Stephanie's POV
Pagkagising ko, agad ako nagtungo ng banyo upang maligo. Pagkatapos kong maligo, nagbihis ako pero hindi pang-opisina kundi pam-bahay muna dahil maaga pa. Pagkabukas ko ng pinto ng kwarto ay naamoy ko ang halimuyak ng longganisa na paborito ko. Binilisan ko ang paglakad at nakita ko sa kusina ang topless na si Carl na suot ang aking kulay pink na apron.
Napangiti ako at nakagat ko ang pang-ibabang labi ko. Alam ko na nakita niya ito.
"Wow I love it," wika ko at umupo na ako kaagad sa upuan para mag sandok ng kanin at longganisa.
Mayroon pang hotdog na niluto niya. Natakam ako sa nakita kong mga ulam. Kung minamasdan niya ako ay wala akong pakialam. Nagpray muna ako bago kumain.
"Eat well," wika pa niya.
Di ko na pinansin ang sinabi basta importante makakain ako. Pag timpla pala ako ng kape bagay na ikinatuwa ko.
"Thank you," sabi ko sa kanya.
"Come on let's eat now, take your seat," pa-aksiyon ko pang sinasabi habang ngumunguya pa ako.
Umupo naman siya sa tapat ko. Duon ko na napagtanto na nasa harap ko ang masarap na pagkain.
"Oh, my innocent mind please stop,"sabi ko sa isip ko.
Nanadya naman ito kasi na maupo sa harap ko at nakatopless pa panay lunok ako tuloy sa kinakain ko. Nakatitig ako sa kanyang mala-pandesal na katawan.
"Hinay-hinay, self, baka mabulunan ka," panenermon ko sa sarili ko.
Tinapos ko ang pagkain ko na hindi na tumitingin sa kanya, mahirap na. Ako naman ang maghuhugas ngayon ng pinagkainan namin. Pagkatapos ko naghugas,ay nagmamadali akong pumasok sa kwarto para magbihis. Nagbihis ako ng pang-opisina, nag-ayos sa mukha at agad ko kinuha ang bag ko.
Halos magkandaugaga ako sa pagsuot ng aking office shoes. Diretso na ako agad sa labas ng makita ko si Carl na naghihintay sa akin. Tiningnan pa niya ang kanyang relong pam-bisig pagkakapit ko sa kanya. Nauna siyang naglakad sa may tapat ng lift.
Tahimik naman akong sumunod sa kanya. Patakbo ang lakad ko dahil ang isang hakbang niya ay pangalawang hakbang ko. Ang bilis niya maglakad palibhasa dating Law Enforcement, nabasa ko lang sa profile niya sa office ng Daddy ko. Hindi ko namalayan na nakababa na pala kami.
Nang nakarating kami ng parking lot, siya muna ang sumakay sa kotse. Inusisa muna ang lahat, nang nalaman na nasa kondisyon ito kumaway na sa akin na sasakay na ako. Mabilis akong tumalima at sumakay na sa sasakyan. Nang maisarado ko ang pinto, isinuot ko agad ang seatbelt ko.
Nagbuga ako ng hangin tanda ng nagtagumpay ako sa ginawa ko eh nag seatbelt lang naman. Inayos ko ang nakalugay kong buhok na sinuklay ko ito gamit ang aking mga daliri. Lumingon ako sa katabi ko, nakatuon ang pansin sa kalsada habang nagmamaneho. Hindi ko inalis ang mata ko sa pagtingin sa kanya.
Duon ko napansin na nakatingin siya sa may side mirror. Agad kong ibinaling ang mata ko sa may side mirror banda sa akin. Nakita ko ang itim na van na dumidikit sa sasakyan ni Carl. Pwede naman itong mag-over take kung gusto dahil maluwang pa ang kalsada,wala pang traffic dahil maaga kaming lumabas.
Habang nagmamaneho si Carl may kinakalikot ang kanyang kanang kamay sa ilalim ng compartment sa mismong steering wheel. Sinundan ng mata ko at nagulat ako ng makita ko ito. Kunot ang noo ko ibig sabihin nasa panganib kami. Nababahala ako lalo ng makita ko na ibinangga ang nguso ng itim na van sa may puwet ng sinasakyan namin ni Carl.
"Miss, Alonzo,fasten your seatbelt," sigaw ni Carl sa akin.
Agad kong sinunod ang sinabi nito sa akin. Napakapit ako ng husto sa may upuan ko ng halos paliparin ang sasakyan. Nagpagewang-gewang kami dahil sa bawat sasakyan na makakasalubong namin ay dapat iniiwasan para walang banggaan na mangyayari. Nakikita ko pa rin ang itim na van sa side mirror kung paano din ito lumihis sa mga nakasalubong upang hindi kami mawala sa kanilang pagsunod sa amin.
Pabilis ng pabilis ang takbo ng sasakyan namin habang may kausap si Carl gamit ang headset na nakasabit sa tainga niya, marahil humingi ng rescue ito dahil di ko maintindihan ang mga codes na pinagsasabi nito.
Binabaybay na namin ang kalsada na walang sasakyan. Ngunit gan'on pa rin ang speed ng sasakyan, mabilis pa rin para sa akin. Biglang nagpreno si Carl ng pagkatapos lumiko sa sa isang kanto, buti na lang walang sasakyan na parating.
Nakita ko na lang sa side mirror na dumiretso ang sumusunod sa amin. Pinaandar ulit ni Carl ang sasakyan at di ko na alam ang pinasukan naming kanto. Palinga-linga ako ngunit di ko kabisado ang daanan na ito. Nakalabas na lang kami ay highway na pero hindi na patungo sa office.
Hindi na ako nagtatanong pa dahil nine nerbiyos pa lang ako kaya ayoko muna magsalita. Tumunog ang monitor ng kanyang sasakyan. Nakita ko ang pangalan ni Daddy, tumatawag siya sa cellphone ni Carl na connected duon sa monitor. Sinagot niya ito saka ini- on ang loudspeaker kaya narinig ko ang boses ng magulang ko.
"Stephanie, hija. Thank you, God, you are fine with Carl," sabi ni Daddy.
Pagkarinig ko sa boses ni Daddy ay humagulgol ako ng iyak. Duon ko ibinuhos ang aking nerbiyos na ngayon ay dahan-dahan pa lang nawawala. Hinayaan lang nila ako umiyak, hindi ko rin mapigilan ng masagana kong luha sa pag-agos. Halos maubos ko ang isang box ng tissue paper sa loob ng sasakyan na may kasama pang pag-singa ng sipon.
"It's fine, hija, you are safe with,Carl," naninigurado sa akin ni Daddy sa kabilang linya.
"Be safe, hija, we love you," sabi naman ni Mommy na alam ko na nakikinig sa amin ni Daddy.
Natulala ako sa mga sinabi nila, how come na parang normal lang sa kanila ang ganitong sitwasyon? Oo nga pala nakamonitor pala kami sa kanila, nasagot ko rin ang sarili kong tanong. Pagkatapos ng trenta minutos ay nakarating kami sa isang gusali. Bumaba kami saka pumasok sa loob, iginaya ko ang aking mga mata para makita ang kabuuan nito.
Condo itong pinuntahan namin,sabi ko sa isip ko. Tahimik lang akong sumunod sa body guard ko hanggang nakarating kami ng 30th floor gamit ang lift. Pagkapasok namin sa loob ng isang unit umupo ako agad sa couch dahil andun pa rin ang after shocked ko ng nangyari kanina. Para akong nanlalambot, inilagay ko ang dalawang palad ko sa pisngi ko saka ko ini-hilamos sa mukha ko.
Pagkatapos mailagay ni Carl ang susi sa kanyang bar counter, ay nagtungo siya sa kusina. Pagbalik niya may dala na siyang isang basong tubig. Inabot sa akin, agad ko namang kinuha saka ininom lahat ng laman ng baso. Kinuha niya ang baso saka ibinalik sa kusina.
Isinakdal ko ang likod ko sa sandalan ng couch, marahan akong pumikit para kalmahin ang sarili ko. Naramdaman kong umupo siya ngunit malayo sa akin. Hinayaan ko lang na nakapikit ako saka ako nag buga ng hangin. Di ko alam kung tinitingnan niya ako o hindi.
"For now, we can't go out yet," sabi nito.
"What are their intentions?" tanong ko sa kanya.
Ang tinutukoy ko ay ang van na itim na sasakyan na sumunod sa amin.
"We will know later after the investigation," wika niya.
Napatango na ako sa mga sinabi niya.
"Ano naman kaya ang gagawin ko maghapon dito kasama siya?" tanong ko sa sarili ko.
Tinawagan ko si Daddy at tinanong kung pumasok siya sa opisina. Pumasok naman daw siya saka niya ako pinagbilinan. Huwag daw ako mag-alala dahil nasa mabuting kamay naman daw ako.
"Safe is better than sorry," sabi pa ni Daddy.
Naintindihan ko ang sitwasyon dahil sa larangan ng negosyo natural ang mga ganitong pangyayari sa buhay ng negosyante kasama na ang pamilya namin. Kanina pa wala si Carl dito sa sala kung saan ako nakaupo. Di ko na napansin kanina ng kausap ko si Daddy sa cellphone ko. Tatayo sana ako ng biglang lumitaw si Carl.
Hindi na siya nakasuot ng itim na suit kundi naka denim short na siya at pinarisan ng puting v-neck shirt. Hindi ko siya matignan ng diretso kaya nag-baba ako ng tingin. Lumapit siya sa akin at ibinaba sa sahig ang isang paper bag. Dahil nakayuko pa ako, nakita ko na may laman sa loob.
"Change your clothes in your room."
Agad ako nag-angat ng mukha saka niya itinuro sa akin kung saan banda ang tinutukoy na magiging kwarto ko, duon sa may bandang kanan
"Thank you," sabi ko kasabay ng pagpulot ko ng paper bag at bag ko.
Nagmadali akong nagtungo sa magiging kwarto ko. Pagkarating ko sa loob,isinarado ko ang pinto saka ko tiningnan ang laman ng paper bag. Nakita ko ang laman nito na isang bestida, lampas tuhod at short sleeve na kulay pula na may kasamang damit panloob at flat shoes na kulay ng bestida.
Namula ako ng makita ang damit panloob, buti na lang di ko binuksan sa sala dahil nahihiya ako sa kanya. Tinitigan ko ang gamit, napa-ngiti ako dahil sa iniisip ko tungkol sa kanya dahil makakasama ko siya maghapon. Bitbit ang gamit nagtungo ako sa banyo para magbihis. Isinuot ko ang bestida, inayos ko ang medyo kusot na parte.
Napakasexy ko sa suot ko, kitang-kita ko ang hubog ng balingkinitan kong katawan. Makinis at maputi ang legs ko. Madali din akong mapansin kahit maihalo ako sa maraming tao dahil sa kagandahang taglay ko. Matangos ang ilong ko at bumagay sa almond shape na hugis ng mga mata ko at may maninipis na labi.
Binasa ko ang aking mga labi habang
ngumunguso. Nagpakawala ako ng halik sa hangin. Bagay na nagpa dilim sa salamin na kinatatayuan ko para makita ang kabuuan ko. Pinunasan ko gamit ang tissue paper na katabi ng salamin.
Naglakad ako patungo sa kama, nakaupo ako sa may gilid at inayos ang pinag bihisan ko. Naalala ko bigla ang mga iba kong gamit ko loob ng sasakyan ni Carl. Agad ako tumayo upang kunin ito, lumabas ako ng kwarto patungo sa sala. Pagkarating ko duon, nakita ko ang nakapatong sa may center table, iyon ang laptop ko.
Naupo ako sa may couch saka ko inilabas ang laptop mula sa bag nito. Binuksan ko ito, dahil ilang segundo pa ang hihintayin saka gumana, tumayo ako para magtungo sa nasulyapan kong ref kanina. Maghanap ako ng pwedeng miryenda dahil alas-diyes na ng umaga. Nakaramdam na ako ng gutom kaya kahit condo unit ni Carl pinakikialaman ko pa rin.
Bubuksan ko pa lang sana ang ref ngunit biglang may nag door-bell. Isinarado ko ang ref saka ako tumalima para buksan ang pintuan ngunit pagtingin ko nakabukas na ito, at bumungad ang likod ni Carl sa akin. Di ko alam kung ano ang dumating kaya tumalikod ako muli para bumalik sa ref. Narinig ko ang pag sarado ng pintuan kaya lumingon ako.
Naningkit ang mga mata ko ng makita ko ang mga bitbit ni Carl dahil nabasa ko ang logo ng isang sikat na kainan. Kasabay na narinig ko naman ang pagtunog ng gutom kong tiyan. Hindi ko na itinuloy ang balak kong buksan ang ref. Nakatingin pa rin ako sa bitbit ni Carl, naglalaway ako sa bango ng ulam.
"Let's eat lunch," sabi ni Carl na hindi tumitingin sa akin.
Sumunod ako sa kanya ng nagtungo sa kusina. Nagulat ako dahil may nakahandang kanin na duon sa may lamesa. Nakaluto na pala siya kaya di ko mahagilap kanina ng lumabas ako ng kwarto.
"Pray muna tayo," sabi ko.
Agad naman ako umupo sa upuan, pumikit saka manalangin. Ako ang nauna sa galaw gaya ng pag sandok ng kanin at ulam samantalang nahuhuli si Carl. Hinayaan ko na lamang ang kanyang presensya baka lang hinayaan niya ako dahil parte pa rin ng trabaho niya.
Tahimik naming natapos ang aming pagkain. Naghugas ako agad ng pinggan na pinagkainan namin. Wala na siya sa kusina pagkatapos ko maghugas ng plato. Lumabas na ako ng kusina,pumunta ako ng sala para icheck na ang laptop kung maaari ko na gamitin.
Nakita ko na nasa couch siya sa may sala habang nanunuod ng TV. Nag-alinlangan ako kung tutuloy ako o hindi papunta sa sala. Ngunit andun ang laptop ko kaya kailangan kong puntahan dahil may gagawin ako. Kunin ko na lang para sa kwarto ko itutuloy ang gagawin ko sa laptop.
Naagaw ang pansin ko sa pinapanuod niya, action at adventure iyon ah. Hindi ko namalayan na nakaupo na pala ako sa dulo ng couch kung saan siya nakaupo. Tuluyan na naagaw ng atensiyon ko ang pinapanuod ni Carl. Nasulyapan ko ang laptop ko na hanggang ngayon naka-on pa rin ngunit di ko na hinarap dahil nanuod na rin ako ng tuluyan kasama ang bodyguard ko.