Maaga siyang dumating sa bahay namin. At doon na rin siya kumain. In fact, wala pa ang dress na binili namin nila Alyzza kahapon. Sabi naman ni Aubrey, mamayang alas diyes ay baka mayroon na. I received a text from Kid. Mabilis ko 'yon kinuha at binuksan.
From: Kid
You're up? Punta ka mamaya, ah?
Agad akong nagtipa.
To: Kid
Yes. Pupunta kami ni Issa. Happy Birthday nga pala! See you!
Hindi pa umabot ng minuto ay agad na siyang nakapagreply.
From: Kid
See you!
Itinago ko na ang phone ko nang dumating si Issa. Nagtitingin-tingin kasi siya mga alahas na nandito. Sabi kasi ni Mama ay ipapagamit niya 'yon sa amin.
"Ganda naman nito, Tita! Bigay po ba ito ng asawa mo?"
Nanlaki ang mata ko at gustong suwayin si Issa. Natahimik din si Mama at hilaw na ngumiti.
"Ah, hindi. Naipundar ko 'to noon pa man..."
Napatango tango naman si Issa. "Pero ang dami nito tita, ah? Kung icoconvert siguro 'to...baka aabot 'to ng millions..."
Tiningnan ko ang alahas ni Mama. May nagustuhan akong kwintas doon.
"Ay, tita! Ang ganda po nito, ah? Pahiram naman po nito!"
Naitutop ko ang bibig. Ngumiti naman si Mama at agad na tumango sa kanya.
"Sige, Melissa."
"Talaga, Tita? Oh! Thank you po!" Tili niya sabay tumingin sa akin. "Ikaw, Althea? May napili ka na?"
Hilaw akong ngumiti at kinuha na lang ang ibang kwintas ni Mama.
"Ito na lang sa'kin, ma..."
Naging busy pa kami sa mga gagamitin. Si Issa ang gagamit sa silver kong stiletto. Gusto ko man suotin 'yon pero sabi ni Aubrey ay siya na ang bahala sa footwear ko kaya hinayaan ko na gamitin niya 'yon.
Nang mag-alas diyes na ay may nagdoorbell sa labas. Aubrey showed up habang dala dala ang dalawang box.
"Hi, cousin!" asar niya. Napaismid ako at agad siyang sinalubong. Humalik pa siya kay Mama bago bumaling ulit sa akin. Saktong pagkabigay niya nang mga box sa akin ay ang pagbaba ni Issa.
Tipid na ngumiti si Aubrey sa kan'ya bago itinuon ang atensyon ulit sa amin ni Mama.
"Si Alyzza?" tanong ko nang di ko mapansin. Bumuntong hininga naman siya habang napanguso.
"May pinuntahan muna. Kaya nga sumama na lang ako para ihatid 'to, wala akong ibang kasama sa kwarto. Boring! Sa amin na lang kaya kayo magbihis?"
"Ah huwag na, Aubrey! Dito na lang kami!" mabilis na saad ni Issa. Nasa likod ko na pala siya. Tiningnan niya ang box na hawak ko.
"Mas okay kasi kung sa bahay na lang kayo. You know, may make-up artist ako—"
"Hindi na kailangan!" sabi ulit ni Issa at tumalikod na sa amin. I look at my cousin. Pairap siyang nag-iwas ng tingin sa kaibigan ko.
"Di ko talaga bet ang kaibigan mo. Parang may masamang aura."
"Mabait si Melissa, Aubrey..."
I believe she is. She's just maybe jealous dahil nasa iba 'yong attention ko. We are inseparable before, and now, nahahati ang atensyon ko.
Nang makabalik na kami sa kwarto ay napapaisip ako. Agad kinuha ni Melissa ang box at sinilip ang laman no'n.
"Ang simple ng dress mo, ah? Para ka namang kakandidato sa pagka-kapitana." Natawa siya at bahagyang tinapon sa akin ang dress.
Muli ay hindi ako nagsalita.
Nang mag alas tres na ng hapon ay naghanda na kaming dalawa. Ang sabi ni Kid ay alas sais daw magsisimula ang party nila. At alas singko ay susunduin kami nila Aubrey dito.
Time pass when you're so busy. Nang bumusina na sila ay agad na kaming lumabas. Medyo napatigil pa ako nang makita kong ngumiti si Alyzza sa'kin at kumaway. But I noticed something.
Siksikan kaming tatlo sa likod. Si Aubrey naman ay nasa tabi lang ng driver's seat.
"Ayos ka lang?"
Kumunot-noo niya at agad na tumango. "Oo naman. Bakit?"
Napanguso ako at nag-iwas nang tingin.
Habang nasa daan kami, I noticed something wrong with Alyzza. I decided to text Aubrey. After I sent it, I look at my cousin.
My phone vibrated.
From: Aubrey
We are going to tell you something later.
And up to this moment, parang may pakiramdam akong may mali talaga.
Alyzza and Aubrey are both silent. Hanggang sa makarating kami sa venue ay tahimik sila pareho. Talak nang talak si Issa tungkol sa labas ng bahay nila Kid.
"Grabe! Ang ganda ng bahay nila no? Eh 'yung bahay niyo kaya sa totoong Papa mo, Thea, ganito kaya?" Namamangha pa niyang tanong. Tumikhim ako at sumulyap kay Aubrey. Nakita kong umirap siya bago tumingin sa labas.
"Ikaw, Aubrey? Sinong mas mayaman sa inyo ni Alyzza?" tanong pa niya sa kaibigan ko. Tumikhim ulit ako at kinurot na si Issa.
"Bakit, Althea? Nagtatanong lang naman ako, e!" Tumawa pa siya. "Huwag niyo na lang sagutin." Umismid pa siya at patuloy na tinitingnan ang bahay nila Kid.
Nang nasa harap na kami ng kanilang mansyon ay agad na kaming lumabas. I saw how the cameras flashed as we sashayed ourselves to their big mansion.
Nakalambitin sa braso ko si Issa habang naglalakad kami papasok. The securities checked our invitations before letting us go inside. Mas lalong dumami ang taong nakikiusyoso sa pagdating namin.
"Oh! The daughter of Mr. Nathaniel and Mrs. Yuesha Cruz, and, oh, Aubrey! You're here too!" tili ng isang baklang reporter. I didn't expect this to be this grand! At talagang may reporters pa! Napakayaman naman nitong si Kid.
Ngumiti ang dalawa at bumeso sa baklang iyon. Napatunganga lang kami ni Issa sa likod.
"Grabe, ang yaman yaman nila no?"
Tumango ako. "Oo nga, e..."
"Hays, paano kaya kapag nagkatuluyan kami ni Kid? Sure ako! Donyang-donya ako rito!"
Hindi ako umiimik. Lumingon si Alyzza sa amin at agad akong tinawag. Nakasunod pa rin si Issa sa amin.
"Your outfits are familiar! These are the unreleased designs of Kleint Laurence, right?"
Tumango si Alyzza."Yes, po. Actually, it's an honor to wear his design on this very special occasion of our friend Kid, po. And also, after we heard that Sir Kleint Laurence is in the country, hindi na kami nagpaligoy-ligoy pa. We are obviously a fan of Sir Kleint since the beginning. We're hoping for more designs in the next events po."
Sumulyap ang reporter sa akin at ngumiti.
"Hi! I guess your dress design is from Sir Kleint too?"
Ngumiti ako at tumango. Hinigit kaagad ako ni Aubrey at itinabi sa kanya. Nakawala ako nang tuluyan kay Issa. Nakita ko pa siyang humabol sa akin pero may humarang na rin sa kan'yang mga reporters.
"Actually, the three of us decided to wear Sir Kleint's design for today. And by the way...she's Chrialthea Achelois Fuentes."
"Fuentes?" makahulugang saad ng reporter habang sinisipat ako. Napaiwas ako nang tingin.
Before moving out. I saw how Kid glanced at me. Bakas ang tuwa niya nang makita ako. Kumaway siya sa akin at agad na lumapit.
"Hi, girls!" bati niya sa amin kahit sa akin lang nakatingin.
"Hi Kid!" Narinig kong sabi ni Melissa.
I thank God she wasn't here with us a while ago. Baka may kung ano pang sabihin ang reporter. At baka may kung ano pang masabi si Aubrey.
"Akala ko hindi kayo pupunta, e..." Sumulyap pa siya sa akin at ngumiti bago tumingin kila Aubrey at tumango.
Nagkabatian pa muna sila at binigay na nila Aubrey ang regalo nila para kay Kid. Nang sumulyap si Alyzza sa akin ay agad akong ngumiti.
"Happy birthday nga pala, Kid..." sabi ko sabay lahad ng regalo ko sa kan'ya. Napatitig pa siya roon kaya bahagya akong nahiya. "H-Hindi 'yan kasing mahal ng ibang natatanggap mo ngayon...pero pinaghirapan ko n-naman—"
"Ayos 'to, Althea! Itatago ko 'to!" Hindi nakatakas sa akin ang excitement sa boses niya. Napangiti tuloy ako sa tuwa.
"Ito sa'kin, Kid!" singit ni Issa. Medyo napabaling si Kid sa kan'ya at agad na tinanggap ang regalo na ibinigay ng kaibigan ko. "Mahal 'yan! Atsaka pinag-ipunan ko!" Nakangising dagdag niya.
Tumango lang si Kid sa kanya. "Salamat dito, Issa," simpleng aniya sabay ibinaling ulit ang atensyon sa akin.
"Kumain na kayo? Nagugutom ka na ba?" Bulgar niyang tanong habang nakangiti sa akin. Nakita ko tuloy ang panlalaki ng mga mata nila Aubrey at Alyzza. Narinig kong tumikhim si Issa sa likod ko.
"Actually..."
"Oo, Kid! Gutom na nga ako e. Puwede mo ba kaming samahan?"
Lumingon ako kay Issa. Malamig ang tingin niya sa akin bago itinuon ang atensyon kay Kid.
Napabalikwas ako nang hawakan ni Kid ang likod ko. Lumingon ako sa kan'ya pero nakangiti lang siyang nakipag-usap sa bagong dating. Sinubukan kong umiwas.
"Let's go?" yaya niya amin. Tumango ako at sumunod. Napalingon ako kay Issa pero nag-iwas lang siya nang tingin sa akin. I simply removed Kid's hand. Hindi niya naman nahalata iyon.
"Happy birthday, Kid!" bati ng isang hindi ko kilala. Maybe his friend.
"Thank you, pare..." Nagkamayan pa ang mga ito bago bumaling ang isang kakilala ni Kid sa akin.
"Pamilyar ka, miss..." anito.
Ngumiti ako. "Hi. I am Althea..." sabay lahad ko sa aking kamay.
Nanlaki ang mga mata niya at pumalakpak pa ng isang beses bago tinanggap ang kamay ko. "Oo nga pala! Chrialthea Fuentes!"
"Kilala mo, Denver?" Nanliit-matang tanong ni Kid.
Tumango naman ito. "I saw a photo before, you're with Alyzza and Aubrey? Nasaan nga pala sila?"
Lumingon ako roon. Natulala ako dahil hindi ko sila nakita. Kahit si Issa man lang. Saan kaya ang mga 'yon?
Inilibot ko ang paningin. And there, I saw Aubrey and Alyzza talking with Trey.
Si Issa kaya? Nasaan?
"Baka nasa ibang table," si Kid habang tumitingin sa paligid.
Tinuro ko sila Alyzza. "Nandoon lang. Kasama sila Trey..." Inilibot ko ang paningin para hanapin si Issa. Pero hindi ko ulit siya nakita.
Nagpaalam na si Denver na aalis na para puntahan ang ibang kaibigan. Lumapat ulit ang kamay ni Kid sa aking likod. Bahagya pa akong nailang lalo pa no'ng makita kong lumingon-lingon ang iba sa aming banda.
"Oo nga pala...pupunta ka ng christmas ball?" Napabaling ulit ako sa kan'ya.
Tumango ako. "Yup."
Nagliwanag naman ang mukha niya. "Sino kasama mo? Sila Alyzza pa rin?"
"Oo, e. Uhm..."
"Pwede ba kitang sunduin? I mean...can I be your date?"
Nanlaki ang mga mata ko. "Seryoso ka ba?" Hindi ko maiwasan ang pagkailang. For the first time, may nag-aya sa'kin. Pero hindi ko naman inaaasahan na si Kid pa.
"Of course I mean it." Nagkamot ulo pa siya. "N-Ngayon lang talaga ako nagkaroon ng lakas ng loob para ayain ka. I mean...noon ko pa gusto kang mainvite sa mga ganito. Kaso...nahihiya ako..."
"Dahil mahirap ako?"
Kumunot ang noo niya. "Of course not!" Umismid pa siya. "Hindi ako ganoong klase ng tao. I j-just...like you."
Natutop ko ang aking labi. Mabilis akong humakbang paatras sa kan'ya. Halatang nagulat siya sa ginawa ko pero napalunok lang ako.
"G-Gusto rin naman kita...maging kaibigan...g-ganoon..." I tried my best to calm down pero nakatitig lang siya sa akin.
Peke akong ngumiti at itinuro ang kawalan.
"P-Powder room lang ako, ah?"
Hindi ko na siya pinasagot at agad ng tumakas doon. Hindi ko na siya nilingon. Iba ang pakiramdam ko sa sinasabi niya.
Inilibot ko muli ang paningin. Luminga-linga ako para hanapin si Issa at para hanapin na rin ang comfort room nila.
Nagtanong pa ako sa isang waiter na nandoon para lang mahanap 'yon nang madalian. Their house is huge! Parang hindi ko 'to kayang maggala nang hindi maliligaw.
Nang makita ko ang cr ay agad na akong pumasok. Hawak ang aking dibdib. Gulat akong tumingin doon nang namataan ko si Issa. Sa harap ng salamin habang nakatitig sa akin.