Chapter 2

2737 Words
Coleen's POV NANGINGINIG yung kamay ko habang naka hawak sa doorknob. Ayaw pa din bumukas ng pinto! Pangalawang beses ko nang sinusubukang buksan yung digital lock pero mali pa din. Kinakabahan na ako! Susubukan ko pa bang ilagay yung susunod na combination? Baka kasi biglang mag alarm pag mali pa din ang nailagay kong pass code sa pangatlong try. Paniguradong pupuntahan ako nang security guard dito. Hindi ako pwdeng mahuli! "Excuse me-- ma'am?" nanigas ako sa kinatatayuan ko. Eto na nga ang kinakatakot ko! "Nakalimutan niyo po ba yung password ng lock o nawala yung visitor's card niyo? Napansin ko po kasi na kanina pa kayo dito. Gusto niyo po tawagan ko yung may ari ng unit para pag buksan kayo?" Nanatili lang akong naka tayo at walang imik. Paano ba 'to? Kung hindi ko siya papansinin baka baka paghinalaaan ako. Siguradong palabasin nila ako ng building or worst, baka tawagan nila si Gabrielle! Kinumos ko muna yung papel na hawak ko bago humarap. "Ahh-- tinawagan ko na si Gabrielle. Papunta na siya dito." diretcho akong tumingin sa mga mata nung guard habang nagsasalita para hindi niya mahalatang nagsisinungaling ako. "Ahh kaibigan po pala kayo ni Miss Gabb! Sige po kung may kailangan po kayo, punta lang po kayo sa front desk sa baba." Paulit-ulit na nagpa-flash back sa isip ko yung pangyayari nung isang araw. Muntik na akong mahuli. Hindi ko kasi agad napansin yung CCTV camera na nakainstall 'di kalayuan sa unit ni Gabrielle. I should be more careful. What if ni-report na pala ako nung guard sa kanya? "Miss Trinidad?" tinatawag pala ako ng professor para sa recitation. Nahimasmasan ako sa pag o-over think ko. Nakasagot naman ako ng tama sa recitation-- kahit papano may naiintindihan pala ako sa lecture kahit pa hindi ko interesado sa subject namin na Clinical Psychology. Napalingon ako sa direksyon ni Gabrielle pagkatapos kong sumagot. Focused siya sa discussion at sobrang seryoso ng muka niya. She's so pretty! Every time I look at her-- mas lalo kong nare-realize na worth it lahat ng mga ginawa ko nuon para lang mahanap ko siya. Mga pag pe-pretend ko para lang makapuslit ko sa files nung mga pulis, medical records sa pinag dalhan naming ospital, yung pagbabad ko buong magdamag sa kaharap ng computer kaka-stalk sa kanya sa lahat ng social media accounts niya. I feel so restless-- thinking about her day and night. Kung anong bang ginagawa niya. Kung ano yung iniisip niya. She became my obsession ever since nung gabi na niligtas niya ako. Because of her nagkaroon ulit ako ng reason to live my life-- to be with her. Naalala ko nung unang araw ko dito sa university, nag kasalubong kami sa hall way ng Science building. Sobrang naexcite ako! Sikat pala siya, mabait at sobrang pala kaibigan-- ibang-iba sa una naming pagkikita. Tinawag ko siya-- pero tinignan lang niya ako na parang hindi niya ako matandaan. But that didn't discourage me at all and ever since dumating ako sa university na 'to-- sa mundo ni Gabrielle, buong araw ko siyang pasimpleng sinusundan kung saan-saan. Kilala ko na din yung mga kaibigan niya dahil sa social media pati yung taong ayaw na ayaw kong kasama niya. That pervert guy! Bumalik sakin yung inis na nararamdaman ko ever time na makikita kong magka-holding hands sila. Every time na binababoy siya nung lalaki na yun and she's just fine with it. Gustong gusto ko silang sigawan-- gusto kong alisin yung mga maruruming kamay na nakahawak sa kanya. Gusto kong tanungin si Gabrielle kung sino ba yun? Bakit hinahayaan niya lang? Sila ba? Pero sino ba ako para i-question yung mga ginagawa niya? I'm just me-- her stalker. You see Gabrielle, our norms dictates that women are only for men and that makes me-- my feelings for you to be not normal. Not acceptable for the majority of our society. Pero paano ako hihinto? Every time na makikita ko yung mukha mo or maalala lang kita saglit-- yung bliss na nararamdaman ko. Ang hirap-- kasi siguro this is the first time