bc

The Mafia Lord's Unexpected Girlfriend

book_age18+
15
FOLLOW
1K
READ
dark
family
HE
age gap
second chance
powerful
mafia
heir/heiress
drama
sweet
bxg
serious
kicking
disappearance
lies
poor to rich
musclebear
like
intro-logo
Blurb

Mahirap lang si Lyannah, lumaki sa isang liblib na isla at kumapit sa pangakong mabibigyan siya ng maayos na trabaho sa Maynila. Ngunit sa kanyang pagdating, natuklasan niyang isang malaking kasinungalingan ang lahat sa isang bar pala siya dadalhin. Tinakasan niya ang panganib, pero kapalit nito ay ang maging palaboy sa gitna ng siyudad na hindi niya kilala.Sa pinakamadilim na gabi ng kanyang buhay, isang estrangherong lalaki ang lumapit sa kanya. Malaki ang katawan, malakas ang presensya, at tila may itinatagong kapangyarihan. Binigyan siya nito ng pera para makakain at makapag-ayos... kapalit ng isang alok na hindi niya inaasahan maging kasintahan nito.At nang mas makilala niya si Alessandro, doon niya nalaman ang katotohanan.Hindi ito basta mayaman.Hindi ito basta makapangyarihan.Isa itong Mafia Lord at kayang baguhin ang buhay niya sa isang iglap… o wasakin ito nang hindi siya makakatakas.At ngayon… hawak na nito ang puso niya.

chap-preview
Free preview
CHAPTER 1
LYANNAH POV Bago pa man sumikat ang araw, gising na gising na ako. Malamig pa ang hangin at medyo madilim pa ang paligid habang naglalakad ako papunta sa dalampasigan. Sanay na ang mga paa ko sa gaspang ng buhangin dito na ako lumaki, dito na rin ako unang natutong mangarap. Maaga pa, pero may ilan nang ilaw ng bangka sa di-kalayuan. Nakaabang ako, tulad ng nakasanayan, sa mga bangkang dadaong para makapag-harvest kami ng isdang paninda namin ni Nanay ngayong araw. Si Tatay naman ay nasa laot na rin. Kalahati ng huli niya ay ibibenta, at kalahati naman ay pang-ulam naming pamilya. Pero kadalasan, hindi iyon sapat. Kaya heto ako, nakatao sa dalampasigan, handang sumalo ng isda mula sa ibang mangingisda para may pandagdag kami sa paninda. Ganito ang buhay dito sa isla walang kasiguraduhan, pero punô ng pagtitiyaga. Lumaki ako rito. Ito ang mundong kinalakihan ko at naging bahagi na ng pagkatao ko ang amoy ng alat sa hangin at ang pakikipag-unahan sa sikat ng araw. Ako ang panganay sa tatlo. Mas bata sa’kin sina Eloy, na trese anyos at nasa Grade 7 na, at si Jannah na pito pa lang at nasa Grade 2. Sila ang dahilan kung bakit mas pinili kong huminto sa pag-aaral. Hanggang Grade 10 lang ang inabot ko hindi dahil hindi ko kaya, kundi dahil kailangan nilang unahin. Hindi madali ang buhay namin, pero hindi ko iyon ikinakahiya. Ang pangarap ko? Simple lang. Gusto ko ng trabahong may mas malaking kita, para kahit minsan man lang, maramdaman ng mga kapatid ko kung ano ang pakiramdam ng hindi nag-aalala kung may makakain ba kinabukasan. Para kay Nanay at Tatay, gusto kong maramdaman nila ang pahinga, ‘yung hindi na sila kailangang magpuyat o mag-alala kung sapat ba ang huli sa araw-araw. “Oh, magandang umaga, Ly! Dumating na ba ang tatay mo?” tanong ni Mang Isko nang mapansin niyang nakatayo ako sa may bato, nakatingin sa mga papalapit na bangka. Umiling ako at ngumiti ng kaunti. “Hindi pa ho, pero baka isa na siya d’yan sa mga bangkang papalapit.” Sabay turo ko sa dagat, saan unti-unting lumilinaw ang hugis ng mga bangka habang papalapit sila sa dalampasigan. “Ay gano’n ba? Paki-sabi naman sa tatay mo, Ly, na dalhan ako ng isda sa bahay. Do’n ko na lang babayaran. Naiwan ko kasi ang wallet ko,” sabi niya habang inaayos ang basket na dala niya. Tumango ako. “Sige ho, Mang Isko.” Nginitian ko siya nang maluwag. Isa rin sa pinagkakakitaan namin ang pagde-deliver ng isda sa mga bumibili. May dagdag bayad din iyon, kaya malaking tulong kahit papaano. Habang papalapit ang unang bangka, huminga ako nang malalim. Isa na namang araw ng pagsusumikap, pagod, at pag-asa. Isa na namang araw na sana, unti-unti ay lumapit ako sa pangarap kong buhay kahit malabo, kahit malayo, kahit minsan ay parang imposibleng maabot. Hindi pa man tuluyang sumasayad sa buhangin ang isang bangka, napansin ko na agad ang kilalang anino ni Tatay. Kahit sa malayo, kabisado ko ang kilos niya ’yung pag-ayos niya ng lambat, ‘yung marahan pero mabigat na pag-yuko niya dahil sa pagod, at ‘yung paraan ng paglingon niya na parang hinahanap kung may nakahanda ba para tumulong. Napangiti ako. “Tay…” mahina kong usal, halos sarili ko lang ang nakarinig. Hindi ko na hinintay pang umahon ang bangka. Agad akong tumakbo papunta sa tubig, ramdam ko ang malamig na alon na tumama sa binti ko, pero hindi ko iyon inalintana. Mas excited akong tulungan si Tatay kaysa isipin kung mababasa ako. “Lyannah? Anak, bakit ka sumugod d’yan? Basa ka na naman n’yan!” tawag ni Tatay habang inaayos ang lambat na halos doble laki ng katawan ko. “Huwag na kayong mag-alala, Tay,” sabi ko habang sumampa ako sa gilid ng bangka para abutin ang timba at isa pang lambat. “Mas mapapagod pa kayo kung kayo lang mag-isa. Tsaka… sabi ni Nanay, ako na raw dito. Aasikasuhin pa niya sina Eloy at Jannah papasok mamaya.” Napailing si Tatay habang pinipigilan ang ngiti. Kita ko ang pagod sa mukha niya ’yung parang napakatagal na niyang binubuhat ang bigat ng mundo, pero pilit pa ring nakangiti dahil sa amin. “Kaya nga nagpapasalamat ako sa’yo, anak. Pero… sana lang nakapag-aral ka pa.” Naramdaman ko ang kirot doon, pero sanay na ako. Madalas na niya iyong sabihin, at madalas ko ring nginitian. “Darating din ho ‘yon, Tay,” sagot ko, kahit hindi ako sigurado kung kailan. “Sa ngayon, ito muna.” Sabay naming inumpisahan ilipat ang mga isda mula sa bangka papunta sa mga timba sa buhangin. Malalaki ang ilang nahuli maya-maya, talakitok, tambakol halo-halo, pero sapat na para kumita kami ngayong araw. Habang nag-aayos kami, sinundan ko ng tingin ang lumulutang na usok mula sa maliit na kusina sa may gilid ng bahay namin. Iniisip ko si Nanay siguradong abala na naman, hinahabol ang oras bago pumasok ang mga kapatid ko. Si Jannah, baka naman nagtatakbong nakapaa pa rin. Si Eloy, baka nakasimangot na naman dahil inaantok. Ito ang araw-araw naming buhay. Pagod, pag-aalala, pera, pagkain, ulitin kinabukasan. Pero kahit gano’n, mahal ko ang buhay sa isla. Tahimik. Simple. Kumakapit sa pangarap kahit nakakawala minsan. Habang unti-unti nang nauubos ang laman ng bangka ni Tatay, nagsimula na akong magbilang ng huli niya. Ito na ang nakasanayan namin araw-araw mabilis, maingat, at tiyak. Kailangan kasing siguraduhin naming tama ang bilang at maayos ang pagkakahiwalay para alam namin kung gaano ang kikitain at gaano ang iuuwi. “Ly, unahin mo muna ‘yung malalaki. Mas mahal benta natin do’n,” sabi ni Tatay habang pinupunasan ang pawis sa noo niya kahit malamig pa ang simoy ng umaga. “Opo, Tay.” Umupo ako sa buhangin at isa-isang inangat ang mga isda mula sa timba. Mabigat ang ilan, buhay pa ang iba, kaya kumikislot sa kamay ko habang inililipat ko sila sa maliit naming palangganang kahoy. Malalaki ang tambakol ngayon. Siguro swerte si Tatay ngayong araw. “Eto po, Tay. Dalawampu’t tatlo lahat ng tambakol,” sabi ko habang pinapatong ko sa gilid ang listahang ginagamit namin. “Sampu sa ibebenta, tapos lima para kay Mang Isko. ‘Yung natitira… uuwi natin.” “Sobra pa tayo, anak.” Tumingin si Tatay sa akin, may bahid ng tuwa sa pagod niyang mga mata. “Makakakain tayo nang masarap mamaya.” Napangiti rin ako kahit ramdam ko ang pamamanhid ng binti ko dahil sa pagkakayuko. Isinunod ko naman ang mas maliliit na isda, yung pang-ulam o minsan pang sahog sa gulay kapag nagtitipid. “Tatlong timba lahat, Tay. ‘Yung dalawa pang benta, tapos ‘yung isa… pang uwi po.” “Magaling. Salamat, anak.” Tinapik niya ang balikat ko bago niya tinulungang itabi ang pang-ulam namin. “Pagkatapos nito, i-deliver mo na agad kay Isko ‘yung order niya para makasingil na.” Tumango ako. “Opo, Tay. Ako na ho.” Kinuha ko ang inihiwalay kong limang malaking isda para kay Mang Isko. Pinunasan ko muna ang mga ito para mas presentable at maayos tingnan. Kahit papaano, professional pa rin dapat tingnan ang paninda ganito ang turo ni Nanay. Habang inaayos ko, napatingin ako kay Tatay. Nakapamulsa siya habang nakatingin sa dagat, parang nag-iisip nang malalim. Alam ko kung bakit. Araw-araw, iniisip niya kung sapat ba ang huli niya para sa amin. Kung hanggang kailan niya kaya. Kung may bukas pa bang mas magaan. “Tay.” Tinawag ko siya nang mahina. “Ano ‘yon, Ly?” “Padami ka nang padami nang huli ngayon ah,” biro ko habang inaabot ang sisidlan ng isdang tipong ipinagmamalaki. “Siguro malapit ka nang maging milyonaryo.” Napatawa siya nang mahina, ‘yung tawa na may halong pagod at saya. “Kung gano’n, anak, matagal ko nang binili ang pangarap mo.” Humigpit ang dibdib ko. “Hindi kailangan, Tay,” sagot ko sabay ngiti. “Ako na ho ang gagawa no’n.” Tinignan niya akong mabuti ’yung tingin na alam kong puno ng pasasalamat at pag-aalala. Pero bago pa siya makasagot, lumapit si Mang Isko dala ang bakol niya. “Ay, Ly! Naayos mo na pala!” tuwang sabi nito. “Opo, Mang Isko. Eto na po ‘yung limang pinakamalaki. Diretso ko na rin pong pinunasan.” “Aba’y ang sipag mo naman talaga!” tuwang-tuwa niyang sabi habang iniaabot sa akin ang bayad. “O, heto na ang bayad ko.” Kinuha ko ang pera at ngumiti. “Maraming salamat po! Babawasan ko na lang po kapag nag-deliver ulit.” “Sige, sige.” Pagkaalis ni Mang Isko, nilapag ko ang bayad sa maliit naming supot at tumayo para tulungan si Tatay sa natitirang lambat.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

30 Days to Freedom: Abandoned Luna is Secret Shadow King

read
313.3K
bc

Too Late for Regret

read
306.0K
bc

Just One Kiss, before divorcing me

read
1.7M
bc

Alpha's Regret: the Luna is Secret Heiress!

read
1.3M
bc

The Warrior's Broken Mate

read
143.7K
bc

The Lost Pack

read
425.5K
bc

Revenge, served in a black dress

read
151.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook