuntong-hininga ako. "K-Kasi si Blake ang gusto ko at friendship lang ang kaya kong maibigay sa'yo—" "Then I'll bear with that. Kung iyan lang ang maibigay mo sa akin sa ngayon. Tatanggapin ko. But I will be right here for you. Dito lang ako sa tabi mo hanggang sa magustuhan mo ako..." Nanlaki ang mga mata ko. "You shouldn't do that, Kid!" Ngumiti siya sa'kin. "Hinintay ko ang oras na 'to para umamin sa nararamdaman ko, Althea. Please don't reject me right now. Not on my birthday." Nangilid ang luha ko. Ano ang dapat kong gawin? "Althea! Andito ka lang pala!" Napalingon ako kay Aubrey nang marinig ko siya. Nagpapalit-palit ang tingin niya sa akin at kay Kid bago siya lumapit sa amin ni Kid. "Kid...hinahanap ka ng parents mo..." aniya habang nakatingin sa akin. Lumingon ako kay Kid. Pilit siyang ngumiti at umalis na. Para naman akong nabunutan nang tinik. "Althea? What the hell was that? Nililigawan ka ba ni Kid? O kayo na ba?" hysterical niyang sambit. "Nasaan si Alyzza?" Iwas ko sa tanong niya. "Oh, fudge! Umalis na. Galit na galit. Nandito kasi ang pamilya ni Blake. For sure, nandito rin si Blake Ruzen..." Nanlaki ang mga mata ko. "Ano!" "Oo. Kaya umalis na rin tayo. Ayaw kong makita ang pagmumukha ni Blake..." Umahon ang tinatago kong kaba. I've been hiding this for many years. But, only Blake can give me this feeling. And...it's scaring me. Nang tuluyan na kaming makalabas ay nakita ko si Alyzza. Crying inside the car. Nang makita niya kami ay agad niyang pinunasan ang kan'yang luha. "K-Kayo pala..." Nag-iwas siya ng tingin bago umusog nang konti. "Ayos ka lang ba?" tanong ko. Hilaw lang siyang ngumiti at umiling. "He knew, Chrialthea. And...it really h-hurts..." Tumutulo ang luha niya kaya mabilis ko siyang niyakap. Napahikbi siya kaagad. "Aish! Marami pang ibang lalaki dyan, Alyzza! Bumalik tayo sa loob ng party ni Kid at hahanapan kita ng jowa! Bahala na kung nandoon ang pamilya ni Blake!" inis na sambit ni Aubrey. Kahit wala naman talaga kaming plano na bumalik doon. "Ayos lang naman sa'kin na malaman niya 'yon e. Oo, nilandi ko si Blake. Oo, may ginawa ako kay Blake noon. Pero...will it really justify me?" Lumuluhang sambit niya. Natigilan ako. "A-Ano ang ibig mong sabihin?" Nag-angat ng tingin si Alyzza sa akin. Natigilan din si Aubrey. "A-Actually..." Hindi natuloy si Aubrey nang naluha lalo si Alyzza at yumakap sa akin. "I seduced Blake. Hinalikan ko. Nakita kami ni Alisha. I was the reason why they broke up." Hagulgol niya sa balikat ko. Hindi ako makapagsalita. Para akong nanigas sa kinauupuan ko. I thought Alyzza was innocent. Oo, alam kong gusto niya si Blake. But I didn't know that she's once desperate too to get his attention. "At nalaman niya iyon. Hindi ko alam kung paano. Pero tama naman siya e. I am disgusting. I am selfish. Tama naman siya. Tama siya..." She cried again. "But I only did it to prove something, dahil sa panahon na iyon, hindi ko matatanggap sa sarili kong nagugustuhan ko na siya at hindi na si Blake ang mahal ko. It's wrong. I know. And I hated my self for doing such thing. I tried to forget it. Nagkapatawaran na kami ni Alisha tungkol doon. I just couldn't understand why it's a big issue to him. Matagal ko ng ibinaon iyon sa limot! " And here I am...confused. What the hell happened on this day. Kid confessed to me. Issa ending my friendship with her. Alyzza's emotional breakdown. And the truth about the conflict of Alyzza and Blake hurts me more. ***
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD