Chapter 7: The Intruders

2234 Words
Clark's POV Naasiwa akong kasama ang magandang babaeng ito sa aking condo,ngunit dahil sa trabaho ko kailangan dito muna kami. Mga walang hiyang lalaki ang mga iyon. Madali lang pumatay ng tao para sa akin ngunit kasama ko ang anak ng kumpare ng Daddy ko kaya nagawa kong iwasan. Kapag ma-tiyempuhan ko sila at walang madadamay na ibang tao, panigurado sapul sila sa akin. Kasalukuyan akong nasa sala nanunuod ng TV, sa single couch ay nakaupo si Stephanie na nakaharap sa kanyang laptop. Nag-ta-trabaho pa rin kahit nasa condo ko unit ko siya. Masusulyapan ko siya kahit nakaharap ako sa TV. "Napakaamo ang kanyang mukha at napaka inosenteng dalaga," sabi ng utak ko. Humiga ako sa sa mahabang couch, kinuha ko ang throw pillow at ginawa kong unan. Nakatulog pala ako hanggang alas-tres ng hapon. Pagkagising ko, agad ko iginala ang aking mga mata. Wala na si Stephanie sa kanyang inupuan kanina. Bumangon ako agad para hanapin siya. Nakita ko ang kanyang laptop sa side table na ginamit niya kanina ngunit di ko siya makita. Nagtungo muna ako sa banyo para mag toothbrush at mag-hilamos. Pagkatapos ko ng banyo, lumabas ako at iginaya ako ng aking tiyan sa kusina. Nagutom ako bigla ngunit bago pa man ako makarating at makapasok sa kusina may naamoy ako ang halimuyak ng pizza. Nagmamadali akong pumasok at nakita ko siya duon sa kusina na may nakapatong sa lamesa na pizza. Nakatalikod siya sa pintuan kaya dahan-dahan akong lumapit sa kanya. "Ang sarap naman ng pizza," saad ko. Nakita ko siya kung paano nagulat. Muntik siyang mapatalon ng bigla akong nagsalita sa likod niya. Napaharap siya sa akin , dahil malapit ako sa kanya ay bumangga ang mukha niya sa dibdib ko. Napa-hawak siya dito saka niya ako tiningala. Nakaawang ang kanyang mga labi. Natutukso akong halikan siya ngunit nakapagpigil ako. Nag tama ang aming mga mata ng ilang minuto. Ako ang unang bumawi sa titigan namin. Nang matauhan siya ay biglang lumayo sa akin. Kumuha ako agad ng niluto niyang pizza saka ako nagsubo. "Wow ang sarap!" gusto ko ang lasa at sunud-sunod ako kumuha dahil sa gutom ko. "Are you so hungry, do you?!" Pa-galit niyang tanong sa akin. "Yes, gutom ako,Miss Alonzo, salamat naman at nagbaked ka," malamig kong tugon. "Nagtatanong lang, Mister Guard," sabi pa. "You're a good cook," pagpuri ko sa kanya. Bigla akong na-lungkot dahil may naalala ako. Nagmadali kong inubos ang aking huling pizza saka ako umalis agad sa kusina. Nagtungo ako sa bar counter, nagsalin ng alak saka ko tinungga ito. Naalala ko si Elissa dahil kay Stephanie. Binili ko ang oven na iyon dahil alam kong magaling magbake si Elissa. She reminds me of her. This heart must forget Elissa already. Naka-ilang tungga na ako saka ko pa lang naramdaman ang pagkahilo ko. Pumasok ako sa kwarto ko para di ako makita ni Stephanie na naglalasing. Di pa naman ako gan'on kalasing dahil naalala ko pa rin na nasa puder ko siya. Sa oras na ito ay duty ko pa lang siya na bantayan kahit nasa condo ko. Naiinis akong pumasok sa aking banyo upang maligo para mawala ang amoy ng alak sa katawan ko. Pagkatapos ko maligo, lumabas na ako ng banyo para magbihis. Papunta ako ng sala ng madaanan ko siya sa kanyang pwesto. Nakatutok ulit sa kanyang laptop. "Ang bilis naman niyang nag merienda," sabi ko pa sa isip ko. "Nagtira pa ako ng pizza para sa iyo, Mr Guard," sabi nito ng madaanan ko. "Leave it there," pabalang kong sagot. Na-i-inis ako sa loob ko dahil pinakialaman niya ang gamit namin dati ni Elissa. "Next time don't just use my things here," ang naisatinig ko. "Atleast, kumain ka naman," tugon niya sa akin. Lumingon ako sa kanya ngunit nakita kong nakangiti pa sa akin. Dahil sa pag-kainis ay nagtungo na lang ako sa salas upang mabantayan ang dalagang ito. Nakita sa gilid ng mata ko ang pagtaas ng gilid ng kanyang mga labi. Hindi ko na lang ito pinansin dahil baka mag-init ang ulo ko na wala sa oras. Dahil nakapatay ang TV, humiga ako ulit sa couch. Isinuot ko ang aking earphone dahil isang oras mula ngayon ay tatawag si Mister Alonzo para kamustahin ang anak. Ipinikit ko ang aking mga mata hindi dahil gusto ko matulog ngunit gusto ko lang ang nakapikit. Nakikinig ako ng music habang nag-ta-trabaho ang kasama ko dito sa condo. Pagkatapos ng isang oras ay narinig ko na ang tinig ni Mister Alonzo sa head phone ko. "Clark, susunduin ko si Stephanie, diyan sa condo mo, iuwi ko muna sa villa. Duon mo na sunduin bukas ng umaga," bilin nito sa akin. "Yes, sir." Pagkatapos ng aming pag-uusap, bumangon ako upang ipaalam kay Stephanie na susunduin ng Daddy niya. Wala na siya sa kanyang upuan kanina, baka pumasok na sa kwarto niya. Nagtungo ako duon para katukin siya. Itinaas ko ang aking kamay ngunit biglang nagbukas ang pinto. Bumungad sa akin ang ma-bango at naka-re-touched na inosenteng dalaga. Ibinaba ko ang aking kamay na nakataas sa ere. "Alam ko na sunduin ako ni Daddy, dito." "Good," sabi ko sa kanya kasabay ng pagtalikod ko. Nauna na akong nagtungo sa sala para maupo habang hinihintay ang pagdating ng Daddy ni Stephanie. Nakasunod naman agad siya sa sala dala ang kanyang mga gamit. Pagkaraan ng isang oras ay dumating na ang hinihintay namin. Kinuha ko ang mga gamit ni Stephanie saka kami bumaba sa parking lot. Pagbukas ng pinto ng kotse ni Mister Alonzo, ay pumasok agad siya sa loob. "Tatawag ako kapag may kailangan pa at iuutos para sa anak ko," sabi ni Mister Alonzo. "No problem sir," sagot ko. Bumusina na siya kasabay ng mabilis na pagtakbo ng kotse paalis. Tumalikod na ako para umakyat sa taas pabalik sa aking condo unit. Dahil ang garahe ng condo ay nasa basement, mag-isa akong nagtungo sa lift para makabalik sa aking unit. Nakita ko ang mga kalalakihan sa isang dulo na parang may mga meeting. Ayon sa galaw ng nagsasalita parang galit ito at dinuro-duro ang kanyang mga tauhan. Dali-dali akong naglakad ng mabilis upang makapasok agad sa lift bago nila ako makita. Nagtatanong ang aking isipan dahil sa nakita ko, sino ang mga lalaking iyon? May sinusundan kaya sila at naliligaw sila? Hindi naman sila ang mga lalaking na engkwentro namin kaninang umaga ni Stephanie. Teka, hindi kaya si Mister Alonzo ang sinusundan? Na-alerto ako sa aking iniisip. Nagmadali akong pumasok sa loob ng unit ko saka ako nagtungo sa bar counter. Dito ko nilapag kanina ang laptop ko bago kami lumabas patungo sa garahe sa basement. Binuksan ko ang laptop ko para i-monitor kung nasaan na ang mag-ama. Gumaan ang pakiramdam ko ng makita ang lokasyon nila, malapit na sa kanilang villa. Kinuha ko ang isang notebook ko at nagsulat dito ng naobserbahan ko maliban sa kopya ko sa laptop. Notebook ang dala ko araw-araw para may kopya ako lagi dahil kasama ito sa trabaho ko bilang bodyguard ni Miss Alonzo. Pagtiklop ng laptop ko, ay pumunta ako sa may sala at kinuha ko ang isang metal na gamit ko sa drawer sa ilalim ng closet na pinag-ibabawan ng TV. Isinabit ko sa likod ko saka ako lumabas. Naglakad ako sa mahabang pasilyo hanggang sa makarating ako sa lift. Sumakay ako patungo sa ground floor. Papunta ako sa office ng taga-monitor ng CCTV camera dito sa buong building. Huminto ako sa may salamin ang pintuan, nakita ako agad ni Mister Soriano na nasa loob. Pinapasok niya ako. "Oh pare, ano ang maipaglilingkod ko sa iyo?" tanong niya habang nakaupo na ako sa upuan na katapat ng kanyang lamesa. "Pare, pwede ba natin tingnan ang kopya ng CCTV sa garahe sa basement ng oras na alas-sais y media kanina lang?" "Sure, basta ikaw nanginginig," kasabay ng kanyang pagtawa. Binuksan niya ito at nakita niya ang nakita ko. Ngunit ang mga grupo ng mga lalaki na nakita ko kanina ay wala na sa oras na ito. Nakita ko ang papel at ballpen sa lamesa ni Pare Soriano, kinuha ko agad saka ako nagsulat. Para sa kanya simple lang ang mga tao na nagmi-meeting kanina. Binigay niya sa akin ang kopya pagkatapos niyang maiprint. "Sige, Pare, salamat ha," sabi ko sa kanya. "Walang anuman, Pare." Tumayo na ako at naglakad palabas sa office ni Mister Soriano. Mabilis lang ako nakabalik sa aking unit. Inayos ko ang papel na kopya ko kanina at idinagdag ko sa aking kopya. Pinicturan at itinago sa aking mga files sa laptop. Alas-otso na ng gabi, lalabas ako ngayon papuntang bar para matuloy ang naudlot kong pag-inom. Mahirap uminom mag-isa dito sa bahay. Gumayak ako para makaalis na. Pinaharurot ko ang aking sasakyan ng mabilis makarating sa bar. Panibagong araw at nakahanda na ako para sunduin si Miss Alonzo sa kanilang villa. Pagdating ko sa gate, binusinahan ko na lamang siya. Ilang minutos pa bago lumabas mula sa villa, hindi na ako nag-abala pa para pagbuksan siya ng pinto ng kotse dahil nasa loob ako ng bakuran nila. "Hi, Mister Guard," pag-bati niya sa akin. "Good morning, Miss Alonzo." Pinaandar ko na ang sasakyan pagkatapos niyang maiayos ang kanyang seatbelt. Nakikita ko siya sa side mirror na busy sa kanyang cellphone. Minsan ngumingiti ng mag-isa dahil siguro may kausap sa kanyang cellphone. Kapag pinagmamasdan ko ang babaeng ito ay naaalala ko si Elissa. Mas lalong humigpit ang hawak ko sa manibela. "What's wrong?" biglang pag tanong niya sa akin. "Nothing, just mind your business," pabalang kong pagsagot sa kanya. Di Ko maintindihan ang sarili ko kung bakit gan'on ang sagot ko sa kanya. To think na amo ko rin ang babaeng ito, hindi lang ang kanyang ama. Nagbuga ako ng hangin. "I am sorry," bigla ko na lang nasabi. "For what?" she asked. "For being snobbish?" nakangisi ng pag-tanong niya. "Yeah." "It's, okay nothing wrong about it. You look more handsome with that," pahayag pa niya. Tumaas ang kilay ko sa pag-puri niya sa akin. Alam ko gwapo ako kaso diko alam kung namumuri ba siya o nang-aasar? Winaksi ko ang iniisip ko, pinagtuunan ko na lang ng pansin ang kalsada. Tumahimik ang magandang binibini ng hindi ko na ito pinansin. Mataman ko tiningnan ang mga katabi naming sasakyan baka maulit na naman kahapon na may sumusunod sa amin. Hanggang ngayon hindi pa mawala sa isip ko ang mga napansin ko kagabi. Doble ingat ang ginawa ko, malalaman ko rin kung sino ang mga iyon. Nakarating kami ng opisina ng maaga dahil wala pa masyadong sasakyan sa daan. Pagkatapos ko siya maihatid sa opisina sakto naman ang pagdating ni Mister Alonzo. Saludo ako sa kanya, sumunod ako papunta ng opisina niya dahil kailangan kong ireport ang mga naobserbahan ko kagabi. Naghintay muna ako ng limang minuto upang makapag pahinga bago ako mag report. "What is it, hijo?," ang panimula ni Mister Alonzo. "Nais ko lamang po ibigay ang kopya nito. Nakita ko sila na nagmi- meeting sa garahe pagkaalis ninyo ni Stephanie," mahaba kong linya. "Salamat,hijo, sa impormasyon, itatawag ko ito sa private investigator namin at mag-ingat ka para sa anak namin. Ikaw lang ang pinagkakatiwalaan ko dahil kumpare ko ang Daddy mo," sabi ni Mister Alonzo. "Makakaasa kayo, alis na ako." "Sige,hijo, salamat." Tuluyan na akong lumabas mula sa CEO Office. Pagbalik sa work area ni Stephanie ay nakatutok siya sa kanyang laptop, masipag din ang dalagang ito. Bata pa pero dedicated na sa negosyo nila, "maswerteng dalaga." Umiling ako para maalis sa utak ko kung anuman ang iniisip ko ng nakita kong sumulyap siya sa akin. Ngumiti siya ng nakita niya akong nakatingin sa kanya saka agad ibinaling ang tingin muli sa sa laptop. Ginawa kong busy ang aking mga mata, nagmamanman sa paligid para sa kaligtasan ng Alonzo unica, hija. Panay din sulyap ng mga ibang kababaihang employado dito. May mga nagpapansin sa pamamagitan ng paglakas ng boses. Hindi ako isnabero kaya maayos ang pakikisama ko sa kanilang lahat. Ilang lang talaga ako kapag dumidikit sila sa akin. Naisipan kong tingnan ang aking relong pambisig at ito ay alas-diyes na pala ng umaga. Oras na para mag-merienda, lihim akong napangiti dahil sa reaksiyon ni Stephanie ng makita ako na tumingin sa aking relo. Nagsi tayuan ang mga ibang empleyado para magtungo sa cafeteria. Pinagmasdan ko siya sa kanyang likod dahil nag-retouch pa siya bago tumayo na nakita ko sa screen ng kanyang desk top. "Let's go," ang narinig ko ng tapat siya sa akin. Sumabay na kami pumasok sa lift dahil nauna na ang iba pa sa ibaba. Nauna akong naglakad ,dinig ko ang tunog ng kanyang takong na sapatos na humahabol sa akin. Humarap ako para makita siya sa likod ko ngunit nabangga niya ako. Agad ko siya nayakap sa kanyang baywang dahil matutumba ito kapag hindi ko gagawin. Bumitaw ako agad bago pa may makapansin. Nagtuloy lang ako sa paglakad ngunit dahan-dahan na dahil nahihirapan siya sa paghabol sa akin. "Salamat sa pagsalo sa puso ko ay este sa akin ha," sabi nito habang papasok kami sa cafeteria. "Welcome, better careful next time," malamig kong tugon. Naghahanap ako ng upuan, saka sumunod sa kanya sa pagpili ng aming kanya-kanyang pagkain. Pagkatapos maka-kuha ay magkasama kaming nag-tungo sa mesa upang mag merienda. Dahil sa gutom ay tahimik ang dalaga sa kanyang pag miryenda. Pagkatapos namin ay saka nagsilapitan muli ang kanyang mga kaibigan dahilan para dumistansya ako sa kanila upang mabigyang -laya sila na makipag-tsikahan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD