Nag-dinner sina Roselle at Lawrence sa isang eleganteng restaurant sa tabi ng dagat. Nakatayo si Roselle sa veranda nang dumating si Lawrence. Nakaharap siya sa dagat, hawak ang isang wine glass habang marahang iniikot ang laman nito. Suot niya ang isang simpleng itim na dress—elegante, classy, at perpektong bagay sa kanyang aura. “Roselle.” Napalingon siya. At sa sandaling iyon, ngumiti siya. Isang ngiti na tila walang bahid ng anumang masamang intensyon. Ngunit kung titignan nang mabuti— May nakatagong lalim. “Lawrence…” malambing niyang sabi. “Salamat at pumayag kang makipag-dinner.” Tumango si Lawrence, ngunit halata sa kanyang mga mata ang pag-aalinlangan. Umupo sila sa isang mesa na nakaharap sa dagat. Ilang sandali silang nanatiling tahimik habang hinihintay ang kanilang