na nakaramdam ng ganito for someone and I will never gonna stop until you're mine. Napakagat ako sa labi dahil sa namumuong kirot sa lalamunan ko. I tried to push it down. This is not a good time para mag break down. Nuon ko lang narealize na matagal na pala akong nakatitig sa kanya, when I was caught off guard kasi bigla siyang lumingon sa direksyon ko. Nagtama yung mga mata naming dalawa. Isa, dalawa, tatlo-- parang huminto yung oras ng ilang segundo habang nakatingin siya saken. Then it happened. Ngumiti siya sa'kin! Napaiwas ako agad tingin. Ramdam ko yung pamumula ng pisngi ko. Bakit ba kasi kailangan kong matulala sa kanya? Na-weirdo-han kaya siya sa'kin? Pasimple ulit akong lumingon sa kanya. Naka focus na ulit siya sa discussion. Napangiti na lang din ako. * * * NAGMAMADALI nag silabasan ng classroom yung mga kaklase namin pagkatapos kaming i-dismiss ng professor. Last subject ko naman na 'to kaya hindi na ako nakisabay sa mga siksikan palabas. Kalmado lang din ako dahil natatanaw ko pa si Gabrielle sa pwesto niya-- nakikipag usap sa mga kaibigan niya. Nag ayos lang muna ako ng mga gamit ko. Halos sinukin ako sa gulat nang biglang sumulpot yung maganda mukha ni Gabrielle sa harap ko. Anong meron? Did she already know what I'm doing? Nagumpisang manginig yung mga kamay ko. Papaiwasin na ba niya ako? Isusumbong naba niya ako sa mga pulis? Why is she smiling? "Hi!" "Ahh-- hello?" "I'm Gabb..." ang friendly ng boses niya. "and you are?" "C--Coleen." "Parang nakalimutan mo pa 'ata ah?" nakakatawa niyang sabi. Nakakatawa naman talaga dahil hindi eto yung first meeting namin pero ngayon lang kami nagkaroon ng actual na conversation. Ano bang dapat kong sabihin? Sobrang nakaka-overwhelm! "Anyway, our classmates are having a party tonight and everyone's invited. Pumunta ka ha?" "Huh!? Ehh kasi--" Yumuko siya papalapit sakin saka bumulong sa tenga ko. "I've decided that you'll be my date, so-- don't turn me down, okay?" what? Gusto niya akong maka-date? Agad kong hinanap yung mukha nung lalaking laging nakadikit sa kanya. Wala siya. Pero-- bakit ako? Hindi ko alam kung ano bang dapat kong isagot sa kanya. Napansin ko na nakatingin din pala sakin yung mga kaibigan niya. Do I need to say something? Tumango nalang ako. "Good! I'll text you kung saan yung venue." saka niya inabot sakin yung cellphone niya. Mas lalo akong nag panic. Totoo ba 'to? I quickly typed my number. Baka kasi mapansin niyang nanginginig yung kamay ko sa sobrang tense. She winked pagkaabot ko sa kanya nung cellphone. "I'll see you later." Sinundan na siya ng mga friends niya palabas ng classroom, leaving me-- still in a state of shock. She asked me out. Gabrielle just asked me out! Gosh! Wala na akong panahon para isipin pa kung bakit biglaan yung pag invite sakin ni Gabrielle basta ang importante, mamaya ako ang date niya sa party! Teka-- ano palang susuotin ko? Napatingin ako sa suot ko ngayon--loose na t-shirt, oversized na jacket at 2 day old na skinny jeans. Sigurado akong ganito din ang lahat ng laman ng cabinet ko sa apartment. I checked my wallet at mukhang hindi kakayanin ng budget ko ang bumili ng mga bagong damit. Fresh pair of clothes and ligo nalang siguro. Bahala na! * * * HINDI naman ako pinaasa ni Gabrielle at itinext niya sakin kung saan yung venue ng party. Medyo may kalayuan yung mapili nilang lugar kaya kahit 9pm pa mag i-start yung party umalis na ako ng apartment nang 7pm. Gaya nang napag desisyonan ko kanina, naligo lang ako at nagpalit ng damit pero ganun pa din yung ayos ko-- t-shirt, oversized jacket, skinny jeans at lumang sneakers. Hindi naman ako pansinin kaya okay lang siguro 'to. Habang nasa biyahe, I can't stop thinking kung ano bang suot ni Gabrielle sa party. Halos araw-araw kasi sa school laging pang i********: yung mga pormahan niya. Kaya siguro ganun nalang din siya ka-sikat. Gusto ko sanang i-check yung mga social media accounts niya ngayon kaso lang medyo impossible dahil basic phone lang ang gamit ko. Nataranta ako nang biglang tumunog yung alarm ng cellphone ko. Hinugot ko sa bulsa ng bag ko ang isang kulay pula na clam phone saka pinatay yung alarm. Oras na pala ng gamot ko kaya nilabas ko yung water bottle na dala ko pati yung maliit na medicine organizer. Yung pangpakalma na ang inuna ko. I might need it for later. Hindi ko kasi mapigilan minsan yung pagka over whelm ko every time na malapit sakin ni Gabrielle. Napatingin ako sa labas ng bintana ng bus. Konting oras pa, I'll get to see her again.. * * * THE REVEL Almost ten minutes na akong nakatayo sa labas ng venue. Hindi naman ganun kadami yung mga tao dito at familiar na mga mukha din yung nakikita ko-- mga kaklase ko halos pero nag dadalawang isip akong pumasok. Nagsusumigaw kasi yung suot ko ngayon ng napakalakas na out of place. Maybe going here is really not a good idea. Hindi ko matanaw si Gabrielle from the entrance. Sayang, gusto ko pa naman makita kung gaano siya kaganda ngayon. Pagkakasyahin ko nalang siguro yung sarili ko sa kung ano yung ipo-post niya sa i********: or f*******: niya sa laptop ko-- katulad ng lagi kong ginagawa. Nagpumpisa na akong lumakad palayo nang may humila sa braso ko. I got terrified! Biglang nag flash back sa isip ko yung pang gugulping ginawa sakin ni Uncle. Yuyukod sana ako pero nung nakita ko kung sino yung humila sakin, nakahinga ako ng maluwag. Bumungad sakin yung seryosong mukha ni Gabrielle. May iba sa kanya ngayon kaya hindi ko siya nakilala agad. She cut her hair short! Maganda pa din siya pero ngayon habang nakatitig ako sa kanya-- ang gwapo din niya! Natameme tuloy ako. "Hey, where are you going?" may halong pagkadismaya yung tono ng boses niya. "I-- uhmm..." Napailing siya nung mapansin niya yung suot ko. "Good thing may dala akong extrang damit dito." inangat niya yung dala niyang paper bag. Hindi na ako nakapalag pa nung hinila niya ako papasok ng nightclub. Dire-direcho kami sa c.r. saka niya ako tinulak papasok sa loob ng isa sa mga cubicles. "Siguro naman kaya mo nang bihisan sarili mo? Don't worry ikaw unang magsusuot niyan." ngumiti pa siya saka sinarado yung pinto. Isang simpleng maroon na dress at pares ng flat shoes ang laman ng paper bag. Nanginginig yung mga kamay ko habang nagpapalit ng damit. Naguumpisa na naman akong mao-over whelm sa mga nangyayari. After I finished changing, dahan-dahan akong lumabas ng cubicle. Nahihiya ako kay Gabrielle. I startled when she clapped her hand. "I knew it! Bagay sayo yung dress na yan." tumabi siya sakin. Dalawa na kaming nakaharap sa salamin ngayon. Nuon ko lang napansin yung suot niyang maroon coat na pinaresan ng black na crew neck shirt. Para kaming couple! She pulled me close to her. Napapikit ako. Jusko, ilang beses pa ba ako magugulat ngayong gabi? Naramdaman ko yung malamig na dumampi sa lips ko-- narealize ko lipstick pala yun. I stayed tongue tied the whole time na naglalagay siya ng lipstick sa labi ko. Tinanggal niya din yung pagkakapusod ng buhok ko. "You look better when you let down your hair, Rapunzel." naka smile pa niyang biro saken. Hindi ko magawang mag respond sakanya kahit pa matagal ko nang pinapangarap na maging ganito kami kaclose. Gusto ko sana siyang puriin dahil sa new look niya kaso nung naipon ko na yung lakas ng loob ko hinila na niya ako palabas. "Just in time! Let's hear a song number from the crowd's favorite and the most requested, Gabb Skribikin!" impuntong tinutok yung spot light kay Gabb pagkatapos siyang tawagin ng host. Naghiyawan lahat. "Gabb! Gabb! Gabb! Gabb!" Sobrang sport niya dahil kahit na on the spot game lang siya sa trip ng mga kaklase namin. Naupo ako sa table 'di kalayuan sa stage para mapanuod ko siya ng mabuti. Sakanya lang nakatutok yung attention ko kaya hindi ko agad napansin na kasama ko pala sa table yung tatlo niyang kaibigan-- naramdaman ko nalang na pinagtitinginan nila ako. I hate this feeling! It makes me paranoid but tried so hard na hindi sila pansinin. Sinubukan kong mag focus nalang sa pag kanta ni Gabrielle kaso parang sinasadya talaga nila na marinig ko yung pag uusap nila. "Bakit nandito siya?" "In fairness bagay sa kanya yung dress ah. From dugyot to social climber!" "Kasama siya ni Gabb? 'Di ko alam into charitable works din pala si Gabb to help less fortunate." "Eww! Naamoy ko siya! Ambaho!" Nagtatawanan sila habang nakatingin sakin. Gusto ko nang lumubog sa kinauupuan ko! Kinalabit pa ako nung isang babae at pinapausog palayo sa kanila-- so, I did. Ayoko nang magkaroon pa nang eskandalo. Hinayaan ko nalang din na kainin ako ng insecurities ko. Bakit ko pa nga ba kasi pinilit magpunta dito. Don't belong here. Naguumpisa nang magsalita yung mga boses sa tenga ko-- hindi pwde 'to! Hindi ko napansin na natapos na pala yung pagkanta ni Gabrielle. Namalayan ko nalang na naka upo na siya sa tabi ko. "What are we laughing about ladies?" "Gabb bakit mo ba in-invite yung babae na yan? She stinks!" kinalabit pa niya ako "Miss naligo ka ba?" Lalo lumakas tawanan nila. Ngumiti si Gabrielle. "Well, at least I can ask her to take a bath. Unlike you-- ugali mo yung mabaho sayo, Lucille. So, shut up and don't ruin my night." Sobrang na-amazed ako kay Gabrielle sa ginawa niya. She remained calm kahit pa 4th degree burn yung ginawa niya duon sa isang babae. Lumingon lang siya sakin sa ngumiti ulit. "Let's order some drinks." * * * MADALING araw na nung natapos yung party. Hindi ako sanay na umiinum ng alak kaya na-tipsy agad ako sa pangalawang order ko nang margarita. Si Gabrielle naman nabusy sa pagsayaw sa dance floor. Niyayaya niya ako kanina pero tumangi ako. Baka makita na naman ako nung tatlong babae kanina at awayin ako. Hindi ko naman pwdeng asahan na lagi akong ipagtatanggol ni Gabrielle sa kanila. "My house is just a few blocks from here. Duon ka na muna mag sleep over." yaya sakin ni Gabrielle. Nandito kami ngayon sa labas at hinihintay sa valet. Tinanong kasi niya kanina kung saan ako uuwi-- sobrang layo kaya hindi na ako nagdalawang isip pa na pumayag. Tahimik lang ako sa passenger's seat habang nasa biyahe kami. Hindi pa din ako makapaniwala na kasama ko siya buong gabi. Sobrang dream come true 'to lalo na sa stalker na katulad ko. Grabe yung excitement na nararamdaman ko knowing na slowly mas napapalapit na ako sakanya. Mas nakikilala ko na yung totoong siya at hindi nalang laptop ang kaharap ko ngayon. "Here we are." huminto kami isang two-story na bahay and just like what she said malapit nga lang duon sa venue namin kanina. Medyo nagulat lang din ako kasi ang alam ko duon siya sa condo na madalas kong puntahan nakatira. Siguro dito nakatira yung parents niya? Nakakapagtaka lang-- kung eto ang bahay ng parents niya, bakit nakasarado lahat ng ilaw sa bahay? Nakaramdam akong pagkabalisa. Automatic namang bumukas yung garage nung pinindot niya yung maliit na remote na nakasabit kasama ng car keys niya. "Welcome to my humble abode." sabi pa niya nung pag pasok namin sa main door ng bahay. Hindi ganun kalaki yung bahay. Pag pasok mo may hagdan sa left side papuntang second floor at sa right side naman ay maliit na sala sunod agad ang dinning area at kusina. "Wag ka mahiya. I live alone here." Nagtanggal ako ng sapatos at dumirecho sa sala. Pero bago pa ako makarating sa sofa-- bigla akong napatumba at sumigaw sa sobrang sakit! Napahawak ako sa kaliwa kong paa. Hindi ako makapaniwala sa nakita ko! Nabali! Bali yung buto ko!!! Pag angat ko ng tingin nakita ko si Gabrielle na may hawak na maso. Mukhang yun yung dahilan kung bakit ako namimilipit sa sakit ngayon! Naguunahang tumulo yung luha ko sa tindi ng kirot. Hinataw niya ulit ako ng maso sakabila ko namang paa! Hindi ko mapigilang mapaatungal. Bakit!? Yun lang yung paulit ulit na sigaw ng isip ko habang patuloy sa pag iyak. She squat beside me and grab my hair. "Masakit ba Coleen?" I saw her smiled again bago ako tuluyang nawalan ng malay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD