BLANKO ang ekspresyon ng muka ni Coleen na lumabas sa Room F. Bakas sa mga mata niya ang ilang araw niyang walang tulog. Patuloy siya sa paglalakad hanggang sa marating niya ang pharmacy station. Wala siyang imik na nakatayo sa harap ng pila kaya naman sumenyas sa kanya yung naka ngiting staff ng pharmacy para iabot yung valid ID na hawak niya sa kanan niyang kamay.
"Need lang po i-verify bago i-print yung reseta ninyo." paliwanag pa nito.
May binanggit pa ito na ilang mga gamot na nakalista duon sa binabasang reseta sa computer at tinatanong siya kung duon na ba niya lahat bibilhin. Hinagilap ni Coleen yung wallet niya kung meron pa ba siyang ipangbabayad.
Ika-23 ng buwan ngayon, dalawang araw pa bago ang araw ng sweldo niya. Napailing nalang siya habang humuhugot ng pera. Paniguradong malaking halaga ang aabutin ng kailngan niyang bayaran at kukulangin ang budget niya hanggang sweldo.
"Yung pinaka importante nalang po muna."
"Yung anti-depressant nalang po muna at pampa kalma?"
Nakaramdam siya ng biglang paginit ng ulo sa tanong nung staff pakiramdam niya ay nakatingin sakanya lahat ng tao sa lobby ng clinc. Pinag tatawanan ba nila ako?? Iniisip ba nilang baliw ako?? Kahit aligaga-- pasimpleng nagpapaling paling ng tingin si Coleen sa paligid niya.
Nagumpisa siyang pagpawisan ng malamig.
"Miss?"
Bumalik siya sa huwisyo nang tapikin siya ng nurse na napadaan. Naalala niya na nasa isang Psychiatric clinic siya ngayon at walang sense para maging conscious pa siya sa iisipin ng tao sa paligid dahil ang katotohanan palang na dito siya nag pakunsulta ay kompirmasyon na may pinagdadaanan siya sa kanyang mental health.
Humugot muna siya ng ilang malalalim na buntong hininga bago muli nag salita. "Paki sama na din po yung sleeping pills. Thank you."
Hindi niya napigilan pang mapa-ismid nang ngumiti ulit sa kanya yung babae bago tuluyang tumalikod para kunin yung mga gamot na binibili niya. Napapikit siya ng madiin at minasahe yung kanan niyang sintido.
Kailangan ko nang makainum ng gamot.
PAGKATAPOS mag bayad ng pinamili niyang gamot, naupo muna si Coleen sa isa sa mga bench ng waiting area. Kailangan niyang mag text sa kanyang supervisor na hindi muna siya makakapasok para sa mamayang gabi niyang shift. Sabi kasi ng doktor niya kanina, mas makakabuti para sa kanya ang mag pahinga na muna sa trabaho. Sana lang ay hindi ito magalit at sesantehin siya. Nakailang ulit na din kasi siyang umabsent ngayong buwan.
Uuuwi na ba ako? Paulit-ulit na tinatanong ni Coleen ang sarili niya.
Kahit ayaw niyang umuwi, tila awtomatiko namang lumalakad ang mga paa niya sa direksyon ng bahay nila.
Gusto niyang lumihis ng daan papunta kung saan, pero patuloy pa din yung mga paa niya sa pag tumbok ng walang katao-taong eskenita at ilang kanto nalang ay apartment na nila.
Lumabas sa isip niya yung imahe ng kama na tinutulugan niya. Ayun ang kailangan niya ngayon at ilang pirasong sleeping pills. Gustong gusto na niyang mag pahinga dahil sobrang bigat ng pakiramdam niya at nanghihina na rin siya dala ng kawalan niya ng ganang kumain nitong mga nakaraang araw. Sana lang ay wala duon ang uncle niya ngayon.
* * *
NAG UMPISANG mamuo yung malalaking butil ng pawis sa noo niya habang papalapit ng papalapit siya sa pintuan ng apartment. Nakaramdam din siya ng pamamawis ng palad. Malayo palang kasi siya ay dinig na niya ang mga nag kakalansingan mga bote at ang hagikgik ng Uncle niya. Paniguradong lasing na naman ito. Gusto pa ba niyang pumasok sa loob?
Nanginginig ng buong kalamnan niya habang dahan-dahan niyang pinihit yung door knob. Papasok na ulit siya sa impiyerno.
Isang malutong na mura ang bumungad sa kanya.
"Dumating na din sa wakas ang puta. Ano?? Umalis lang ako saglit, nawala ka na agad!? Tinatakasan mo ba ako??" umamba pa ito na babatuhin siya ng bote ng alak kaya awtomatikong yumukod si Coleen at pinansalag ang parehong braso.
"Tama na yaaaan--" awat naman ng prosti na kainuman pala ng uncle niya. "Hayaan mo na siyaaa! Mag shot nalang tayoo." saka pasimpleng sumensya sa kanya na umalis na siya. Hindi niya tuloy alam kung dapat ba siyang mag pasalamat duon sa ginawa nung prosti o hindi.
Mabilis na kumilos si Coleen papunta sa kanyang kwarto at nag lock agad ng pinto. Grabe pa din ang panginginig ng buong katawan niya dahil sa takot.
Madalas mangyari yung ganung eksena sa bahay nila. Gabi gabing lasing ang uncle niya, gabi gabi din siyang ginugulpi nito. Pero kahit na paulit ulit lang ang nangyayari, hindi din naman niya magawa ng umalis sa puder ng uncle niya dahil ito nalang ang natitira niyang kamag anak. Kung lalayas siya, saan naman siya tutuloy?
Tinignan niya ang sarili sa harap ng salamin na nakadikit sa aparador.
Payat ang katawan niya, maputla ang balat at may ilang pasa sa muka at braso. Nagbabalat din ang mga labi niya at halatang hindi pantay ang pagkakagupit ng kanyang buhok. Isa-isang bumagsak yung mga luha niya. Ano bang ginawa kong mali? Paulit ulit na tanong niya sa sarili niya.
Nakakapagod na! Isang malakas na tili ang pinakawalan niya saka binato ng kung anong nadampot niya duon sa salamin.
Nagkalat yung mga bubog sa lapag pero wala na siyang pakealam. Pagod na pagod na siya sa ginagawa ng uncle niya kaya mabuti pang umalis na siya bago pa siya matuluyang mabaliw!
Kinuha niya yung travel bag na tinabi niya. May ilang mga damit duon na naka empake na. Matagal na niyang pinaplanong lumabas sa impyerno na bahay na yun at eto na ang pagkakataon!
Ihinagis niya yung bag sa bintana ng kwarto dahil alam niyang makakasagabal yun sa pag takbo niya palabas. Pupulutin nalang niya ito mamaya sa baba.
Tinignan pa niya kung saan eksaktong nahulog yung bag saka siya kumaripas ng takbo palabas.
Narinig niyang nagsisisigaw yung uncle niya pag labas niya. Hindi na siya lumingon pa at kahit nanghihina, pinilit niyang mag madali ng pagtakbo. Sana lang ay pigilan siya ulit nung prosti.
PAGKAKUHA niya ng travel bag sa baba-- ATM machine agad ang pumasok sa isip niya. Dalawang libo nalang ang laman ng card niya pero sapat na yun para tuluyang makalayo-layo. Bahala na kung sa kalye nalang siya titira at magpapakalat-kalat, hindi na niya kayang tiisin pa yung demonyo niyang Uncle.
Hindi naman siya nabigo, may isang ATM machine 'di kalayuan at kahit humahangos ay tuloy lang siya sa pag withdraw ng pera.
Kadalasan isa hanggang dalawang minuto lang ay matatapos ka na agad sa pag kuha ng pera. Pero sa gabi ng ito-- pakiramdam ni Coleen yun ang pinaka mahabang dalawang minuto ng buhay niya.
