MALAMIG na sahig ang gumising kay Coleen. Nilibot niya ng tingin yung sa paligid pero dahil madilim at tanging yung ilaw lang na tumatagos sa mga siwang ng pintuan yung liwanag-- hindi niya gaano maaninag kung nasaan siya.
Nasaan ba ako?
Ang huli niyang natatandaan ay sumama siya sa bahay ni Gabrielle para magover night. Pilit niyang inalala pero blurred sa isip niya yung mga sumunod na nangyari.
Sinubukan ni Coleen na tumayo at duon lang niyan nalaman ang kalunos-lunos na kalagayan niya. Nakagapos pala yung mga kamay at paa niya, meron din busal siyang sa bibig! Nagumpisa na siyang mag panic. Paano nga ba siya napunta sa sa sitwasyon na 'to?
Pumaling siya ng posisyon para makahanap ng pag kakapitan. Baka makatulong yun para makatayo siya pero mas lalo lang napasama ang lagay niya. Pinaalala nang matinding sakit na binali nga pala yung magkabila niyang binti! Muli siyang napa-palahaw ng iyak.
Sa tindi ng sakit hindi na niya napansin na bumukas na pala yung pinto at ilaw nung kwarto kung nasaan siya. Si Gabrielle yung pumasok. Naka suot siya ng itim na gloves at may dala-dalang basa na face towel.
Binuhat niya paupo ang kawawang babae na nakahandusay sa sahig. Wala siyang pakialam kung masasaktan si Coleen. Panatag siya na sound proof ang buong kwarto kaya walang kahit sino sa labas ang makakarinig sa pag iyak niya.
Pinunasan niya yung kalat-kalat na make up ni Coleen habang inaalo siya. "Sshhh.. Sorry kung matagal. I just had some chores to finish."
Nanlaki yung mga mata ni Coleen. Nalala na niya! Si Gabrielle ang bumali ng mga paa niya! Mabilis na umakyat yung takot sa buong katawan niya dahilan para manginig siya at mahirapang huminga. Kailangan niyang tumakas! Kailangan niyang iligtas yung sarili niya kung gusto pa niyang mabuhay!
Katulad din pala siya ni Uncle! Gusto din niya akong patayin!
Patuloy lang ito sa pag punas ng face towel sa kanya. Napatitig siya kay Gabrielle. Kalmado na ulit siya, maamo-- malayo sa kung anong halimaw na nanakit sa kanya kanina.
Paano ba niya magagawang lumayo sa taong 'to? Sa maamo niyang boses? Sa maganda niyang mukha? Matagal na niyang pinangarap na makasama si Gabrielle.
She's the reason why I'm still alive.
Natanaw ni Coleen ang pamilyar na cellphone na hawak ni Gabrielle sa kanan nitong kamay. Cellphone niya yun!
"Pretty sure this is yours." Sinundan niya yun ng tingin hanggang iniharap ni Gabrielle sa kanya yung pulang clam phone.
"Tell me-- did the police sent you to spy on me?" nanatili lang siyang kalmado samantalang patuloy sa pagiyak si Coleen at halos mabali na ang leeg sa tuloy-tuloy na pag iling.
Mahigpit niyang ginagap yung pisngi ni Coleen. "Sigurado ka?" halos maghalo na yung luha at pawis sa mukha nung kawawang babae habang patuloy na umiiyak.
"Make sure you're not. 'Cause if you're lying, I will kill you." bulong pa niya saka marahas na bumitaw sa pagkakahawak sa mukha nito.
Nanlaki yung mata ni Coleen sa nakita niya nung umalis saglit si Gabrielle. Natatakpan niya kasi kanina yung bahaging yun ng kwarto. Hindi siya pwedeng magkamali! Yung lalaking manyak na laging kasama ni Gabrielle sa school-- nanduon sa kabilang sulok! Naka kadena at may busal din sa bibig!
"Oh! So, you finally meet each other." naka ngiti si Gabrielle pag balik niya-- may dala-dalang bag at damit.
Kinalas ni Gabrielle yung cable tie na naka tali sa mga kamay ni Coleen. Akma na niyang bibihisan ito nang may naalala siya.
"Sorry Kenneth, may magbibihis-- no peeking." pumunta siya sa lalaki at pinag papalo muna sa katawan bago niya nilagyan ng piring yung mata.
Nagawa naman ni Coleen na gumapang papunta sa may pintuan habang abala si Gabrielle pero hindi sapat na oras yun para makatakas siya dahil narin sa hinihila nalang niya yung gulay niyang mga paa.
"Bakit aalis ka na? Pupunta na tayo ng ospital." saka niya binuhat yung payat na katawan ni Coleen pabalik duon sa dati niyang pwesto saka binihisan ng sweat shirt at jogging pants. Pwde kasing itago ng damit na yun yung mga marka na iniwan ng cable tie sa kamay ni Coleen habang nasa labas sila. Mabuti nang nagiingat.
Abot-abot yung kilabot ni Coleen nang muli siyang binuhat ni Gabrielle at ipinasok sa loob ng body bag.
Para sa mga patay lang 'to di ba? Bakit niya ako ilalagay dito? Sabi niya hindi niya ako papatayin?!
Tinalian muna niya ulit sa kamay yung kawawang babae bago tuluyang isara yung bag.
"Ayokong magkalat ka sa sasakyan natin. So, be a good girl here, okay? Remember-- one mistake and I'll cut your throat." bulong pa niya.
* * *
Coleen's POV
NAWALAN ako nang malay ilang minutes pagkatapos akong ipasok ni Gabb sa body bag. Sa takot at sa kawalan na rin siguro ng oxygen sa loob. Nakahiga na ako sa hospital bed nung nagkaroon na ulit ako ng malay.
How long did I pass out? Buhay pa ba ako? Teka, yung paa ko! Hindi ko maramdaman yung mga paa ko! Napabalikwas ako ng bangon.
Napatulala nang makita ko yung semento na nakalagay sa magkabila kong paa. Nangilid ng luha ko sa relief. Thank goodness hindi pa putol yung mga paa ko!
"Buti naman gising ka na."
Napalingon ako sa taong nakaupo sa gilid ko. Si Gabb yun. Napansin niya ako kahit pa abala siya sa panunuod ng balita sa TV.
Clearly she's not the person I thought she was. Pero kung papatayin niya ako bakit niya ako dinala sa ospital? Ano ba talagang nangyayari?
Lumiwanag yung expression nang mukha ni Gabb nung nabanggit ng newscaster yung mga salitang exclusive newsflash tungkol sa isang tragic car crash. Sunog na sunog daw yung driver ng kotse at halos hindi makilala. Hindi kaya...?
"'D-di ba... boyfriend mo siya?" nanunuyo yung lalamunan ko.
Kunot yung noo siyang bumaling sakin.
"That disgusting guy?" she rolled her eyes in sarcasm. "Isa lang gusto ko sa kanya. I want him dead."
"And thanks to you I just cleared myself from the suspect list." napansin kong nakatingin siya sa paa ko and that confirms my hunch. Nagumpisa na akong pag pawisan ng malamig dahil sa takot.
"But of course that's not him. Hindi naman ako ganun kabobo to sell myself out."
"B--bakit napangiti ka?"
She shrug her shoulders. "May naalala lang ako."
Naging malinaw na din sa wakas ang lahat! So, pinatay nga talaga niya yung lalaki na yun! Binali niya yung mga paa ko para dahilin niya ako sa ospital para may pang depensa siya kung sakaling mahuli siya ng pulis?
She really is a psychopath!
Malinaw na ang lahat Coleen! Pero bakit parang mas lalong gumulo yung isip ko? Oo, alam ko na kung anong klaseng tao siya pero bakit hindi pa din mawala sakin yung pag asa na baka lang... Baka sakali lang na hindi totoo at bangungot lang yung mga nalaman ko.
Bakit? Bakit siya naging ganito?
Gusto ko siyang tanungin kung ano bang problema at bakit siya nagkakaganito-- kaso napansin ko hawak niya ulit yung cellphone ko.
Sinubukan kong agawin pero dahil nanghihina pa ako, mabilis siyang nakaiwas.
Napasinghap ako nang bigla niyang diniinan yung isang paa ko. 'Di ako makaramdam duon pero na trigger ulit yung sakit dahil sa ginawa niya.
"So, tama nga yung hinala ko." hinarap niya sakin yung listahan ng schedules, home address at iba pang information tungkol sa kanya na nakalagay sa notepad ng cellphone ko. "You're stalking me."
Hindi ko magawang mag deny. Hindi naman niya siguro ako sasaktan dito dahil nasa ospital kami. Maraming makakakita sa kanya. Sana lang...
"Don't worry, I'll let it pass."
Nagulat ako nung bigla niya akong sinakal saka bumulong sa tenga ko. "But don't feel relieved yet. 'Cause you're not going anywhere!"
"Patient Trinidad?" pareho kaming nagulat nang pumasok yung nurse. Agad siyang bumitaw sa pagkakasakal sakin. Napa buntong hininga muna siya bago humarap duon sa nurse.
"Ma'am, ready for discharge na po si Miss Trinidad."
Ngumiti naman si Gabb at inabot yung discharge paper.
"Thank you nurse!"
Kinilabutan ako nung lumingon ulit sakin si Gabb. Ayun na naman yung nakakatakot niyang tingin. "Let's go?"
* * *
PAGKABALIK namin sa bahay ni Gabb dinala niya ulit ako sa loob ng kwarto kung saan niya ako kinulong.
Wala siyang imik simula pa kanina pagkalabas namin sa ospital hanggang ngayon na ipinupulupot niya yung kadena sa mga braso ko. Magagawa ko pa bang pumalag? Halata namang mas malakas siya sa akin kahit pa ayos yung magkabila kong paa. Wala akong magawa kungdi hayaan nalang siya.
Kumuha siya ng upuan pagkatapos niyang i-lock yung kadena at pumwesto sa harap ko.
"Alam mo wala ka sana dito eh. Nanduon ka sana sa school ngayon, nagtataka kung bakit hindi ako pumasok. But no-- you're such a clumsy for a stalker." natawa siya nung nabangit niya yung salitang stalker.
"Panigurado namang wala ka nang ibang maitutulong sakin-- Patayin nalang kaya kita?" nanlamig yung buong katawan ko nung tumayo siya saka kinuha yung bakal na nakatabi sa gilid. Makapal yun at mahaba- siguradong mawawalan ako ng ulirat sa oras na hatawin niya ako!
Hindi ko mapigilang mapatili. Sinikap kong gumapang papalayo sa kanya pero dahil may naka kabit na semento sa akin, hirap akong gumalaw.
"Shhh... Mabilis lang 'to. Hindi mo masyado mararamdaman."
She's about to swing nung napasigaw ako habang pikit matang sinusubukan umilag.
"H-hack!"
"What?"
"K-kaya kita nahanap kasi marunong ako mang hack ng kahit anong system!"
Hinihintay ko tumama yung bakal sa ulo ko pero katahimikan yung sumunod. Sobrang tahimik halos rinig na rinig ko yung pag hinga naming dalawa.
Her chuckle crack the silence.
"You really are desperate, aren't you?"
Napabuntong hininga siya nang ibaba niya yung bakal.
"Let me think about it."
Nuon lang ako nakahinga ng medyo maluwag nang lumabas na siya ng kwarto.
Para sa normal na takot na takot na tao hindi nila kakayanin na makatulog sa ganitong sitwasyon pero ako-- dala nang lahat ng pinag daanan ko kahapon hanggang ngayong araw, hinihila na ako ng antok. Gusto nang magpahinga ng katawan ko. Kaya naman kahit walang kasiguraduhan kung gigising pa ako kinabukasan, matutulog na muna ako.
* * *
Gabrielle's POV
"HELLO? I.. uhmm- looking for Mr. Alvin Bryan Capili? This is Joanne from UPS, we just have a few questions regarding his billing address?" this is my 4th try in finding that sly bastard!
"Sorry wala po siya. Hindi ko po alam--" parang blade sa tenga ko yung salitang hindi ko alam. Sa sobrang inis ko pinatay ko nalang yung tawag. Walang kwenta!
Tinangal ko yung bagong bili kong sim card saka tinapon sa trash bin na katabi ng study table. I took a deep-frustrated-breath as I take a seat on the office chair. Napatingin ako sa glass cabbinet na nasa harapan ko. I can't help but to smile while looking at the 4 big sand hourglasses na naka display. Who would have known na mga urns ang mga yun? Thanks to sss by giving me a very nice and discreet idea.
Alvin will complete my whole collection. Bakante pa kasi yung 2nd layer space. That turd! I'm gonna butcher him brutally for making me chase.
Naalala ko yung offer sakin nung stalker. Hack the system. Lahat ng pwde kong reference nagamit ko na. Maybe that's my last resort since mukhang napaka galing mag tago nitong last target ko.
Kinuha ko yung isang picture na natabunan sa mga naka pin na iba pang mga papel duon sa cork board. I smiled bitterly habang pinipigilan tumulo yung luha ko.
Konti nalang Toby. Makukuha na ni ate yung hustisya para sa inyo ni Mama. Uubsin ko sila, like I promised to you.
For the mean time kailangan ko pang asikasuhin si Kenneth. Ugh! Kahit kelan lagi nalang paimportante yung lalaki na yun.
Nag punta ako sa garahe para kunin yung body bag saka sinakay sa trunk ng kotse ko. It's been a long night at gusto ko na magpahinga pero kailangan ko pang tapusin 'to.
I went to a long drive at madaling araw na ako nakarating sa sinadya kong lugar.
RUEDAS CREMATORIUM
May remote ako nang automatic gate kaya naman kahit na nagsi-uwian na yung mga empleyado, hindi ako nahirapan makapasok sa loob. I remember the thrill that I felt when I first bought this crematorium. This is the very first step that I made to plan my revenge at hindi nga ako nagsisi, it really came in handy.
Hindi na ako nagpakahirap pa na buhatin yung body bag dahil may nakaabang nang stretcher dito sa garahe. Mabuti nalang din-- 'cause Kenneth right here can't stop moving inside! Akala ko pa naman natuluyan na siya nung hinampas ko siya ng martilyo sa ulo.
Good thing may dala akong plan B.
And I am right. Pag kabukas ko ng body bag, nanlilisik na mata ni Kenneth ang bumungad saken. I swear he is trying to say something pero hindi ko maintindihan-- ahh oo nga pala! I shoved a big ball of rug in his face kaya puro ungot lang siya.
I tried to be friendly and calm, I even smiled at him habang ineextract yung tranquilizer gamit ng sringe.
"Sssshhh... I'm not that cruel. This is for horses you know..." pinakita ko pa sa kanya yung bote. "But this is also highly effective to humans. So..." I casually inject him and prepare the chamber.
"You see Kenneth, I'm willing to tolerate you for your money. We're better off as f**k buddies but you don't know how to set your boundaries don't you? Kinailangan mo pa talagang pumunta sa bahay ko-- uninvited at guluhin ang ginagawa ko. Mara almost escaped!"
Naalala ko yung perwisyong ginawa niya last week. I'm not planning to kill Mara anytime soon, not until malaman ko kung nasaan si Alvin. But Kenneth barged in one night, unannounced and now I'm working double time!
"Say hi to Mara for me." bulong ko pa sa tenga niya bago siya tuluyang ipasok sa naglalagablab na chamber. Bye asshole!
* * *
EARLY afternoon na ako nakabalik ng bahay kinabukasan. Sa crematorium na ako nag pahinga at nag palipas ng gabi. Kinailangan ko munang idispatsya yung ibang gamit ni Kenneth baka may iba pang makakita.
Nag ayos muna ako muna yung sarili ko before going down stairs to the basement. I've decided to make a deal with the stalker. Her life in exchange to Alvin's whereabouts. Since she's also another perverted maniac-- she's not that difficult to manipulate.
Natigilan ako nung makita ko siyang natutulog sa sahig. Tinampal ko yung mukha niya.
"Wake up!"
Pawis na pawis siya at halatang inaantok pa. Sa lahat ng hostage siya yung masarap matulog. That's interesting.
"You said you know how to hack, right? I want you to find someone. Can you do that?"
She blankly stared at me. Nakakabwiset kausap yung mga hindi sumasagot kaya sinampal ko ulit yung mukha niya. This time nilakasan ko na halos mangudngod na siya.
"I said, can you do that?!"
"Y-yes."
"What do you need??!"
"Yung-- yung laptop ko sa apartment."
I rolled my eyes. Of course, ako yung kukuha 'cause I can't let her go out.
"Fine. Give me your address."
* * *
Yellow Stone Homes
I parked my car in front of a 5-story building apartment. Sobrang luma, madumi at sira-sira na yung harap. Binasa ko pa ulit yung nakasulat sa papel na address. It matches duon sa address plate na nakasabit sa harap ng kinakalawang na gate. I guess this is it.
Sinalubong ako nang napakadaming kalat sa hall way. Marami ding nagtatakbuhan na mga bata-- halos hindi na ako makadaan. This area is so depressing-- no wonder that stalker girl looks like a walking stress.
Room 513 5th floor, pinaka dulo sa left side. Yun yung tanda kong instruction niya. So, I hurried climbing the stairs. Ayoko nang mag tanong para makaiwas sa istorbo dahil nag mamadali ako.
"Uy! Bagong salta! Sino hinahanap mo?" puna pa sa akin nung isang manong na nakatambay.
Gusto ko sanang hindi siya pansinin kaso baka mapasama pa ako dito.
"Room 513."
"Oh, kila Trinidad! Hoy, sabihin mo nga duon sa Coleen na yun mag bayad na siya ng upa nila! Kungdi itatapon ko lahat ng gamit nila sa labas!"
"Nako nagkakampihan lang yan! Tinataguan tayo dahil ayaw mag bayad!"
Lumapit sa akin yung kasama niyang matandang babae saka ako kinalabiy ng madiin sa balikat. Nabigla ako kaya naman hinawakan ko yung kamay niya. Hinigpitan ko yung hawak para maramdaman niyang hindi ko gusto yung ginawa niya.
"May pinapakuha lang sakin."
Marahas kong binitawan yung kamay niya saka umalis.
Nilagpasan ko pa yung ilang nagkukumpulan na chismosa bago ko narating yung pinaka dulong kwarto.
Nagtaka ako dahil hindi naka lock yung pinto. Para saan pa na binigay niya sakin 'tong susi?
Isang bumubulusok na bote ang tumama sa mukha ko pag bukas ko ng pinto!
"Fvck!" nahilo ako. Nalalasahan ko din yung dugo na umaagos sa mukha ko.
She said she's leaving here all alone! That b***h! Getting me killed just for a stupid laptop! That stalker girl better find my guy after this!