Sa resort, dapit hapon na iyon… Sa veranda ng main building ay naglalakad sina Meriam at Brandon, pinag-uusapan ang ilang business matters ng resort. “Ang dami palang bookings ngayong linggo,” sabi ni Brandon habang tinitingnan ang tablet. Ngumiti si Meriam. “Peak season na kasi. At saka dumadami na rin ang mga corporate events dito.” Habang naglalakad sila papunta sa lobby, hindi nila inaasahan na may makakasalubong sila. Mula sa kabilang hallway ay paparating sina Roselle at Lawrence. Sa likuran nila ay isang grupo ng mga lalaki na tila may outing sa resort. Isa sa kanila ang biglang napahinto. Nanlaki ang mga mata nito. “Sandali…” Napatitig siya kay Meriam. “Meriam?” Napalingon si Meriam. At nang makita niya kung sino iyon… Bahagya siyang nagulat. “Art?” Napangiti si Ar

