"So pick whatever you want, Althea. Feel free!"
Nahihiya akong tumingin sa mga magazines na nakalatag sa harap ko. Sumulyap pa ako sa designer ng mga damit na 'to. Nakita ko siyang ngumiti at itinuro ulit ang magazine kaya napatingin ulit ako roon.
"H-Hindi ako makapili, e..."
Lahat kasi magaganda. From light color dresses to dark. Magaganda lahat. Ang ganda pa ng mga detalye.
"Hmm...ako pipili para sa'yo, Chrialthea!" Kumindat pa si Alyzza sa akin bago inagaw ang magazine sa akin.
"Mas mabuti pa nga, Ly. And oh, Althea! Bukas, dito ka na dumeretso. May personal make-up artist kami. Magaling 'yon..."
"Yeah, Karla, he's really great. Galing talaga!" Alyzza said while still looking at the magazine. "Siya rin ang make up artist ni Ate Alyana. Siya rin 'yong nagmake up kina Aubrey at Aly no'ng intramurals. At...siya rin ang make-up artist ko noong nasa Tagaytay ako. Aw, here! Bagay 'to sa'yo, Althea!"
Napatingin ako roon. Masyadong attractive ang dress na 'yon. Mabilis akong umiling.
"Hindi ba masyadong informal 'yan? Atsaka...masyadong sexy."
Napahalakhak silang dalawa. "Ano ba ang gusto mong suotin? Jeans? Althea naman! Business tycoons ang parents ni Kid. For sure, maraming media. It's maybe grand!"
Napatitig ako sa dress na 'yon. It's just a peach-colored strapped dress pero medyo revealing ang likod. It's just also above the knee and the same style with Alyzza and Aubrey.
"Sige na, Althea! Ayos 'yan, promise! Sa akin nga, oh! Revealing din pero ayos lang!" si Aubrey.
Tiningnan ko ang napili niyang design. Revealing din 'yon dahil sure akong makikita ang cleavage niya doon dahil sa V-neckline. Napabuntong hininga ako at tumango.
"Mommy will pay these all kaya huwag ka ng mag-abala..." bulong pa ni Aubrey sa akin. Wala na akong magawa kun'di ang tumango.
Seryoso ba sila?! I saw the price of those dress. Six to seven digits. Nakakalula!
"Thank you po, sir. Till next time po..." sabi namin sa designer. Nagpaalam na kaagad ito at sinabi na maihahatid ang mga dress namin bukas ng umaga. That's a relief tho. Pero kailangan ko pa pumunta rito ng maaga?
"After this, mag-overnight tayo? Bukas na naman ang party ni Kid kaya puwede na tayong dumeretso roon!"
Sumang-ayon agad si Alyzza. Umiling ako.
"May lakad ako mamaya, Aubrey..."
Nagtaas siya ng kilay sa akin. "Saan? Punta ka rito after?"
"Baka hindi rin. Baka roon din sa bahay matutulog si Melissa. Sabay na lang kami bukas—"
"Oh, your friend..." Nagkatinginan sila Alyzza at Aubrey. "No offense, ah? Pero I don't like your friend talaga. Matagal na kayong nagkakilala no'n?"
Tumango ako. "Since grade 7. Atsaka, mabait naman 'yon. Mataray lang kung tingnan..."
Nagkibit balikat sila. "Sabi mo e. So, bukas...susunduin nalang namin kayo. "
"Huwag na. Magtataxi kami!"
"Nah. Sabay na lang kayo sa amin. Sa labas kami ng bahay niyo maghihintay...and your dress, we will ask one of our men to deliver it to your house."
Ngumiti ako at tumango.
Nagkuwentuhan ulit sila tungkol kay Cade. Nakangiti naman the whole time Alyzza. Parang walang kung anong problema. Napailing ako habang tinitingnan ang oras. I still have two hours before six. Dito muna ako tatambay.
"By the way? Hindi invited sila Meg sa party?" tanong ko. Agad umiling ang dalawa.
"You know, finals na next week. At christmas ball na sa susunod na linggo. Mas focus sila doon. Speaking of— sinabi ko kay Mom na kay Kleint Laurence ulit tayo magpapadesign. She agreed. May finished gown na rin siya na gustong gusto ko. Si Alisha iba ang designer no'n kasi si Ate ang pumili."
"Sa akin din! Sinabi ko na sa kanya ang tungkol sa ball. Nagpareserved na ako. Oh, Althea! Ikaw? Ano plano mo sa dress? I can still ask him about your dress! Magaganda ang design ni Kleint. I told you..."
Umiling ako. "Hindi ako aattend..."
Napaisa ang kilay niya. "No way! Why not?"
Umiling ulit ako. "Wala akong plano, Aubrey—"
"Kung damit ulit at gastos ang problema mo, we're just here, you know? Baka nahihiya ka kay Tita manghingi o kay Kuya Benjamin. What are friends are for? And, I am your cousin for pete's sake!"
"Masyado na akong nakaabala sa inyong dalawa—"
"Oh, stop that! Magkaibigan tayo, okay?"
Hindi ko maiwasan ang ngumiti. They're so genuine!
"Masyado ko na kayong pineperahan—"
"Tangina!" Humalakhak si Alyzza, ganoon din si Aubrey. "Uy, friend! Kahit pa maghatian kami ni Aubrey, makabili lang kami ng susuotin mo. Kahit mamulubi kaming dalawa—"
"Tas ako pagagalitan ng parents niyo?" biro ko. Umismid sila tapos natawa ulit.
"Duh! Hindi pa naman kami mamumulubi agad, Althea. Kahit hindi kami magtrabaho. Kahit ang future anak at apo namin hindi magtatrabaho. Mabubuhay kami. Kaya ikaw, huwag kang ano dyan!"
Napanguso ako. Grabe, ganoon ba talaga sila kayaman?
Nang mag-alas singko y media na ay tumayo na ako at nagpaalam. Naninigurado pa ang mga tingin nila kaya tumango nalang ako.
"Okay! I'll call Kleint agad regarding your gown. And before that day, you must be free. Dito ka matutulog, ha?"
Napailing ako at natawa. Sumang-ayon na ako sa gusto ni Aubrey.
Habang tinatahak ang daan papuntang mall, iniisip ko ang estado ng buhay nila. They're too happy with their teenage life. Napatingin ako sa langit.
Ayaw kong masanay. Ayaw kong maging magastos. Pero natutuwa lang talaga akong nakasama sila. They're so spoiled and materialistic. Pero...napakasaya ko sa kanila.
Iniisip ko si Issa. I've known her for four years already. We've grown up as a poor individual and yearning to be rich, o kahit makaahon lang. And now, this happened. Unexpectedly. Sino bang mag-aakalang anak mayaman ako? Ang alam ko, pangalan lang ni Papa. What's happening now is still a shock for me.
I can't understand why Issa thinks I can afford everything even in fact, hindi naman. At sinalo ko lang ang gastos sa damit dahil gusto kong ibalik ulit ang dati naming samahan. Kahit hindi man niya sabihin. Alam kong nagtatampo siya sa pagiging close namin nila Aubrey.
Sa totoo lang, paano ko ba 'yon maiiwasan? Pinsan ko si Aubrey. And she's trying to make me feel like I am really her cousin. Sinusubukan niyang magiging malapit kami.
Gustuhin ko man na sabihin kay Issa ang katotohanan na 'yon pero may alinlangan pa rin talaga ako. Ayaw nga ni Issa ang ideya na magkaibigan kami ni Aubrey. Paano pa kaya kung malaman niyang pinsan ko si Aubrey?
"Ito na lang bilhin natin, Thea?"
Tiningnan ko ang color pink na medyo revealing na dress. Umismid ako at umiling.
"Masyadong mahalay!"
Umiling siya at natawa. "Hindi, ah! Atsaka, ayos lang 'to, no! Ito na lang , ha?"
"Magkano ba 'yan?"
"Two thousand five hundred...ayos lang diba?"
Tumango ako. Tumili naman siya.
"Really, Althea? Sige, ano? Iyong sa'yo naman!"
Umiling ako. "May napili na ako, Issa."
Napaisa ang kilay niya. "Saan ka bumili? May dress ka na? "
Tumango ako.
"Mmm, mamahalin 'yong sa iyo panigurado. Baka may gold sa damit. Ang tanong, bagay kaya sa' yo?"
I only smiled at her words. For the first time, I am hurt by that.
"Saan mo binili dress mo?"
"B-Basta..."
Ngumuso siya at ngumisi na sa akin.
Kinuha na namin ang gusto niyang dress at agad na nagbayad. Now, we're heading to where we usually go every time we come here.
"Fastfood ulit? Ang yaman mo na tapos ipapakain mo sa akin, fast food?"
Napalingon ako sa kan'ya. Gulat. Hilaw naman siyang ngumiti sa akin at nag-iwas ng tingin.
"S-Sige na nga..."
Napalunok ako at may kung ano sa akin na namuo. I can't understand it. Pero may kung ano sa akin ang nagbago.
"H-Hindi naman ako ang mayaman, Issa e. And, I don't own any of my father or my brother's money."
"Hindi ako naniniwala. Ikaw pa. May alahas ka na nga oh. At bagong cellphone!"
"Pero ako pa rin 'yong dating Althea. 'Yung kaibigan mong mahirap."
"Nag-iinarte ka lang. Siguro takot kang manlibre sa akin—"
"Of course not." I tried not to burst my emotions.
Tumingin siya sa akin at napangisi.
"Huwag mo na isipin 'yon. Nag-expect kasi ako na sa mamahalin na restaurant mo ako dadalhin."
Hindi ako makapagsalita.
Matapos namin kumain ay agad na kaming umuwi. Siya pa ang unang bumaba ng taxi at ako pa ang pinagbayad niya. Napakunot noo ulit ako.
"Ikaw na, Thea, ha? Mayaman ka naman, e!" biro pa niya pero hindi ko na magawang ngumiti. "Uy, joke lang! Kita na lang tayo bukas. Hindi muna ako matutulog sa inyo. Pupuntahan na lang kita ng maaga bukas."
"Sige, Issa. Ingat ka."
Nang lumampas na ang sinasakyan ko sa iskinita ng apartment nila ay tuluyan nang may lumukob na takot sa akin. Ayaw kong mag-isip nang kung anu-ano dahil alam kong hindi siya ganoon.
Baka masyado lang siyang masaya sa estado ko ngayon. O baka gusto niya lang din maranasan ang kung ano man ang naranasan ko ngayon.
I won't mind if I will treat her. I won't really mind helping the first person who became my bestfriend. Pero...is this even right?