"Sinasabi ko na nga ba't dito ka pupunta!" para siyang binuhusan ng malamig na tubig nung narinig niya yung boses na yun. Yung Uncle niya-- papalapit sa kanya at nanlilisik yung mata.
"At may balak ka lang itakbo saken 'tong pera na 'to?!" hinablot ng matanda ng lalaki yung buhok niya saka inagaw ang pera.
Napansin niyang may hawak-hawak pala itong balisong. Sigurado siyang sa pagkakataon ito, yung panaksak na yun ang tatapos ng buhay niya.
"T--tulong..." mahina at paos na ang boses ni Coleen.
"Palagay mo may sasaklolo sayo dito??! Wala! Kaya mag dasal ka na!"
Pinilit niyang sipatin yung daan baka sakali lang na meron- pero walang ibang tao sa paligid.
Kung ngayon man siya mamamatay, atleast matatapos na lahat ng pag hihirap niya. Makakasama na niya yung mga magulang niya. Parang mas maganda pa nga yun. Sang ayon pa ng isip niya.
Pinikit nalang niya ng mariin yung mga mata niya at hinintay ang kapalaran niya-- kamatayan.
Laking gulat ni Coleen nang halos mapasubsob siya sa lupa-- may biglang humawi sa kanya!
"Bitawan mo 'kooo!" atungal naman nung Uncle niya.
May pumigil pala saknya. Sa pangalawang pagkakataon, hindi niya alam kung dapat ba siyang mag pasalamat dahil naligtas siya.
"Marunong ka ba talagang gumamit nito?" pinilipit nung babae yung isang braso nung matanda saka inagaw yung balisong.
Sinubukan namang pumalag nung matanda. "Sino ka ba!? Bakit mo ako pinapakealaman kung papano ko disiplinahin ang pamangkin ko?!"
Ngumiti yung babae at bumulong sa tenga niya. "Of course you don't know me..."
"Anong pinagsasabi mo?? Sino ka bang putangina ka??!"
"I wonder, what will happen if I will do this."
Kitang kita ni Coleen yung ginawang pag hiwa nung babae sa leeg nito gamit yung balisong. Hindi yun ganun kalaki pero agad na umagos yung dugo pababa sa damit niya. Siguradong sobrang sakit nun pero tila may mali dahil naka ngiti lang ito sa matanda? Isang madilim at nakakatakot na ngiti.
Gulat na gulat yung matanda nang binalik yung balisong sa kamay niya. Para siyang naistatwa kaya naman walang kahirap-hirap na nagpapulupot yung babae sa braso niya. Ngayon para na niyang gigilitan yung leeg yung babae. Sinubukan niyang kumawala at bawiin yung braso niya pero mahigpit yung pagkakakapit sa kanya.
Teka ano bang nangyayari? Ano bang ginagawa nang babae na 'to? Saan ba 'to galing? Hindi ko naman siya kilala!
Biglang pumalahaw ng iyak yung babae, nagtitili ito at sumigaw ng tulong. Ilang saglit lang ay narinig nilang may paparating na sasakyan pulis direksyon nila.
"Tulong! Tulong po! Please parang awa niyo na wag niyo po akong papatayin!"
Wala nang nagawa ang Uncle ni Coleen kundi itaas ang kanyang kamay at sumuko nang mapalibutan na sila ng mga pulis. Hindi siya makapaniwala sa ginawa nung babae kanina. Na-set up siya! Yung puta na yun??! Nagawa pa niyang mag hanap nang magsesetup sa akin!
Coleen's POV
"DEMONYOOO! Demonyo-- demonyo yung babae na yaaaann! Sinet up lang nila ako! Bitawan niyo ako!" nagpupumiglas pa si Uncle habang pinoposasan ng mga pulis.
"Ikaw ang demonyo dito tanda! Huling huli ka na sa akto kaya manahimik ka!" saway nung pulis na may dadala sa kanya.
Inakay naman ako nung rescue team papunta duon sa kakarating lang na ambulansya.
Ramdam ko pa din yung panginginig ng buong katawan ko dahil sa takot. Pangilang beses ko na bang natakasan ang kamatayan? Kung swerte man ang tawag dito, 'di ba dapat masaya ako?
Pinaupo ako sa loob ng ambulansya at inabutan ng bote ng tubig.
Nanduon din yung babae kanina. Nakahiga siya sa stretcher at puro dugo. Okay lang kaya siya? Bakit niya ginawa yun sa sarili niya? Hindi ba siya takot mamatay? Pero hindi siya dumating kanina at hindi niya ginawa yun, malamang isa na akong malamig na bangkay ngayon.
Napa tanga ako sa kanya. Ngayon ko lang nakita ng maayos yung muka niya. Ang ganda niya. Kahit pa puro dugo at walang emosyon yung eskpresyon ng muka niya-- papaka ganda niya. Mahaba at alon-alon yung itim niyang buhok, matangos ang ilong, mapungay yung mga mata niya, saka maninipis yung... Napakagat ako sa labi ko.
Parang natunaw lahat ng kaba at takot ko. Wala akong ibang nararamdaman ngayon kundin yung kakaibang excitement na dala ng presence niya.
Gusto ko pa sana tanungin kung anong pangalan niya kaso sumakay na yung dalawang rescue members at umandar na yung ambulansya.
"Wag na po kayong mag alala miss, safe na po kayo." paniniguro nung isang crew saken habang nasa biyahe kami.
Isang pilit na ngiti ang sinagot ko sakanya pero hindi pa din natatanggal yung paningin ko duon sa babae. Gusto kong makabisado yung muka nang nagligtas saken.
Kailangan kong makabisado yung muka niya dahil magkikita pa kami ulit.
* * *
MAHIGIT 1 year na yung nakakalimpas pagkatapos makulong ng uncle ko. Dito pa din ako sa apartment namin nakatira pero mas panatag na ako dahil nakasuhan na ng panghabambuhay na pagkakakulong yung halimaw na matanda na yun.
Naging laman ako ng national news ng ilang linggo at salamat duon dahil may ilang nagbigay saken ng donation para makapag simula ulit ako. May nag offer saken ng bagong trabaho at nakaipon na din ako ng pera para sa sarili ko. Regular na akong naka kakaen at nakakainum ng gamot. In short, maayos na ang buhay ko ngayon.
Sa tuwing maalala ko yung nangyari saken, napapangiti na lang ako at nagpapa salamat na nalagpasan ko lang ng yun.
"Train 275 express ride has arrived, please line up and get ready to board the train."
Naputol yung pag mumuni-muni ko. Kailangan ko nang pumila dahil medyo madami ang tao.
Mabilis na napuno yung mga upuan kaya naman tumayo nalang ako sa gilid at himawak sa railing.
Hindi naman nag tagal at umandar na din yung train. Pero hindi ako mapa lagay. Hindi ko kasi siya makita!
Hindi ako pwdeng mag kamali! Dapat nandito siya! Kailangan nandito siya!
Nakumos ako ng mahigpit sa strap ng bag ko. Naguumpisa na akong mahirapan huminga! Hindi pwde-- hindi ko dala yung gamot ko para sa panic attacks!
Naka ilang beses pa akong nag pabaling-baling at nakita ko din yung pamilyar na muka 'di kalayuan kung nasaan ako. Napanatag na yung kalamnan ko-- akala ko hindi ko siya makikita ngayon.
Maingat akong lumakad papunta duon sa pwesto niya pero imbes na i-approach ay yumuko lang ako at nagdasal na sana hindi ako mapansin.
Gabrielle Ruedas Skribikin...
Inubos ko halos buong oras ko sa loob ng isang taon sa pag hahanap sa kanya. Kung anong pangalan niya, hinanap ko ang mga social media accounts niya, inalam ko kung saan siya nag aaral, kung saan siya nakatira-- lahat ng bagay tungkol sa kanya. Masaasbi kong nag bunga din ang lahat ng paghihirap ko dahil heto ako ngayon-- kaharap siya.
Balang araw magkakaroon din ako nang lakas ng loob na makausap siya.